Kenny's point of view Pagkatawag ko sa aking kaibigan ay agad na akong lumabas sa bahay. "Anak saan ka pupunta, padilim na?" Tanong ni Mommy na kadarating lang din. "Kakain kami sa labas ni Clarabelle Mom, may bagong restaurant daw sa bayan doon ko siya dadalhin." "Wow, mag date kayo. Eto anak." Sabay abot sa ilang libo na pera. "Kulang pa bayan?" "Mommy ang dami naman nito." "Malay mo anak at bigla kayong mag u-turn." "Mom!" Sambit ko at napatawa lang siya. "Sige anak baka nag hihintay na si Clarabelle huwag ka nang uuwi." Sabi pa niya. Napailing nalang ako na pinaandar ang aking sasakyan. Ilang saglit lang ay nakarating na ako sa kanilang bahay at nag-aabang na siya sa labas. Galing na naman ito siguro sa pag-iyak dahil mugto na naman ang mga mata. Mahal na mahal ko ang kai

