Chapter 3

2097 Words
Chapter 3 Tita Gumising ako ng maaga. Ilang segundo at nag sink in ulit sa utak ko na kasal na ako. Na wala ako sa kwarto ko. Inilibot ko ang aking mga mata at nakita ko si Aiden na nag-aayos ng pagkain sa lamesa. Tumayo na ako para makapag hilamos. Pagkatapos kong maghilamos ay dumeretso na ako sa lamesa. Nahiya ako dahil ako dapat ang gumagawa noon at hindi siya. Pero wala rin akong masyadong alam sa gawaing bahay. "Good morning." Bati nito sakin. "Good morning din." Wika ko. "Ako na diyan." Sabay kuha ng tinapay at nilagyan ng palaman. "Wala kabang lakad ngayon?" I ask. Tumingin naman siya sakin. "Wala. Yung plano, ililipat ang gamit mo sa penthouse ko." He said. Namilog naman ang mata ko sa sinabi niya. "Hindi pa ba nasabi sayo ng parents mo?" He ask. Umiling ako. Naisip ko lang na wala nang makakasama sina mommy at daddy sa bahay kung pati ako aalis doon. Bahagya akong nalungkot dahil sa ideya na iyon. "Hindi ka ba sanay na hindi mo kasama ang parents mo?" He ask again. Ngumuso lang ako. "Ah, ayoko lang iwanan sina mommy at daddy sa bahay. Sila nalang nandoon." I said. "Dapat nakapaghanda na sila, only child ka lang diba?" Nagulat ako sa tanong niya. Oo nga pala, hindi ako kilala. Pero ang pangalan ko ang alam nila na pangalan ni Ate. "Hmm. Ayokong malungkot sila eh." Palusot ko kasi baka makahalata wala pang isang araw. "Kaya ba pumayag ka na magpakasal tayo? Kahit na hindi mo man lang ako kilala?" Nagulat ako sa biglaang tanong niya. "Bakit ikaw? Bat hindi ka umangal ng malaman mo?" Balik na tanong ko sa kanya. Pareho kaming umupo sa upuan para makakain. "Kung anong gusto ni mama at makakapagpasaya sa kanya. Gagawin ko." He said. Bigla naman ako na-touch sa sinabi niya. So he is a mama's boy huh? "Mama's boy ka pala." I said. "Ikaw?" He asked then he paused. "Ah oo nga pala, pabagsak na ang kumpanya niyo." Bahagya akong na-offend sa sinabi niya. "Kaka graduate mo lang diba?" Tumango naman ako. Hindi na iyon pagsisinungaling dahil naka graduate naman na ako, home school nga lang. Pareho kami ni ate ng course. Nag-usap kami. Parang getting to know each other. Nalaman ko na 3 years ang gap namin sa isa't-isa. At siya na ang nag-handle sa kumpanya nila dahil hindi naman mahilig sa business ang ate niya. "May ate ka pala?" I asked. Tumango ito. "Wala lang siya kahapon dahil busy siya." He said, well hindi kailangan na nandoon siya besides it's all for the business lang naman. Pagkatapos namin kumain. Mag che-check out na kami sa hotel para maglipat na ako ng gamit. Nang nasa hallway na kami papunta sa elevator kaagad niyang pinatong ang jacket niya sakin. "Naka fitted na shirt ka lang na lalabas?" Tanong niya sakin. Sinuot ko ang jacket niya. "Ah. Nakalimutan ko." Tanging sagot ko nalang. Nang makababa na kami sa lobby kaagad kaming sinalubong ng crew at binigay ang susi ng sasakyan niya. Lumabas na kami at tumambad sa akin ang sasakyan niyang kulay itim. Pinagbuksan naman niya ako ng pintuan at pumasok na doon. Umikot siya tiyaka pumasok na rin sa sasakyan. In-start na niya ito at wala naman akong imik. Tumunog ang cellphone niya, napatingin ako roon. Isang unknown number ang nagcacall kaagad naman niya itong sinagot at naka loud speaker. "Matt!" Isang hagulgol ng babae ang narinig ko sa kabilang linya, kaagad akong napatagilid at tumingin sa kanya nang naga-alala. "Why did you do this to me?" Sabay hagulgol neto. Tiyaka ko lang narealise, maybe that one of his girl. Seryoso lang siyang nagmamaneho. Nakakunot ang kilay at nakatiim ang panga niya. "Nagpakasal kana?!" Tanong ng babae na mukhang desperada na. "Ayaw kong maniwala noon na paglalaruan mo lang ako katulad ng ibang babae mo! Akala ko seseryosohin mo ako! I gave you my virginity per—" Nagulat ako sa sinabi ng babae bago pa ito natapos ay pinatay na ni Aidan ang tawag. "Damn!" Malutong na mura nito. "f**k!" Sabay hampas sa manibela. Napatalon naman ako sa gulat. Nagbabaga ang kanyang mata. Napatingin siya sakin. Natatakot ako sa pinakita niyang ekspresyon ngunit bahagya itong lumambot nang tumingin siya sa akin. "I'm sorry." Sinseridad na wika niya at pumikit para pakalmahin ang sarili niya. Pagkatapos ay pinagpatuloy na niya ang pagmamaneho. "Okay lang. Dapat dun sa babae ka nagsorry." I said. He just clench his jaw. Nakadating na rin kami sa subdivision namin. Nasa tapat na ng bahya namin ang kanyang sasakyan. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako, kaya ako nalang nagbukas sa pintuan habang nagtatanggal pa siya ng seat belt. Nag door bell ako, siguro ay inaasahan na nina mommy na pupunta kami ngayon dito. Kaagad kaming pinagbuksan ng kasambahay namin at bumati. Ngumiti lang ako sa kanya at nagtuloy-tuloy na sa bahay. Humabol sa akin si Aiden dahil hindi ko pala siya nahintay at hinawakan ang baywang ko. Nasa sala sina mama at daddy na alam nga nila ang sadya ko dito dahil may tatlong maleta na nasa sala. "Nag-umagahan naba kayo?" Tanong ni mommy at hinalikan na ako sa pisngi. "Kumusta? Ayos lang ba kayo?" Daddy asked. Tumango naman ako sa tanong niya at hinalikan naman ni daddy ang noo ko. Nagmano si Aiden sa kanilang dalawa at hinawakan na ulit ang beywang ko. Hobby na niya yata iyon. "Mag-umagahan na muna kayo dito. Naghanda ako ng mga pagkain." Nakangiting wika ni mama. Dumeretso kami sa aming dining area para kumain kahit na busog pa kami, wala na kaming magawa dahil hindi ko matanggihan si mama lalo na ang ngiti niya. "Oo nga pala yung kalahati sa kumpanya namin ay kay Angel, baka ikaw na rin maghahawak non Matt. Pero kung ayaw mo, Angel can work for it." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni daddy. Sigurado na siya sa desisyon niya? Papayag talaga siya na magtrabaho ako? "Dad. I can manage it." I said, ayaw ko na magkaroon pa kami ng utang na loob sa mga Suarez. Tama na ang pagsalba nila sa kumpanya namin. "I can handle two companies sir don't worry." Napatingin naman ako kay Aiden ng hindi pa rin makapaniwala. "Drop the sir parang hindi mo naman asawa ang anak namin." Natatawang wika ni daddy, well I can't see the humor with it. "Dad! Wala naman akong gagawin nito." I said, tiningnan naman ako ni mommy ng masama. "Hindi ba mas maganda iyon para hindi ka ma-stress." Pagpapaalala sakin ni mommy. Tiyaka lang bumalik sa isipan ko ang sakit ko. Masyado ko atang in-enjoy ang buhay ni Angela Lae. Tahimik akong kumain at nag-usap naman sila tungkol sa business. Minsan ay nakikita ko sa gilid ng mata ko ang pag sulyap sakin ni Aiden pero nagpatuloy lang ako sa pagkain. Nang matapos na kaming kumain ay nagpaalam na kami kay mommy at daddy. Kinuha ni Aiden ang dalawang maleta samantalang si Daddy naman ang kumuha sa isa. Hinatid na nila kami at nilagay sa likuran ng sasakyan ni Aiden mga gamit ko. "Always communicate with us." Pagpapaalala ni mommy. Hinaplos niya ang buhok ko at niyakap ako. "Yes mom." Sagot ko naman sa kanya. "Don't forget to drink your medicine on time okay?" Mom said. Tumango lang ako. Malayo samin sina dad at Aiden na mukhang business nanaman ang usapan. Bahagyang lumapit sakin si mommy. "Tell us if ever your twin sent you a message or call you okay? Hindi pa namin sila ma-trace even John family at hindi alam kung nasaan sila." Nag-aalalang wika ni mommy. Tumango ako. Nang maayos na ang gamit ko. Nagpaalam na kami kay Daddy at mommy. Pumasok na ako sa sasakyan at nilagay ang seat belt ko. Tahimik kami sa biyahe hanggang sa binasag ni Aiden ang katahimikan. "You want to work?" He asked. Tumingin naman ako sa kanya. "Of course, anong gagawin ko sa bahay?" I asked. Lalo na ngayong graduate na ako. Wala ng homeschool. "Then you will work. Is that okay? You will be the Vice-President of your company." Sabi niya. Ako naman talaga ang Vice President at si Ate ang President kaso ngayong wala siya si Aiden na muna siguro pansamantala. "But you are working in our company." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Akala ko ba sa kumpanya namin?" I asked. "Right. Ang trabaho mo sa kumpanya niyo pero ang office mo sa company namin." He said. Mukhang naplano na niya sa isip niya ito. Tumango lang nako. Nakarating na kami sa condo niya at pumunta na kami sa penthouse. "Are we going to uh- share room?" I asked. "Oh nandito kana pala." Nabigla naman ako sa pagsulpot ng medyo may edad na na babae. "Ah Tita Tess si Angel pala, kilala mo na siguro siya. Pumunta ka naman kahapon." Aiden said. "Ah hello po." Sabi ko. Mukha pa naman mataray ang tita niya. "Lilinis lang ako sa kusina." Wika niya at in-snob lang ako. "Pagpasensiyahan mo na si Tita, matandang dalaga." Wika nito. "Ikaw? Anong gusto mo? Should we share the same room?" He asked. "Dapat lang!" Sigaw ng tita niya mula sa kusina. Nabigla naman ako sa sigaw. "Ah. Ano. Oo." Kinakabahan na sagot ko. Tumango naman siya at dinala na yung mga maleta sa kwarto. Naupo naman ako sa living room. Nakita ko naman ang tita niya na naglilinis. "May alam ka ba sa gawaing bahay?" She asked habang nakataas ang kilay. "Ah. Wa-wala po pe-pero madali lang naman po ako matu-" she stop me from what I am going to say by waving her hand. "Ayan ang hirap. Tss. Ayaw ko sayo. Ayaw kong mapunta ang alaga ko sa katulad mo. Wala kang pinagkaiba sa mga babae niya. Walang kwenta. Puro pasarap." Matigas na wika nito. Parang may nagbara sa lalamunan ko. Napapaiyak na ako. Tama nga naman siya wala naman akong kwenta. Nangingilid na ang luha ko hanggang sa tuluyan na tumulo at kaagad ko naman itong pinunasan. Bakit ba ang sensitive ko? "Tita nasan yung— What the hell?!" Sigaw ni Aiden at lumapit sakin. "Tita what did you do?" He asked at pinunasan niya ang luha ko. Ngumiti ako para hindi na magkagulo. "Napuwing lang ako sa alikabok." I said. "Ewan ko ba riyan. Ang arte. Best actress. Wala naman akong ginagawa." At umalis na yung tita niya sa sala. "What happened?" Tanong ni Aiden, umiling ako at ngumiti. "Napuwing nga lang ako." I said. Umiling siya. "Uy! Ang sweet ng newly wed!" Nadatnan naman kami ni Kenneth sa posisyon na nakahawak siya sa likod ko habang pinapatahan ako. Kaagad akong humiwalay at pinunasan ang ilan pang takas na luha ko. "Oh? Bro, pinaiyak mo?" Nang-iinis na tanong ni Kenneth. Kaagad tumabi sakin si Kenneth. Bali napausog si Aiden at siya ang nasa gitna namin. "Angel, are you okay?" Tanong niya at hinawakan ang baba ko. Tumango lang naman ako. Padabog na umalis si Aiden. "Anong kagaguhan ang ginawa sayo ni Matteo?" Tanong ni Kenneth. "Wala napuwing lang ako." Sagot ko. Bumalik si Aiden sa upuan at pinagana ang T.V, tamad siyang pumindot sa remote. "Anong sadya mo rito?" Tamad na tanong niya kay Kenneth. "Na love at first sight ata ako." Wika ni Kenneth. Nagtiim naman ang bagang ni Aiden. "Wala ka bang babae ngayon?" Tanong nito na walang emosyon ang mukha niya. "Ikaw ang tatanungin ko, wala ka bang babae ngayon?" Balik na tanong ni Kenneth. Nagtiim lang ang bagang ni Aiden. "Sana ako nalang ang pinakasal sayo. Promise magtitino kaagad ako!" Natawa lang ako sa sinabi ni Kenneth. "Uy! Hindi ako nagbibiro." Umiling nalang ako. Naglapag naman ng miryenda ang tita ni Aiden at matalim ang tingin sakin at sa kamay na nakaakbay ni Kenneth. Kaagad naman akong lumayo. "Kenneth." Nagbabantang wika ng tita nila. Kaagad naman inalis ni Kenneth ang akbay niya sakin tiyaka ito tinaas sa ere. "Tita, tinatakot mo naman si Angel eh." Natatawang wika ni Kenneth. "Hindi ko siya tinatakot. Akala ko pa naman hindi siya katulad ng ibang babae nitong si Matt." Wika nito. "Tita, hindi naman ito ganon sa mga babae niya." Pagtatanggol ni Kenneth. "Bakit kilala mo na ba iyan? Kahapon niyo nga lang nakilala iyan." Sabay alis ng tita nila. "Pasensiya na kay tita." Wika naman ni Kenneth. Ngumiti lang ako. Hanggang sa maghapunan at kumain na kami. Akala ko pa naman magiging maayos ang pakikitungo sakin ng ibang tao pero hindi pala. Sabagay you can't please everybody.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD