bc

Pleasuring my Senyorita (SPG)

book_age18+
5.3K
FOLLOW
85.0K
READ
love-triangle
HE
opposites attract
heir/heiress
bxg
campus
small town
lies
poor to rich
addiction
servant
like
intro-logo
Blurb

Pleasuring My Senyorita(SPG)

Clarabelle De Leon: Mayaman, maganda, spoiled brat at nag-iisang anak ng gobernador sa lalawigan. Naging alalay niya si Arnel at ginawang laruan. Paano kung unti-unti nang nahuhulog ang mapaglarong puso niya sa kanyang laruan?

Paano kung dumating ang araw na ang kanyang laruan noon ay siya namang naglalaro sa kanya?

Arnel Bautista: Gwapo,matalino at mahirap. Gagawin ang lahat para iwasan ang spoiled brat niyang senyorita. Paano iiwasan ni Arnel ang kanyang senyorita kung talo siya sa kanilang pustahan and he will be her slave for 10 days.

Paano kung magpalit sila ng kapalaran at si Arnel naman ang naging senyorito?

"You are always be my Senyorita."- Arnel Bautista

This a romance with mature content story.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Disclaimer No part of this book may be reprinted reproduced or utilized in any form or by any electronic, mechanical, or other means now known or hereafter invented, including photocopying and recording or any information storage or retrieval system without the author's permission. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Arnel's point of view Malungkot akong naka upo sa harapan ng bahay. Hinihintay ko si Inay na pumunta sa aming kapitbahay para ihabilin ang aming bahay. Ayaw ko sanang sumama dahil mahihirapan na akong pasyalan ang puntod ni Lola. Siya na kasi ang naka gisnan kong ina at Ama habang ang tunay kong ina ay nag-aalaga ng anak ng iba. Noong una malaki ang tampo ko sa kanya dahil hindi niya ako maalagaan pero ipininaliwanag sa akin ni Lola ang dahilan kaya naiintindihan ko na. Papalapit na si Inay kaya tumayo na rin ako. "Halika na anak." Sabi niya na nauna na ang aking mga gamit sa tricycle. "Nay kailan tayo babalik dito?" Tanong ko habang akay niya ako papunta sa tricycle n naghihintay sa amin. "Anak, hindi pa tayo naka aalis, pagbalik na ang tinatanong mo." Sagot niya na napangiti. "Inay, mas gusto ko pong tumira dito." Malungkot na sabi ko. "Anak, hindi kita pwedeng iwan na mag-isa. Pumayag naman na ang aking amo na doon ka na rin tumira. Alam mo ba na may malaki silang swimming pool? pwede ka doon maligo kahit anong oras na gusto mo. Mabait si Gob anak, mukha lang siya strikto pero napaka bait niya. "Bakit hindi nalang po natin hanapin ang totoo kong ama?" Napahinto si Inay at malungkot na tinignan ako. "Anak, may pamilya na ang ama mo at isa pa hindi ka niya kinilala na anak noong sinabi ko na buntis ako kaya umalis nalang ako kaysa makunan sa bahay nila. Huwag mo nang isipin ang iyong ama anak. Tayo nalang ang isipin mo, mag-aral ka ng mabuti at ipakita mo sa kanya na nakapagtapos ka kahit wala tayong natanggap na supporta sa kanya." "Paano ko naman ipamukha Inay eh kahit pangalan mukha niya ay hindi ko alam." Sagot ko na umupo na kami sa loob ng tricycle. "Kapag nasa tamang edad ka na ay sasabihin ko saiyo anak." Sagot niya na kinabig ako at hinalikan ang aking ulo. Napahinga nalang ako ng malalim habang ang tricycle ay papalayo sa Sitio kung saan ako lumaki at nagka-isip. Ilang saglit ay huminto na ang tricycle sa sakayan ng bus. Una akong bumaba at tinulungan si Inay na ibaba ang aking mga gamit. Tumulong na rin ang tricycle driver na ilagay ang aking mga bag sa bus. Wala na talaga akong magagawa pa, talagang iiwan ko na ang sitio namin. Sumakay ako sa bus at hinayaan ako ni Inay na sa may bintana ako umupo. Habang naka dungaw ako sa bintana ay hinahaplos ni Inay ang aking buhok. "Hindi bale anak, makaka laro mo si Clarabelle. Gaya din iyon ng ama niya, makakapagkamalan mong maldita pero napaka sweet niyang bata." Huminga lang ako ng malalim, buti pa ang bata na iyon naalagaan ni Inay kaysa ako na anak niya. Pero sa kabilang banda ay naiisip ko ang sabi ni Lola na kung hindi pumasok na yaya si Inay ay baka matagal na siyang patay dahil naaksidente siya noon at nangangailangan ng pera para madala siya sa hospital sa bayan. Dalawang beses tumigil ang bus at nag merienda kami ni Inay. Napansin ko sa mga tao na lagi silang nakatingin sa akin. "Inay, bakit parang nakatingin sila sa akin?" Bulong ko sa kanya. "Gwapo ka kasi anak, ang hudas mong ama ang kamukha mo kaya yan. replika ka niya." "Hudas talaga Inay." Sabi ko na napailing. "Sinong tao ang itatanggi ang anak." Sagot niya at natahimik nalang ako. Mukhang malalim ang galit ni Inay sa aking ama. "Anak, lahat ng ihi mo ilabas mo na dahil huling hinto na ito ng bus, deretsong biyahe na papapunta sa lalawigan ni Gob." Sinunod ko naman si Inay, pumunta ako sa Cr at nagbawas na rin. Paglabas ko ay hinihintay na ako ni Inay. Inakay niya ako ulit papunta sa bus at dahil sa busog ako ay nakatulog na ako. Nagising nalang ako sa mahinang tapik na inay sa akin balikat. "Anak nandito na tayo. Gumising kana." Dinig ko na sabi niya at iminulat ko ang aking mga mata. "Inay, bakit kabundukan parin?" Nagtatakang tanong ko dahil ang nasa isip malalaking building na ang makikita ko tulad ng Manila. "Nasa kabilang probinsiya lang tayo anak. Pero sobrang layo. Halika na naghihintay na ang driver ni Gob." Sabay turo niya sa may bintana ang isang sasakyan na kotse. Tumayo naman ako at binuhat ko ang aking bag. Pagbaba namin ay may lalaking tumulong sa amin na buhatin ang aking mga gamit. "Ang gwapo pala ng anak mo Solly." Sambit niya na nakangiti. "Syempre maganda ako na Ina niya." Sagot naman ni Inay na napatawa. Naunang pinasakay ako ni Inay at namangha ako sa ganda ng loob ng kotse. "Tara na at kanina pa nag hihintay si Senyorita saiyo, aba eh kagabi niya ako kinukulit na sunduin na kita sa terminal." Sabi ng driver na nag pakilala na Dan ang pangalan. Kita sa mukha ni Inay ang saya kung napag kwekwentuhan nila si Clarabelle. Napahinga nalang ako ulit ng malalim at tahimik na pinagmamasdan ang magandang tanawin na may tanim na pinya at maraming mangga. "Anak, nasa hacienda na tayo at lahat ng nakikita mo ay pag-aari ng Gobernador." "Kurakot ba ang Gobernador Nay?" Tanong ko at biglang nag preno si Uncle Dan. Nagulat ata sila sa aking tanong. "Hindi kurakot si Gob, Arnel isa ako sa magpapatunay niyan dahil sekretarya niya ang aking anak. Alam mo ang hacienda na ito ay namana pa niya sa kanyang mga magulang. Konti na ngalang ang natitira dahil ang iba ay ipinamigay na niya sa mga matagal nang nagtratrabaho sa kanila." Sabat niya at pinaandar na ulit ang sasakyan. "Bakit mo naman naitanong yan anak?" Tanong ni Inay. "Kasi po sa nga napapanuod ko ay mga kurakot ang mayor at mga gobernador." "Sa TV lang yan anak, mayroon mang kurakot pero hindi kasama si Gob." "Naku si Senyorita nasa daan." Bulaslas ni Uncle Dan at huminto ito. Lumabas naman si Inay at patakbo siyang niyakap ang tinatawag nilang Senyorita. Bumaba na rin ako at tahimik na pinag masdan sila. "Anak, si Senyorita Clarabelle, Seyorita si Arnel ang anak ko." Pagpapakilala ni Inay. Nakatago ako sa likuran ni Inay at hinila niya ako. Natigilan ako dahil ang ganda niya at bumagay sa kanya ang kulot niyang buhok. Medyo nahiya pa ako dahil tinaasan niya ako ng kilay at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Kaedad mo lang siya Senyorita pero mas matanda ka lang ang isang buwan." Sabi pa ni Inay. "Mas matanda pala ako sa kanya Yaya, so dapat makinig siya sa akin." Nakangising sambit niya na ikinasalubong ang aking mga kilay. Tahimik lang ako at nakayakap parin siya kay Inay. "Yaya, pipi ba siya?" Tanong niya habang naglalakad kami at si Uncle Dan na ang nagbuhat sa aking mga gamit. "Hindi anak, baka naninibago lang. Madaldal din yan kagaya mo." "Ganun ba Yaya, I want him to sleep in my room." English man ang pagkakasabi pero naintindihan ko at mabilis akong kumapit sa kamay ni Inay. "Inay, ayokong matulog sa kwarto niya." Naiiyak na sabi ko. "Senyorita, parang hindi naman ata maganda na sa kwarto mo matutulog si Arnel dose na kayong dalawa." "But I want it Yaya, I will tell to my Dad." Pagmimilit niya ito. "Inay, ibalik mo na ako sa Sitio." Sabi ko at nagulat nalang ako ng bigla siyang tumawa. "I am just kidding, see you are not pipi." Maarteng sabi niya at tawang-tawa parin siya habang si Inay ay natatawa na rin pero nainis ko dahil pakiramdam ko ay pinaglalaruan niya lang ako. Pumasok na kami sa loob ng bahay at sinundan ko si Inay para ipakita sa akin ang aking kwarto. Parang gusto ko pang alisin ang aking sapatos sa sobrang linis ng bahay. Naka hawak parin ang Senyorita sa kamay ng nanay ko. Napanguso ako dahil ako ang anak, kung umasta siya ay parang siya ang anak ng nanay ko. Binuksan ni Inay ang isang pintuan at nauna pang pumasok ang Senyorita. Humiga pa talaga siya sa kama ko. "Anak, ito ang maging kwarto mo simula ngayon. " "Ang kwarto mo Inay?" "Sa kabilang bahay ako anak, puro mga babae kami doon kaya hindi ka pwede. Nagbibinata ka na at hindi maganda na nandoon ka din." "Don't worry Arnel, if your Scared. Just go to my room or I will sleep in your room." Sabi niya habang naka higa sa aking kama. Alam kong nagbibiro lang siya kaya hindi na ako sumagot pa. Hindi dapat ako mag papaniwala agad sa kanyang mga sinasabi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.4K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook