Leony's point of view Lumaki na akong lagi nang kasama ang mga iba't-ibang klase ng hayop. Ramdam ko kung sila ay natatakot at galit. Si Fox ang lagi kong kasama sa gubat at ngayon ay hinahanap namin ang anak ng baboy ramo. "Fox may naamoy ka na ba?" Tanong ko sa aking kapatid. "Wala pa eh, gabi na uwi na tayo." Sagot ng aking kapatid. Napahinga ako ng malalim , madilim na nga at dinig na dinig ko na ang mga mababangis na hayop na nag hahanap ng kanilang makain. "Leony, wait may mga yabag na papalapit." Pigil niya sa akin at huminto naman ako. Nagtago kami sa likuran ng malaking punong kahoy at papalapit na ang mga yabag ng mga tao. "Ang malas naman wala tayong makain." Sabi ng isa. "Oo nga, mula ng umalis ang mga tauhan ni Kumander Rocky ay wala na tayong nananakaw na mga alaga n

