Leony's pov Pinatay ko na muna ang aking telepono dahil hindi na ako patutulugin pa ni Clarence. Natulog na ako at nagising ako sa tawag ni Mommy. Agad akong napatingin sa orasan, alas syete na pala ng maaga at dapat alas nwebe ay nasa simbahan na ako. Mabilis akong bumangon at naligo. Bumukas ang pintuan at si Mommy dala na ang aking agahan. Dito na kami kina lolo Caleb natulog, ang lahat ng kamag-anak ko ay nasa bahay nag hotel kasama at ang iba ay sa hacienda nina Tita Madi. "Kumain ka at si Clarence ay pumunta dito ng ang aga-aga hindi mo daw sinagot ang text nya ayun. Naka pajama pa na pumunta dito." "Ano nasaan na siya?" "Umalis din daw agad." Sagot ni Mommy na pinapatuyo na ang buhok. Habang kumakain ako ay binuksan ko ang aking telepono, napailing nalang ako dahil may mens

