Clarabelle's point of view Agad na iminulat ko ang aking mga mata ng maramdaman kong wala akong katabi. Napasimangot akong bumangon sa kama at dumeretso na sa banyo para maligo. Napangiti ako dahil mas lalong umiinit at ramdam ko ang gigil ni Arnel sa aking katawan. Binilisan ko nang maligo dahil baka hinihintay na ako sa kusina. Habang naglalakad ako ay napansin ko ang katahimikan, dati-dati ay maingay na sila sa kusina. Pagdating ko ay tahimik lang na nagluluto ang aming taga-luto. "Ate sina Daddy po?" Tanong ko at napalingon siya sa akin. "Magandang araw Senyorita, hindi pa ata sila nagising eh." "Ano anong oras na ate." Bulaslas ko. "Baka nag overtime si Gob Senyorita." Sabi niya kaya napangiti na rin ako. "Si Arnel?" "Akala ko tulog pa din Senyorita." Natigilan ako sa akin

