Arnel's point of view Kabado akong kasama si Senyorita sa bus. Habang mahimbing ang kanyang tulog ay may mga lalaking sumakay. Isa-isa nilang tinignan ang mga pasahero. Mabuti at malaking tao ako kaya tinakpan ko siya at nagkunwari na tulog din habang naka takip ang katawan ko sa kanya. Napahinga nalang ako ng maluwag nang bumaba na sila. Inayos ko na ang kanyang buhok at inalis ko na ang kanyang mask para makahinga siya ng mabuti. Hindi talaga ako natulog para mabantayan siya. Kamay palang niya na sobrang kinis ay siguradong maninigas na ang mga manyakis na lalaki. Akala ko ay nakalimutan na niya ang aming pustahan. Nagulat nalang ako kanina, mabilis akong lumabas sa bahay para iwan na siyya dahil iba ang aking kutob at ang kutob ko ay nagkatotoo nga. Pagdating sa bahay ay medyo madi

