Araw ng pagbalik ni Schiyev sa Maynila. Tapos na kasi ang isang linggong bakasyon niya kasama ang kanyang ina.
“’Nay, ano kaya kung doon ka po kina Rhea tumira? Magkalapit naman po ’yung pamilya natin sa pamilya nila.” saad niya habang patuloy siya sa pag-iimpake. Tumigil saglit at hinarap ang ina. “Eh, nag-aalala po kasi ako sa inyo. Matanda na po kayo at nag-iisa lang dito. Baka kung may mangyaring masama sa inyo, hindi ko malalaman agad. Mas mabuti nang kina Rhea po kayo para may titingin at para may kasama na rin po iyong tatay at mga kapatid niya.”
“Hay, naku anak. Ano bang balak mo? Gawing love team kaming dalawa pati iyong tatay ni Rhea?” Biro ng kanyang ina.
“Hindi naman po sa ganoon. Saka matanda na po kayo para sa mga ganiyan. Ang akin lang ay para may kasama po kayo.”
“Anak.” Lumapit ang kanyang ina sa kaniya. “Hindi ko kailangang lumipat ng bahay. Dito lang ako. At saka . . . Binibisita naman ako ng kaibigan mo palagi. Kaya, huwag ka nang mag-alala.”
“Oo nga naman, Aning! Nandito ako para tulungan kayo ni Nanay,” sabat ni Rhea. Hindi nila namalayan na pumasok na pala ito sa kanilang bahay.
“Oh! Bakit nandito ka?” pagtatakang tanong ni Aning. “May trabaho ka hindi iba?”
“Nagpaalam akong mag-halfday. Gusto ko kasing ihatid ka.”
“Mabuti naman, Rheang. May kasama akong iiyak kapag aalis na ang kaibigan mo.”
“Nay naman, huwag n’yo naman po akong baunan ng iyak. Babalik rin naman ako kapag libre po uli ako.”
“Alam ko naman ’yon. Hindi mo talaga ma-i-aalis sa ’kin na umiyak kasi malalayo ka na naman sa ’kin. Mag-ingat ka, ha.”
“Opo.”
“Tara na nga! Para hindi ka gabihin sa biyahe,” ani Rhea. Ito pa ang nagbitbit ng bag niyang maliit.
Matapos maihatid ng ina at ni Rhea si Aning, hinatid muna ni Rhea pauwi ang ina ng kaibigan. Habang si Aning, nakasakay na at pabalik na sa Maynila. Medyo malayo ang biyahe kaya umidlip muna siya. Maya-maya ay nag-stop over ang bus na sinasakyan upang bigyang daan ang mga pasahero na umihi at bumili ng ilang pagkain para sa biyahe.
Tinignan ni Aning ang kanyang relo, naalala niya na ala una ng hapon ang blind date na sinasabi ng lalaking kausap niya noong isang araw. Hindi na muli ito tumawag sa kanya pagkatapos n’on.
Ilang oras pa naman kaya umidlip ulit siya. Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi dahil sa hindi maalis-alis ang kanyang pag-aalala sa ina.
Alas dose na nang marating ni Aning ang Maynila. Isang oras bago ang itinakdang blind date kuno.
Dahil sa kapos ang oras, dumiretso ang dalaga sa lugar kung saan niya tatagpuin ang ka-blind date ng lalaki. Kasi ’yon ang nasa isip niya. Inisip niya na kailangan niyang ipaliwanang ang nangyari sa lalaki.
Nag-aalangang pumasok ang dalaga nang marating ang lugar na iyon. Napakalaki at sa tingin niya ay pawang mayayaman at kilalang tao lang ang dumadayo sa lugar.
“Tama ba ako nang pinuntahan?” tanong niya sa sarili.
Pero dahil sa naka-oo na siya sa lalaki, pumasok na rin siya. Hindi nga siya nagkamali. Marami siyang nakitang tao na disente at maayos kung manamit.
Ano nga ba ang suot niya? Isang fitted black jeans at maluwag na t shirt. May dalang bagpack sa likod maliban sa maliit na maletang bitbit. Nakalugay na buhok at simpleng lipstick lang ang gamit. Pero wala na siyang salamin na suot ngayon ’di gaya dati.
“Ahmm, excuse me, Miss . . .” alanganin niyang saad.
“Miss Anya Lopez?” hula sa kaniya ng waitress.
“Oh! Alam mo ang pangalan ko?”
“Yes‚ Ma’am. Tumawag po si Mr. Bekket Choi kani-kanina lang. Tinatanong po kung dumating na po kayo.”
“Ah, ganoon ba? Hindi ba nakakahiya ’tong porma ko? I mean . . . Karamihan kasi na nandito, halatang mayayaman.”
“Sinabi na rin po sa amin ni Mr. Choi ’yan kaya sumunod po kayo sa ’kin sa itaas.”
“Ano bang alam ng lalaking iyon tungkol sa ’kin, eh hindi naman kami magkaibigan,” bulong niya.
“Po? Bakit po?”
“May binili pong damit si Mr. Choi kahapon at idinaan po rito. Ibinilin rin po na ipasuot po sa inyo, Ma’am.”
“Ha?!” Gulat na gulat si Aning sa nangyayari. Tila naguguluhan. Bakit niya kailangang magbihis eh, nandito lang naman siya para magpaliwanag. “Nagkakamali po yata kayo‚ Miss. Hindi naman ako ’yung ka-blind date ng Mr. Choi na sinasabi mo.”
“Ikaw si Miss Anya Lopez hindi ba? Sabi mo pa nga kanina.”
“Oo, pero . . .”
“Well, then, sumunod po kayo sa ’kin para hindi po ako masisante sa trabaho.”
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa waitress. Nagtatrabaho rin siya kaya naiintindihan niya na ginagawa lamang nito ang nakaatang na trabaho.
Nasa second floor na sila ngayon. Sunod-sunod lang si Aning sa waitress hanggang sa pumasok sila sa isang kuwarto. Dala niya pa rin ang kaniyang mga gamit.
“Heto po, Ma’am.” Binigay sa kanya ang kulay pulang whole dress na hapit na hapit sa kanyang katawan.
“Sigurado ka bang susuotin ko ’to? Eh, sa tingin ko, hindi ako makakahinga nang mabuti dahil fit na fit.”
“Isukat n’yo na lang po, Ma’am. Pero sa tingin ko, kasya naman po sa inyo dahil sa payat po kayo.”
“Ah . . . Sige.” Tumango-tango na lang si Aning sa kausap.
“Maiwan ko na po kayo rito sa loob. Nasa labas lang po ako at maghihintay.”
“Salamat.”
Lumabas na ang waitres. Si Aning naman ay itinaas sa ere ang hawak na damit. Tinititigan nang mabuti at napailing-iling.
Hindi siya sanay na magsuot ng ganitong klaseng damit na hapit sa kanya. Hanggang ngayon nga ay nalilito pa rin siya sa biglaang pangyayari. Pero para matapos na, isinuot niya na lamang ito.
Iniwan ng dalaga ang kanyang gamit at lumabas pagkatapos magbihis.
“Bagay naman po sa inyo, Ma’am." Puri ng waitress na nasa labas lang nga talaga at hinihintay siyang matapos.
“Salamat,” tipid niyang sagot.
“Tara na po sa ibaba. Tumawag po si Mr. Choi, on the way na raw po siya.”
Sumunod muli si Aning sa babae. Para siyang star of the night sa mga oras na iyon kahit na tirik ang araw. Lahat nagsitinginan sa simple niyang kagandahan. Nahihiya man pero pinatatag ang sarili para hindi naman siya mahahalatang galing lang sa simpleng buhay.
Hinatid siya ng waitress papunta sa kanyang upuan.
“Maghintay ka na lang po rito, Ma’am.”
“Sandali. Huwag mo na ’kong tawaging ma’am. Sa tingin ko, magkaedad lang tayo.”
“Sorry po, kailangan eh. Trabaho lang.”
“O-Okay. Salamat ulit,” sabi niya sa waitress bago siya iwan nito.
Madaling nainip si Aning kahit na wala pa sa kinse minutos siyang nakaupo.
“Nasan na kaya ang lalaking iyon? Hu . . . Nakakahiya na ang ayos ko rito. Ayokong magkunwari na mayaman noh! Kahit mahirap lang ako, proud naman ako.” Nilalaro pa niya ang table napkin sa ibabaw ng mesa.
Sa kabilang dako . . .
Kararating lang ni Zuriel/Bekket. Dala niya ang isang latest model na kotseng binili ng kanyang lolo bilang regalo sa pagiging masipag niya sa sariling kompanya.
“Nandito na ’ko.” Kausap niya si Dome sa telepono. “She' s already here pero hindi ko pa siya nakikita. Oka, sige. I’ll call you again kapag papunta na kami riyan. Bye.” Saka ibinaba na ang telepono.
Papasok siya sa mamahaling restaurant noon ngunit biglang napahinto.
“Hm . . . There she is. Infairness, she looks pretty with that red fitted dress.” saad niya. “Hmp,if i were a real woman, im sure! Mas maganda pa ako sa kanya.”
Pagkatapos sipatin si Aning, nagpasya nang pumasok si Zuriel na kilala rin bilang si Bekket. Pagpasok niya, agaw pansin naman ang kaniyang kaguwapuhan sa mga taong naroon. Wearing a black leather Jacket na pinailaliman ng white fitted shirt with matching black jeans ang suot. Ang guwapo talaga.
“A-Ang guwapo naman niya.” Hindi halos matanggal ni Aning ang kanyang tingin sa papasok na si Zuriel. “ Siya na ba ang lalaking iyon?” Panay ang tingin nito hanggang sa makalapit sa kaniya ang lalaki.
“Hi!” bati ni Zu na suot ang mala-anghel na ngiti. Naktutunaw at nakasisilaw ang mga ngiting puting-puti.
“Hi!” Tumayo si Aning at kinamayan siya.
“Ang cold naman ng kamay mo.” Puna ni Zu nang abutin ang kamay ng dalaga.
“Ah, pasensya na. Nahihiya kasi ako.” Bigla niyang binawi ang kanyang kamay.
“Huwag kang mahiya. Parehas lang tayong tao,” ani ni Bekket. “Uupo na ako, ha.”
“Ah, oo! Siya nga pala, nasaan na iyong ka-blind date mo? Naisip ko lang kasi na baka kaya mo ako pinapapunta rito para magpaliwanag sa kaniya na hindi ka makararating. Pero nandito ka naman pala at sa tingin ko, maayos ka naman. So, nasaan na ang ka-blind date mo?”
Tumingin ng seryoso si Zu sa kanya bago sumagot.
“Nasa harapan ko,” tuwiran nitong hayag.
“Ha?! Ano?”
“Ikaw ang ka-blind date ko,” sabi niya sa dalaga.
Nag-iba bigla ang mukha ni Aning. Naisip niya na ang lahat nang ito ay kalokohan at hinuha niya lamang kaya tumayo siya saka iniwan si Zu.
“Hey, sandali.” Mahinang pigil ni Zu sa kanya pero hindi siya nakinig.
Umakyat si Aning sa second floor kung saan iniwan niya ang kanyang dalang mga gamit. Tuloy-tuloy lang sa pagpasok.
“A-Anya,” mahinahong tawag nito sa huli. “Sorry.”
“So! Ano to? Gi-no-good time mo ba ako porket ang dali kong naniwala sayo?” galit niyang anas.
“No!”
“Then explain!” Diin niya.
“Look, i’m sorry. Gusto ko lang na hingin ang tulong mo. Sabi mo nga hindi ba? Tawagan kita.”
“Oo! Sinabi ko nga iyon pero hindi ko sinabing tawagan mo ’ko para maging blind date mo!”
“I’m sorry. Please, i need your help.” pagmamakaawa niya. Nararamdaman niya kasing galit na galit si Aning dahil sa pagsisinungaling niya rito. “Kailangan ko ng tulong ngayon and naisip kita kaya . . . Please.” Halata sa mga mata ni Zu ang pagmamakaawa.
“Ano bang tulong iyon?” Tila nagiging kalmado na si Aning matapos makita ang hitsura ni Zu.
“I need a wife,” hayag niya kay Aning.
“Ano? Asawa!”
“Oo! ’Yung lolo ko ang may gustong pumunta ako sa mga blind date na ganito. He wants me to get married soon. He urgently needs me to get settled down kahit na ayoko. He even threaten me para lang mapa-oo ako.”
“Seryoso?” Titig na titig siya sa kaharap.
“Oo. Totoo,” sinserong pag-amin niya.
“Eh, bakit hindi ka na lang mag-asawa? Sa guwapo at yaman mong iyan, tiyak walang hihindi sa iyo.”
“As if ganoon lang kadali iyon. Wala pa sa isip ko ang ganoong bagay.”
“Ilang taon ka na ba? Bakit parang ang allergic mo sa kasal?”
“Basta! Bata pa ako. At ayoko pa.”
'Ang kulit naman ng girl na ito.'
“Matanda ka naman na, ah. Tingin ko nga nasa trenta ka na,” biro ng dalaga.
“Oy! Mas bata ako sa sinasabi mong edad.”
Bahagya silang natahimik. Ngunit binasag rin ni Zu ang katahimikang iyon.
“I' ll pay you. 30k a month. Wala kang ibang gawin kundi ang maging asawa ko. Huwag kang mag-alala, safe na safe ka sa akin.”
“Safe?” paninigurado ni Aning.
“Yes! Hindi kita gagalawin. You can do what ever you want. Just be my wife.”
“So, are we going to do some wedding seremonies?” Napa-english na rin si Aning.
“Yes. For real.”
“Teka lang! For real? As in totoong kasal? Totoong magiging asawa mo ako?”
“Ganoon na nga,” sagot ni Zuriel. “Pero as i have said, malaya ka sa kahit ano’ng gawin mo. Huwag lang sa harap ng lolo ko. Pagduduhan tayo no’n.”
“Bakit? Ito bang palabas na gagawin natin ay pagduduhan pa rin niya kahit na totoong kasal?”
“Siguro. Kaya nga gagawin kong totoo. With visitors, with all my business partners and . . . With a real priest. No fakes.”
“After that, what's next?”
“Well, magsasama tayo sa iisang bahay kasama syempre si lolo.”
Napaisip si Aning. Mag-aasawa na siya? Kaagad? Eh, ang bata-bata pa niya. Nag-aaral pa nga siya.
“Nag-aaral pa ako,” hayag niya kay Zu.
“No problem. Pag-aaralin kita. Ako ang bahala sa lahat. Gawin mo lang ’yung tulong na hinihingi ko.”
“30k a month?” ulit ni Aning. Malaki-laki rin iyon. Mabubuhay na niya nang maayos ang kanyang ina.
“Gusto mo bang dagdagan ko pa?”
“Ang yaman-yaman mo siguro. Kasi parang wala lang sa iyo ang magtapon ng pera.” Pag-iba ni Aning ng usapan.
“Mas malaki ang mawawala sa akin kapag hindi ko sinunod ang gusto ni Lolo,” seryoso niyang turan. “So Please, help me.”
“Hindi mo ba kayang salungatin ang gusto ng lolo mo?”
“Shaakss, ang dami naman niyang tanong,” bulong ni Zu sa isip.
“Kung ako lang, kaya ko. Pero kapag mawalan kasi ako, mawawala rin kay nanay ang marangyang buhay na sinimulan ko nang ibinibigay sa kanya.”
Nalungkot si Schiyev sa kanyang narinig.
“Kung ganoon may mahirap na pahina ng buhay rin pala ang lalaking ito,” sabi niya sa kanyang isip.
“Sige, papayag na ako,” aniya. Saka na lamang niya poproblemahin ang susunod na kabanata ng buhay niya.
“Talaga?” Nabuhayan ng loob si Zu.
“Oo nga! Dahil sa nanay mo. May nanay rin ako kaya sige, payag na ako. Pero mag-aaral pa rin ako.”
“Hatid sundo pa kita,” hirit ni Bekket.
Pumayag si Aning sa usapan nila ni Zu nang hindi nalalaman ang isa pa nitong tunay na dahilan. Ang tunay na dahilan na hindi nito masabi-sabi sa kaniyang Lolo.