Gob. point of view Flashbacks to present Napatingin ako sa aking anak, ang liit palang niya paano ko kakayanin na alagaan na wala na ang kanyang Ina? "Son ikaw ang papalit sa akin na maging gobernador sa susunod na election." Sabi ni Papa habang buhat ang nag-iisa niyang apo na babae. "Paano si Clarabelle Papa?" Malungkot na tanong ko. "Kumuha tayo ng Yaya niya yung mapagkakatiwalaan natin." "Sige Papa." Sagot ko at pumasok na muna sa loob. Pagpasok ko ay parang hinihintay ako ng aking Yaya. "Anak, may sasabihin sana ako saiyo?" "Ano yun Ya?" "Tumawag sa akin si Solly, kailangan ko daw umuwi sa amin." "Hindi po ba nasa Manila si Solly?" "Umuwi na siya dala ang apo mo." "Apo! nag-asawa na si Solly? Sino ang napangasawa niya?" "Disgrasyada, ayaw niyang sabihin ang tatay

