Arnel's point of view Inamin ko kay Senyorita ang nararamdaman ko sa kanya. Ang masakit ay ramdam ko na wala siyang pagtingin sa akin. Mas lalong ayokong gawin ang kanyang pinagagawa dahil ayokong manamantala. Nakatulog na siya habang magkayakap kami. Kung mayaman ba ako ay mamahalin din niya ako? Hinaplos ko ang ma alon-alon niyang buhok kasunod ang paghalik ko sa kayang ulo. "Mahal na mahal kita Senyorita." Mahinang sambit ko, kada gabi kung tulog na siya at kung hindi natutulog dito si Kenny ay lagi kong sinasabi kung gaano ko siya kamahal. Yun nga lang, mahimbing ang kayang tulog. Kinabukasan ay nagpa-alam ako kay Senyorita na pumunta sa aming ensayo sa basketball. Pagkatapos kasi ng kaarawan ni Senyorita ay championship na namin. Sana nga lang at hindi kami mapuyat sa kanyang kaara

