Deo ang Menggay happy ending Habang nag tatanim kami ng mga kamote ay naalala namin si Arnel. "Kumusta na kaya si Arnel?" Tanong ko sa ming mga kaibigan. "Baka, artista na." Sagot ng isa. "Bakit hindi natin siya nakikita sa tv?" "Malay natin hindi pa sikat." Sabat naman ng isang kaibigan namin. Sa amin ay siya ng may itsura kaya si Menggay ay naiiyak nang umalis ito at hindi man lang nagpa-alam. Dito sa amin kapag gwapo ay may Menggay na magpapansin saiyo. Nawala si Arnel kaya ako naman ang isinunod ng babaeng walang paligo. "Deo, papalapit si Menggay." Bulong ng isang kaibigan kaya agad akong nagbisibisihan. Naamoy ko ang pagtabi niya sa akin kaya hindi ako huminga ng ilang sengudo. "Deo anong gagawin mo mamaya? " Tanong niya na sobrang lapit. Mabuti at mabango ang hininga nito.

