Clarabelle's point of view Maaga pa ay niyaya ako ni Arnel na mag laka-lakad sa hacienda maganda daw sa katawan ang hamog at preskong hangin sa umaga. "Kung mapagod ako Arnel, buhatin mo ako." Sabi ko sa kanya dahil medyo napalayo na kami. Malapit na kami sa aming babuyan at manukan. "Oo senyorita, hindi maganda na nasa kwarto ka lang nakahilata. Dapat lumakas ang resistensya mo para hindi ka na ulit atikihin ng iyong asthma. "Paano ang amoy ng manukan at babuyan?" "Malinis Senyorita, may magandang deposit ang hacienda kaya nga nakakatipid tayo ng gas dahil sa Tae ng mga baboy." Sagot naman nito at napahawak na ako sa kanyang braso. Namamamis na kasi ang mga palad namin na magkahawak. "Tubig Arnel." Sabi ko, huminto siya at agad na iniabot ang lagayan ng ko ng tubig. Mabilis ak

