Chapter 2

2346 Words
Chapter 2 Wedding Nandito ako ngayon sa loob ng bridal car. Kinakabahan ako, paano kung makilala nila na hindi naman talaga ako ang papakasalan ng anak nila? Paano na? Masisira ang pangalan nina Daddy at mommy. I just let a heavy sigh. Ngayon ko lang nalaman na garden wedding pala ang napili nina mommy at daddy ganon din sina Mr and Mrs Suarez. This is our dream wedding, dream wedding namin ni ate na punong-puno ng bulaklak ang kasal na pagdarausan namin kaso mas prefer namin sa church. Kung sa bagay para lang naman sa business to eh. Bumaba na ako sa kotse at sinalubong ako ni mama. Ngumiti siya ng malungkot sakin. Ngumiti lang ako sa kanya. Nakita ko si daddy na nagpaalam na sa kausap niya para puntahan kami. "Are you okay?" Tanong ni daddy. Tumango lang ako at binigyan ko sila ng matamis na ngiti. Niyakap ako ni mommy. Niyakap ko naman siya pabalik. May lumapit sa akin na babae, namumukhaan ko siya. Isa siya sa mga kaibigan ni Ate. Niyakap niya ako. "I know, It's you Angel." Bulong niya sakin. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ngumiti naman siya sakin. "Your secret is safe with me." Nakangiting wika ni Bea. "Your ate is fine. Nabigla nga ako nung sinabing tuloy ang kasal e tumakas sila ni John." Kuwento niya sakin. "She's fine. Don't worry too much, malaki na ate mo." Pagbibiro pa niya tiyaka bahagyang natawa. "Sa-saan sila pumunta?" Hindi ko mapigilan ang magtanong. "Kasasabi ko lang diba? Don't worry too much!" Natatawang wika nito. "Basta huwag kang ma-awkward sakin okay? That's the only way para hindi mahalata ng iba naming kaibigan na hindi ikaw si Angela." natatawang wika nito. Oo nga pala, siya lang ang may alam na may kakambal si ate Angela. Sanay naman sila na tinatawag nila itong Angel at iyon ang alam ng iba na pangalan niya. Kaagad naman kaming pinaayos ng event organizer. Nagpila na ang mga bride's maid at groom's men. Maid of honor ko pala si Bea. Nagsimula na ang seremonyas ng kasal. Syempre huli akong pumasok na nasa kabilang gilid ko sina mama at papa. Pinilit ko naman ngumiti kahit na kinakabahan ako. Naiiyak sa tabi ko si mama at si papa naman ay nanatili lang ang cold na tingin niya. Tiningnan ko ang taong papakasalan ko na ngayon ay naghihintay sakin. Walang emosyon na mababasa sa mukha niya. Nakatiim lang ang bagang niya at mukha itong masungit. Parang hahawakan mo lang siya ay bigla kang kakagatin. Maamo pero maawtoridad ang mukha niya. Hanggang sa binigay na ni daddy ang kamay ko sa kanya. "Take care my daughter." Matigas na wika ni daddy dito. "Kahit na alam mo na kung bakit nagkaroon ng kasal, sana naman paki-ingatan mo ang anak ko." umiiiyak na wika ni mommy at tuluyan na akong pinaubaya sa taong hindi ko kilala. Katulad ng inaasahan ganon ang naging flow ng kasal. Hanggang sa maglalagay na kami ng singsing at magbitiw ng pangako sa isa't isa. Bahagya pa akong nagulat sa tigas ng boses niya sa pagsasalita. Kita mo sa bawat kilos at pananalita niya na isa itong makapangyarihan na tao. "I Matteo Aiden Suarez, take you, Angel Lae Ramos, to be my lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part." Sinuot na niya sakin ang singsing at hindi ko napigilan na tumulo ang luha ko. Noon isa lang ito sa pinapangarap ko. Ang makasal, ang maging katulad ng mga normal na tao ngayon eto nangyayari na sa buhay ko. Napa-awang ang bibig ni Aiden sa pagtulo ng luha ko, marahil ay nagulat sa pagiging emosyon ko at bahagyang nag-alinlangan. I gave him my sweetest smile to assure him that I am okay. "I Angel Lae Ramos, take you, Matteo Aiden Suarez, to be my lawfully husband, to have and hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part." Pagkatapos kong sabihin iyon sa nanginginig na boses, bahagya ring nanginig ang kamay ko nang pinasuot ko na sa kanya ang singsing. Pagkatapos ay tiyaka na nag-announce na 'kiss the bride' naghiwayan naman ang mga bisita. Unti-unting tinaas ni Aidan ang belo ko. Nang nataas na, unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sakin at hinalikan ang pisngi ko. Ngumiti ako sa kanya samantalang wala naman siyang reaksyon dito. "Ang hina mo naman bro!" Sigaw ng kaibigan niya. He just chuckled after he heard it. "Lips. Lips. Lips!!" Sigaw naman ng mga tao. Umiling lang naman si Aiden at hinawakan ang bewang ko. Inaalalayan niya ako para makapunta na sa venue ng reception. Hindi nagpaawat ang mga tao at ang iilan ay sumisigaw pa ng kiss sa lips. Umiling lang habang nakangiti si Aiden. Binuksan niya ang pintuan ng koste at pumasok na ako, ganon din ang ginawa niya. Mag katabi kami ngayon sa sasakyan. Kinakabahan ako dahil feeling ko isang maling galaw ko lang ay magagalit siya. Nakatingin lang siyang straight sa dinadaanan at nakakunot ang kilay niya kulang nalang ay magkakasalubong na ang dalawa niyang kilay. Hanggang sa bumaba kami sa sasakyan ay walang kibo pa rin siya. Hinawakan niya ang baywang ko para sabay na kaming pumasok sa venue. Umupo na kami sa naka assign na seat ng groom at bride. May iilan na lumapit sa amin at binati kami. Marami akong hindi kilala dahil hindi naman ako pala labas ng bahay ngunit ang iba ay nakikita ko sa mga magazine ng mga sikat na businessman sa bansa. Nakikipagkamay lang naman ako sa kanila at ngumingiti. "Are you this silent?" Napabaling ako sa tabi ko na ngayon ay deretso lang ang tingin. Napa-awang ang bibig ko sa sinabi niya. E tahimik lang din siya? "Ah? Hi-hindi naman. Hindi lang ako sanay." I honestly said. Hindi ako sanay sa ibang tao. "Sabagay." He said at tumango-tango. Bigla naman may lumapit sa amin na lalaki, yung sumigaw kanina sa kanya na mahina lang daw dahil sa pisngi niya lang ako hinalikan. "Newly wed." Pang-aasar pa nito sa katabi ko. Lalong kumunot ang noo ni Aiden. "Bilisan mong maka score para may pamangkin na ako, ang hina mo pa naman kanina." Sabay tawa pa nito. May tumakas naman na ilang mura sa bibig ni Aiden. "Umalis ka nga dito kung mang-aasar ka lang." Pikon na wika ni Aiden. "Paalisin mo ang best man mo?" Ngiting wika nito. "By the way nagtext si Anna umiiyak. Yung babaeng kakaiwan mo lang kagabi." Sabay kindat nito. Tinapunan siya ng isang maliit na bagay ni Aiden, tissue ata iyon. Hindi ako sigurado. Napatingin naman ako kay Aiden, marami ba siyang babae? May girlfriend kaya ito? Bakit pumayag siyang magpakasal kami? Tumingin siya sakin at nag-iwas ng tingin. "By the way Kenneth Suarez bestfriend s***h cousin ng lalaking pinakasalan mo at nag-iiwan ng kasabihan na mali ka ng taong pinakasalan." Natatawang wika nito. Nakipagkamay ako sa kanya. Nabigla ako ng bigla niyang hinalikan ang kamay ko. "Damn. Kenneth!" Matigas na wika ni Aiden sa kanya. Kenneth just chuckled at nagpaalam na samin. "Ba't ka naman pumayag na halikan niya ang kamay mo?" Tanong ni Aiden sakin. Napatingin naman ako sakanya, as usual magkasalubong nanaman ang kilay niya. Galit na galit? High blood mo sir. "Na-nabigla lang ako. Hindi ko naman inaasahan iyon." Paliwanag ko, umiling lang siya sa sagot ko. Nakita ko ang mga magulang niya na papalapit sa amin kaya naman hindi ako makakalma sa inuupuan ko. Napatingin nsakin si Aiden habang nagpapanic ako. Nagtataka siguro siya sa inaasal ko. Hindi ko alam ang ugali ng parents niya. Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko. "Tss. Stop that." Wika nito habang hawak-hawak ang kamay ko na nasa lap ko. Hanggang sa nakalapit na nga sa amin ang mga magulang niya. Ngumiti agad sa akin ang mommy niya at kung gaano ka cold ang mukha ni Aiden ay ganoon din ang daddy niya. "Hello." Bati sakin ng mommy niya. "Hindi ko inakala na ganto pala kaganda ang anak nila Amelia at Angelo." Ngumiti naman ako pero halata sa ngiti ko ang kaba na nadarama ko. "He-hello po." Tanging nasabi ko lang. Napatingin pa siya sa lap ko kung saan magkahawak ang kamay namin ni Aiden at kaagad ko naman itong iniwas. Ngumiti lang ako ng naiilang, nakakahiya pati pa iyon ay nakita niya. Ngumiti naman ng malawak sakin ang mama niya. "Mabuti naman ay magkasundo na kayo. I am happy for the both of you. We thought this won't work. I think it will, right?" Malawak na ngiti pa rin ang pinapakita sa amin ng mama niya. "Matanda na rin kami, kailangan na namin ng apo." Napatalon ako sa gulat nang magsalita ang ama niya. "P-po?" Gulat na tanong ko. Natawa ang mama at ama niya dahil sa naging reaksiyon ko. "Dad!" reklamo naman ni Aiden, hanggang sa dumating na sina mama at papa. "So ano ang pinag-uusapan natin dito?" Nakangiting wika ni mama at ngumiti ito sakin kaya sinuklian ko siya ng matamis na ngiti. I am happy to see my parents happy. I guess I made the right choice. "Amiga!" Wika agad ng mama ni Aiden at nagbeso-beso kay mama. "Sinasabi lang naman netong si Matthew sa anak niya na nangangailangan kami ng apo." Natatawang wika ng mama niya. "Madali lang naman iyon right, son? I can trust you with this." sobrang pula na siguro ng mukha ko sa mga sinasabi ng magulang niya. Natawa si Daddy. "Dad maybe there is the right time for that." Matigas na sagot ni Aiden. "Maybe we can just enjoy our life as a husband and wife?" Uminit lalo ang pisngi ko sa sagot ni Aiden. Iniwan muna kami ng mga magulang namin at kinausap ang ibang mga panauhin sa kasal namin. Hanggang sa nag gabi na pero hindi pa rin nauubos ang mga bisita at dahil nga maaga akong nagising kanina ay napahikab ako dahil antok pero kaagad kong tinakpan ang aking bibig. Napatingin sakin si Aiden na abala sa pakikipagtawanan sa mga groom men na halatang mga barkada niya. "Are you tired?" Tanong nito at tumingin sa akin with a worry eyed. "Ah. Medyo lang." Nahihiyang wika ko, it seems na nage-enjoy siya kaya naman nahihiya akong guluhin siya. "Ah una na ako sa uhm suite." Sa hotel kasi ang venue. Tumayo siya na ikinabigla ko. "Let's go." wika niya. Tumayo naman ako, humarap siya sa mga kausap niya kanina. "Una na kami." Bumilog ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. Hinawakan naman niya ang baywang ko para makaalis na kami. Nang nasa elevator na kami siya ang unang nagbukas ng topic. "Nabusog ka ba? Or padadalhan kita ng pagkain sa suite natin?" He asked. Napatingin naman ako sa kanya. "Huwag na nabusog na ako kanina." Nakangiting wika ko at bigla ulit akong naghikab kaya tinakpan ko ulit ang bibig ko. "You are really tired and sleepy." Deklara niya. Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang floor na kami. Hinawakan niya pa rin ang beywang ko habang papunta kami sa suite namin. Binuksan niya ang pinto at nilagay na ang card tiyaka na umilaw ang lahat. Isang presidential suite. Syempre kagaya ng ibang presidential suite ay malaki ito. Hindi ko napa nailibot ang mata ko sa sobrang pagod. May nakita naman akong dalawang paper bag sa kama. "Yung isang paper bag 'yan yung isusuot mo." Tumango lang naman ako sa pagod at antok kaya kinuha ko na ang isa at dumeretso na ako sa banyo para makapag hilamos. Pagkatapos ay nagbihis na ako isang maliit na short at fitted na shirt lang naman ito kaya lumabas na ako. Nakita ko si Aiden na nonood ng T.V. Umupo ako sa kama at pinapatuyo ang buhok ko. "Samahan mo na yung mga kaibigan mo sa taas." I said. "Nandito na rin naman ako. You can join them I am not that you know." wika ko sakanya. "I'm okay here." Wika niya habang nakasandal sa sofa at hawak-hawak ang remote. Tumayo naman ako at hinila siya "You can join them." wika ko sa kanya. Namilog naman ang mata niya habang bumaba ang tingin niya sa mga kamay ko kaya kaagad ko itong inalis. "Okay. Okay." Sukong wika niya. "Nandiyan ang phone mo, nilagay ko na rin ang number ko diyan you can call me if you need something." He said. Tumango naman ako at umalis na siya. Nahiga na ako sa kama pagkatapos kong patuyuin ang buhok ko at dahil sa sobrang pagod samahan mo pa ng antok ay kaagad akong nakatulog. Bahagya akong nagising ng biglang umuga ang kama hudyat na may umupo, nung una ay nagulat ako kaya bigla akong napa-upo habang unti-unti kong minulat ang mata ko. Tiyaka ko lang narealize na kinasal na pala ako. Napatingin naman sakin si Aiden nakita ko naman ang takot sa mata niya. Naamoy ko kaagad ang alak, siguro ay nag-inuman muna sila ng mga kaibigan niya. "Nagising ba kita? Sorry." He said, umiling ako at bahagyang ngumiti para sabihin na ayos lang ako. "Hindi lang ako sanay na may kasamang matulog." Sagot ko at humiga na. Tumango naman siya. "Sorry. I will just take a bath." Sabi niya at tumayo na tumango naman ako. Naka idlip naman ako ngunit nagising dahil sa pagbukas ng pintuan ng banyo, nakatingin naman ako sa kanya habang nagpupunas siya ng buhok. Naka short siya at naka t-shirt na white. "Dito nalang ako sa sofa." He said at humiga na sa sofa. "Pwede naman dito. Malaki naman ang kama." I said. Umiling siya baka ayaw niya din akong katabi? "Huwag na dito nalang." He said at nag side nsiya na nakaharap sakin. Pinabayaan ko nalang siya kung saan ang mas gusto niya. "Good night." Wika niya. "Good night." Nakangiting sagot ko. Well my husband is not that bad huh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD