Chapter Ten

2029 Words
Bukod sa naawa si Aning sa ina ni Bekket, kailangan niya rin ng pera para sa kanyang ina. Kaya naman sumama siya rito para ipakikilala siya nito sa Lolo. Hindi na rin siya nagbihis para presentable siya kapag nagkita na sila ng lolo ni Bekket. “Matagal pa ba?” Hilong-hilo na siya sa loob ng elevator. Pinipikit niya ang kaniyang mga mata habang nakasandal. “Ngayon ka lang ba nakasakay ng elevator?” Lihim na natawa si Bekket dahil sa ayos ng dalaga ngayon at panay rin ang lunok. “Malapit na ba tayo?” tanong niya na nakapikit pa rin. Hindi niya sinagot ang tanong ni Bekket. Ngayon naman ay humahawak na sa gilid. “First time mo nga talaga,” wika nito na sinabayan pa ng malulutong na mga tawa. “Huwag mo ’kong pagtatawanan. Susukahan kita,” banta niya sa kasama. “Halika nga.” Hinila siya ni Bekket at hinawakan ang kamay niya. “Ang lamig naman ng kamay mo. Sobra ba talaga ang nerbyos mo ngayon?” Hindi siya sinagot ni Aning. Sa halip, mas lalo itong lumapit sa kaniya at napasubsob sa dibdib. Nakakahiya man pero kailangan niya iyon dahil sa takot siya sa loob ng elevator. “Ano ba ’tong babaeng ito? Hindi pa man din, nag-te-take advantage na,” bulong ni Bekket sa isip. “Ump . . .” Pigil ni Aning sa sarili para hindi magsuka. “Oy! ’Yung damit ko.” “Sh!” Pinatahimik siya ni Aning. Nanatili pa rin itong nakapikit at nakatingala sa kaniya. Nagbaba ng tingin si Bekket. Saktong pagtaas naman ng mukha ni Aning. Namilog ang mga mata ni Bekket nang makita ang maganda at maitim nitong na mga mata. Tili nag-init ang kaniyang tenga at namula ang pisngi. “Shaks . . .” tanging sambit niya at sabay na iniwas ang tingin sa dalaga. Maya-maya'y dumadausdos si Aning sa kanya at umupo sa sahig ng elevator. Hinayaan siya ni Bekket dahil baka sa ayos niyang iyon ay kahit papaano, mawawala ang takot nito. Naka-Whole dress pa rin si Aning. Maiksi lang ito kaya siguradong makikitaan kapag may pumasok na empleyado ng BC Company. Kahit na hindi niya gawain, hinubad ni Bekket ang kaniyang Jacket at itinakip ito sa mga binti ng dalaga. Tahimik pa rin at walang imik na nakaupo. At ilang sandali pa . . . “Tumayo ka na riyan. Nandito na tayo.” hayag ni Bekket. “Naka-survive ka rin,” biro pa nito sa dalaga at natatawa pa. Binuksan ni Aning ang kaniyang mga mata. Sinundan nang malalim na hininga. Saka tumayo at hinawakang muli si Bekket/Zu. “Saan ba iyong opisina mo?” mahina niyang tanong. Hilong-hilo pa rin. “Sumunod ka.” Naunang maglakad si Bekket pero hawak niya pa rin ang kamay ni Aning. Si Dome ang nagbukas ng pinto para sa kanila. “Zu!” “Sh!” Pinatahimik ni Bekket si Dome. Pinigilan ang pagtawag sa kaniyang isa pang pangalan. Saka niya binalingan si Aning. “Welcome to my Office.” Nilibot ng mga mata ni Aning ang buong opisina ni Bekket. “Sa-Saan ’yung cr?” “Ha?” “Dali na! Saan ’yung banyo mo?” Halatang naduduwal na siya. “Nasa first floor,” biniro siya ni Bekket dahil alam nito kung ano gagawin niya sa banyo. “A-Ano!” Nadismaya at nagulat namang turan ng dalaga. Hilong-hilo na nga siya tapos babalik uli sa umpisa. Pinagtawanan siya ni Bekket. “Biro lang. Dome, pakihatid siya sa banyo ko,” utos niya sa sekretarya. Tumatawa at pailing-iling pa si Bekket habang hinahatid ng tingin sina Dome at Aning papuntang banyo niya na parte pa rin ng kaniyang opisina. At sa loob ng banyo, inilabas lahat ni Aning ang kaniyang nararamdaman. Tuloy-tuloy ang pagsusuka niya. Si Dome naman ay bumalik kay Bekket. “Kaya ba siya ang kinontak mo dahil buntis at ikaw ang ama? Wow! Akala ko bakla ka pero may nadali rin pala.” Natatawa pa ito. “Ayts! Sumakay kami sa Ferris Wheel kaya hilong-hilo at sukang-suka siya,” biro naman ni Bekket. Sige pa rin ito sa katatawa. “Ganoon ba?" Tila naniwala naman si Dome sa paliwanag niya. “Hindi noh! Ngayon lang yata nakasakay ng elevator iyan. Kaya hayan . . .” “Ang plain namang babae ang nakausap mo. Ang layo sa iyo. Hindi kayo bagay. Kita mo naman, kahit na sosyal ang damit pero halata pa ring mahirap lang. Kanina pa ba niya bitbit ang sandals na hawak niya?” “Yes.” Sinabayan pa ni Bekket ng tango. “Mas magaling pa yata akong rumampa sa babaeng iyan,” mahina niyang sabi. Iniiwasan na marinig ni Aning na nasa banyo pa rin. “At saka ang simpleng-simple kahit na may hitsura. Magugustuhan ba talaga siya ng Lolo mo?” “Wala naman sinabi si Lolo kung ano’ng klaseng babae ang i-date ko. At saka, siya ’tong nagmamadaling makasal ako kaya huwag siyang demanding tungkol sa babaeng pipiliin ko,” wika niya sabay upo sa swivel chair. “Si Lolo?” “Nasa meeting daw. Kinukumusta kanina ang date mo. Sabi ko pabalik ka na rito at ipakikilala sa kaniya ’yung ka-blind date mo.” “Ok,” tipid nitong sagot kay Dome. Si Aning ay hilong-hilo pa rin kahit na naisuka na niya ang lahat ng kinain niya mula sa bus. Hinang-hina na lumabas ng banyo. Nabasa ’yung damit na suot niya kaya kailangan niyang magbihis. Pero iniwanan niya ang kanyang gamit sa kotse ni Bekket. “Paano ba ito?” naliito niyang saad at bumalik muli sa loob. Naghanap siya sa loob ng banyo. Ngayon lang niya napansin na malaki at malawak ito. Binuksan niya ang isa pang pinto at tumambad sa kaniya ang nakahilerang nighties na kulay blue. “Aba . . . Hindi raw nakikipag-blind date pero maraming seksing damit pangtulog. Nangongolekta yata ang lalaking iyon ah. Ay sus! Grabe! Ang dami!” Bawat isa ay tinitingnan at hinahawakan ni Aning. Yari sa mamahaling tela kaya inisip niyang hindi basta-basta ang nakakasama ni Bekket. Bigla siyang napangiti. Pumasok sa isip niyang magsukat ng isa. Agad niyang hinubad ang pulang dress na suot niya at ipinalit ang isang kulay blue na nighties. Ewan ba niya kung ano’ng pumasok sa kaniyang isip at natuksong magsukat ng isa. Aminado siya sa kanyang sarili na hindi siya nagsusuot ng ganito kahit na kaya niya. Pero sa ngayon, isasantabi muna niya ang kaniyang hiya. Tutal naman ay magiging asawa na siya ng Bekket na iyon. Isang lalaki na mayaman at guwapo saka perpektong tingnan. Kaya dapat masanay na siya. At uumpisahan na niya ngayon. Sinipat niya ang sarili sa harap ng salamin matapos niyang maisuot ito. Ginulo pa ang buhok para sabihin na bagong gising. Bagay siyang maging modelo kahit na simpleng kagandahan lang ang taglay. Huwag nang pansinin ang hieght niya dahil talagang hindi swak ang pagkapandak niya sa larangan ng pagmomodelo. Samantala . . . “Bekket . . .” “Haraboeji!” Gulat na gulat si Bekket nang biglang pumasok ang kanyang Lolo. Maging si Dome ay ganoon din. Hindi niya akalaing makakarating ito sa kaniyang opisina. “Oh my. Galing ako sa kabilang pinto. May meeting ako roon. At bigla akong naiiihi. Where is your comfort room?” “What?” Naalala niya na hindi pa pala lumalabas si Aning sa cr. “Banyo. Nasaan ang banyo mo?” Dahil sa ngayon lang nakapasok ang kanyang lolo sa opisina niya, hindi nito kabisado ang bahagi ng loob. Sa tagal sumagot ni Bekket, ang lolo na niya ang naghanap. May tungkod naman ito upang suportahan ang kaniyang paglalakad. “O! Nandito pala,” wika niya nang mapansin ang isang bahagyang nakabukas na pintuan. “Lolo!” “Director Choi!” Nataranta naman ang dalawa. Nalilito kung ano ang gagawin kung sakaling makita ng kanyang lolo si Aning sa loob ng banyo. Walang alam ang kanyang lolo na naroon si Aning sa closet ng banyo. Ganoon din ang dalaga. Hindi niya alam na may pumasok sa loob. Matapos makaihi ng Lolo ni Bekket, inagaw ng isa pang nakabukas na pintuan ang kaniyang pansin. Dahil sa gusto niyang malaman kung ano ang nasa loob, pumasok siya nang dahan-dahan. At nakita niya si Aning na naka-nighties. “Ah!” Sinakop ng sigaw ng dalaga ang buong banyo. “Who are you?” Itinuro siya ng matanda. Sabay na pumasok sina Dome at Bekket sa loob ng banyo. Nasa labas lang pala sila at pinapakiramdaman ang loob no’n. “Lolo!” Maging si Bekket ay nagulat sa kaniyang nasaksihan. Naka nighties si Aning. Pilit na tinatakpan ang sarili ng magkabilang braso at kamay. “Omg! Ang damit ko, pinakialaman ng bruha,” pabulong nitong saad. Dali-dali siyang lumapit kay Aning at hinarangan upang hindi makita ng kanyang lolo. “Director Choi, lumabas na po tayo.” Inalalayan ni Dome ang huli palabas ng banyo. Nang makalabas ay nag-usap sina Aning at Bekket. “Why are you wearing one of those nighties here?” “Eh, nabasa ko ’yung dress kaya nagpalit ako. Wala ka namang t-shirt dito kaya ito na lang ang isinuot ko,” dahilan ni Schiyev. “Shaaks,” bulong nito sa isip. Gustong-gusto niyang ipahubad sa dalaga ang pagmamay-ari niyang damit pero nagbago ang isip niya. “Halika sa labas.” “Ha? Nang naka-ganito ako?” “May choice ka pa ba?” “Wa-Wala.” “Then, lets go out. Lolo ko ang nakita mo kanina. Mabuti nang nakita ka niyang naka-ganyan.” “Mabuti? Sa paanong paraan naman?” “Basta.” Tumalikod si Bekket sa kaniya. Kinuha ang kanyang magkabilang kamay at pinayakap sa kaniyang likod. “Ano’ng ginagawa mo?” tanong ni Aning habang nakayakap sa likod ni Bekket. “In this way, hindi ka niya ulit makikitaan. Manatili ka lang sa likod ko.” Walang nagawa si Aning kundi sumunod kay Bekket. Sabay silang lumabas na nakayakap siya sa likod nito. Narating nila ang pangunahing pintuan ng banyo saka tumigil. “Lo, nae yoebo,” pagpapakilala niya kay Aning pero nasa likuran ito. Siya po ang pakakasalan kong babae.” “Kaya pala tinatanggihan mo ang iyong mga ka-blind date dahil sa nariyan na siya.” “Lo, she's my blind date too. I-I like her. So, i propose to her earlier. And she said yes to me sincerely.” “Hi po, nae yoebo,” bati ng dalaga na nakasilip lang ang ulo mula sa likod ni Bekket. Akala ni Aning iyon ang pangalan ng lolo ni Bekket kaya niya nasabi ang "nae yoebo" sa matanda. Kaya nagulat ang tatlo at pinagtawanan siya ng lolo ni Bekket. Bahagyang tiningnan ni Bekket si Aning sa likod niya. “Bakit?” bulong ng dalaga sa kaniya. Nagtaka kasi siya dahil pinagtawanan siya ng matanda. Tumawa ulit ang matanda. “Okay. I want to know her more. Dalhin mo siya sa bahay one of this days.” “Yes, Lo,” tipid na sagot ni Bekket. “Dome” “Yes po, Director Choi.” “Ihatid mo ako sa opisina ko,” utos nito. “At para maituloy na rin kung ano man ang binabalak ng dalawa.” Ang itinutukoy niyang dalawa ay sina Aning at Bekket. Kumilos si Dome. Inalalayan ang matanda papalabas at papuntang second floor na rin kung saan ang opisina nito. “Ingat po kayo, Lolo.” “Bye po.” Habol ni Aning na nakasilip pa rin. Nang makalabas ang matanda at si Dome, umalis si Bekket sa pagkakayakap ni Aning at tinungo ang pintuan saka ni lock. “Weew . . .” Sabay pahid sa noo niyang pinagpawisan sa naganap. “Ikaw. Dito ka lang at huwag kang lalabas. Ipakukuha kita ng damit kay Dome sa mga gamit mong iniwan mo sa kotse. " “Okay.” “Ay hindi pala. Doon ka na muna sa loob ng banyo. Lumabas ka lang kapag nandito na ang mga damit mo.” Pumasok agad si Aning sa banyo. “Hays . . . pinapainit mo kili-kili ko,” sabi niya nang mawala na sa kaniyang paningin si Aning.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD