Gob's point of view continues Past Pagkagising ko ay sobrang sama ng aking pakiramdam. Pinilit kong bumangon at pumunta sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nanghihina parin ako. Mabuti at sabado ngayon kaya oras ng aking pahinga. Nag padala nalang ako ng mensahe kay Solly na dito nalang ako sa aking kwarto na kakain. Humiga ulit ako sa aking kama at ipinikit ang aking mga mata. Sa edad ko na ito kung may sakit ako ay naalala ko ang aking mama at si Yaya sila ang salitan na nag-aalaga sa akin kung may sakit ako. Ilang saglit lang ay may kumatok "Pasok!" Sigaw ko at si Solly na may dalang tray. "Kumain ka na Gob himala yata at dito ka sa kwarto mo kakain?" "Hindi maganda ang pakiramdam ko Solly." Sagot ko dahil hindi ko ata nailabas lahat ang init ng katawan ko kagabi. Mi

