Chapter 4

2371 Words
Chapter 4 Sick Lunes ng umaga nagising ako sa kama ni Aiden. This is my first time sleeping on his room at nakakahiya dahil sa kanyang sofa pa siya natulog. Bumangon naman ako to eat breakfast. Naghilamos muna ako sa banyo na nasa kwarto ni Aiden. Pagdating ko sa kusina naabutan ko naman ang tita ni Aiden, hanggang ngayon hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kanya. "Gising na pala ang ating senyorita." Pambungad naman niya sakin. Medyo na-ilang ako dahil nakahanda na ang pagkain sa mesa at pinatunayan ko naman na walang kwenta ako talaga. Dahan-dahan ang aking pag-upo. Ingat na ingat at kumuha na ng pagkain. Hindi ko pa malunok-lunok ang pagkain ko dahil bumubulong ang tita niya. "Buhay mayaman nga naman oh. Porket hindi nagdanas ng hirap ay ganyan na. Walang alam na trabaho sa bahay. Sabagay, nagpakasal lang naman dahil sa pera." Bulong nito habang nagpupunas ng lababo. Binilisan ko naman ang pagkain ko at nilagay na ang plato sa lababo handa na akong maghugas ng mga plato. "Ako nalang po maglilinis. Magpahinga muna po kayo." Sabi ko naman sa kanya. Naturuan naman kami sa mga gawaing bahay ang kaso hindi kami ganon pinapagtrabaho sa bahay ng mga magulang namin. Lalo na ako. "Nako, tinablahan ka pala ng hiya no? O hanggang simula lang ito?" Nang-aasar na tanong niya sakin. Ngumiti lang ako ng pilit kahit na nakakainsulto na minsan ang sinasabi niya. "Magpahinga na po kayo. Ako na po bahala sa lahat ng gawain." Tanging sagot ko nalang. "Si Aiden po?" I asked. Nabigla siya sa tanong ko parang hindi siya makapaniwala or it just sarcasm? "Nasa opisina." Tanging sagot niya. Tumango lan ako. Kahit na gustuhin ko man siyang makausap, mukhang ayaw niya sa akin. Nagpatuloy na ako sa paghuhugas ng pinggan hindi ganon karami kaya hindi siguro ako mapapagod. Pagkatapos kong maghugas ay pinunasan ko na ito at nilagay na sa lalagyan. In-stretch ko ang aking kamay pagkatapos. Sinunod ko ang lababo, tinuloy ko ang pagpupunas ng tita ni Aiden at nilinis na rin. Sunod kong kinuha ang walis tambo at nagsimula na akong magwalis sa buong penthouse. Hindi pala biro ang trabaho ng tita niya dahil napakalaki nga naman ng penthouse ni Aiden para na itong bungalow mansion. Naglilinis lang ako nang naglilinis, nagwawalis-walis sa mga sulok-sulok. Lumipas ang isa't kahalating oras at natapos na rin ako sa pagwawalis. Kumuha na ako ng basahan para mapunasan ang mga display na sa sala at mga bagay na pwedeng punasan para maalis ang alikabok dito. Dahil sa dami ng mga pang display at ilang mga frame na achievements ni Aiden samahan mo pa ng mga picture frame ay nakakapagod. Sinunod kong linisin ang kwarto ni Aiden, well malinis naman na ito kaya madali lang. Sinimulan ko ang pagwawalis. Hanggang sa nagpunas-punas nadin ako kung anong nasa kwarto niya. Well scratch that madali, hindi pala sa sobrang laki nito. Umabot ng tanghalian at lumabas ako sa kwarto at pumunta na sa kusina. Tiningnan ko lang naman ang laman ng ref dahil hindi ako ganon kagaling magluto. Nang makita kong meron namang hotdog at itlog ay iyon nalang ang iluluto ko kahit na tanghalian na. Pagkatapos kong nagprito nilagay ko na ito sa plato at inayos na ito sa mesa. Kumain nalang din ako at hindi pa lumalabas ang tita niya sa kwarto nito, mukhang tinotoo nga ang pagpapahinga. Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at tinakpan ang sobrang ulam sa lamesa. Kinuha ko ang mop at nagsimula na akong punasan ang sahig. Medyo hindi madali dahil nga malawak ang penthouse ni Aiden. Ayos naman din ito sa tutal wala akong ginagawa sa bahay at masyado naman nakakahiya kung wala akong ginagawa habang naglilinis ang tita niya. Kung may alam ka naman sa gawain na ito mas mabuti pang tumulong ka nalang para less na sasabihin sayo. Ibabalik ko na sana ang mop sa basement nang bigla akong napahawak sa dibdib ko. s**t, not now please. Not now. Nakikiusap ako pero mukhang ayaw ng katawan kong pagbigyan ang kahilingan ko kaya naman napaluhod na ako sa sala. Ba't ba ang tanga ko para kalimutan inumin ang mga gamot ko at nagpapagod pa? Nahihirapan na akong huminga hanggang sa nabitawan ko na ang mop. Ang isang kamay ko ay nakatukod ngayon sa sahig at ang isa ay hawak hawak ang dibdib ko. s**t hindi ako makahinga. Hindi na ako makahinga! 'Mom. Dad!' 'Ate I need you right now. Ate.. Mom.. Dad' Hanggang sa isip ko nalang dahil hindi na ako makapagsalita. Nagsimula ng mamutla ang labi ko, alam ko nararamdaman ko. Hirap na hirap na ako. Hindi ko na kaya. Wala na akong magalaw sa katawan ko. Unti-unting bumagsak ang katawan ko sa sahig. Hindi ko na magalaw kahit ang mga daliri ko. Pinipilit ko nalang na buksan ang mata ko kahit medyo nakasarado na ang mga ito. Narinig ko naman bumukas ang pintuan at nakita ko naman ang paa na papasok. Kaagad itong tumakbo kung nasaan ako. "s**t. Angel. Angel" sapay tapik sa pisngi ko. "What happened?" He asked at nagpapanic na siya. "Hi-hindi a-ako makahinga" kahit mahirap pinilit kong magsalita ngunit halos bulong lang iyon. "Mo-mom" Bulong ko. Kaagad naman niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa. "Tita!" sigaw neto at nakita ko naman na nagdial siya sa kanyang cellphone. Ramdam sa boses niya ang pagpapanic. May narinig naman ako na takbo ng mga paa. "Call a doctor." Utos nito, nataranta ang tita niya kaya kaagad na itong pumunta kung nasaan ang telephone. "Hello tita." Salubong ni Aiden. "Yes?" Sagot ni mama mukhang naka loud speaker. "Si Angel po kasi nahihirapan huminga" narinig ko na ang pagpanic sa kabilang linya. "Inhaler niya, nasa bag sa travel bag niya. Kapag hindi gumana yung sa kulay gray na maleta her nebulizer. Papunta na kami diyan." Binuhat ako ni Aiden papunta sa kwarto niya at kaagad na niya akong hiniga sa kama. Kinalkal naman niya ang travel bag ko at nakita niya ang maliit na inhaler kaagad niya itong tinapat sa bibig ko. Pero sa sobrang pagod ko hindi iyon tumalab. "s**t!" Malutong na mura niya at kaagad na kinalkal ang nebulizer sa maleta. Kaagad niya itong sinindihan at tinapat sa ilong ko. Medyo tumatalab naman iyon kahit papano. Nakaupo ako ngayon habang nakasandal sa balikat niya, hawak niya ang balikat ko sa isang kamay niya na nakaakbay samantala ang isa naman ay hawak ang mask ng nebulizer. Pumasok naman ang tita niya sa kwarto. "Where's the damn doctor?" Matigas na tanong ni Aiden. "On the way na." She said. Medyo guminhawa na ang pakiramdam ko at medyo bumalik na sa normal ang paghinga ko kaya naman nagpahiga na ako. Hawak pa rin ni Aiden ang nebulizer mask. Unti-unti naman akong pumikit dahil kailangan ko na ng pahinga. Unti-unti kong dinilat ang mata ko at nakita ko naman na may oxygen na sa tabi ko at doon na naka konekta ang mask. Ginalaw ko naman ang daliri ko at nakita ko doon si Aiden na nakasukob, natutulog siguro. Tiningnan ko ang wall clock sa harapan, sa taas ng T.V at nakita kong 9 o'clock na ng gabi. Ginalaw ko ulit ang kamay ko na hawak ni Aiden dahilan ng pagkagising nito. Pumupungay pa ang mata nito at tiningnan ako. Kinusot niya ang mata niya pagkatapos ay ginulo niya ang kanyang buhok. "Are you okay?" Tanong nito sakin at nababakas ko padin sa mga mata niya ang pag-alala. Dahan dahan naman akong tumango para sumagot sa tanong niya na ayos lang ako. Ngumiti naman siya. "Are you hungry?" Tanong niya, tumango naman ako dahil iyon naman talaga ang gusto ko. "Okay I will just bring you a food here." He said. Tumayo na siya para pumunta sa kusina. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto. Sa tabi ko ay oxygen tank at mga gamot na nasa bed side table. Sana pala nag-ingat na ako kanina para hindi na nangyari ito. Ilang minuto lang ang lumipas at pumasok na si Aiden sa kwarto bitbit ang tray na may lamang isang baso ng tubig at pagkain. Binaba niya ang tray sa bed side table ko para maalalayan niya akong umupo. Sinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama. Inalis ko muna ang mask para makakain ako. Kukunin ko na sana ang kutsara ngunit iniwas ito ni Aiden. "Ako na." Wika nito. Wala akong energy para makipag away kaya hinayaan ko nalang kung anong gusto niya. Sinubuan niya ako. Hanggang sa matapos akong kumain at pinainom na ako ng tubig pati na rin ang mga gamot ko. Pagkatapos ay binalik ko na ang mask ng oxygen. Inalalayan niya ako para makahiga. Nang makahiga na ako, lumabas na siya bitbit ang tray para dalhin siguro sa kusina. At dahil kailangan ko ng pahinga ngayon para mabawi ang lakas ko napagdesisyunan ko na na matulog ulit. Unti-unti kong dinilat ang mata ko ng tumama ang sinag ng araw sakin. Hindi na ako naka oxygen at normal na ulit ang paghinga ko. Tumingin ako sa gilid ko nakita ko si Aiden na mahimbing na natutulog sa sofa. Siguro ay napuyat sa pagmomonitor sa kalagayan ko. Bumangon naman ako at dumeretso na sa banyo para maghilamos. Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas na ako at nakita ko na nakatayo na si Aiden mukhang hinahanap ako. "Aiden." Nabigla naman siya sa tawag ko sa kanya pero winalang bahala niya lamang ito. "Ayos ka na ba?" Tanong niya sakin sabay lapit. Tumango ako. "Salamat pala kahapon at kagabi." Paninimula ko. "Bakit ka ba nagpakapagod?" He asked. Ngumiti lang ako at nagkibit balikat. Ginulo niya ang buhok niya. "Tara kumain na tayo. Nasa kusina na sina tita." He said at kinuha ang kamay ko. Sabay kaming pumunta sa kusina at hindi nga siya nagkamali dahil naroon na si mommy at daddy. Kaagad naman tumayo si mommy para salubungin ako ng yakap. "Salamat naman at ayos kana. Bakit ka ba nagpakapagod ha? Alam mo naman na bawal sayo 'yon" sermon ni mama. Habang hinahaplos ang aking buhok. "Kung hindi ka pa ayos ngayon baka nadagdagan ang suntok ko dito sa asawa mo." Sabi ni daddy kaya naman napatingin ako kay Aiden na may pasa sa gilid ng labi niya. "Dad! Wala namang kasalanan si Aiden!" I said in a frustrated tone. Nakaka-guilty tuloy. Napagod na siya kakabantay sa akin tapos sinaktan pa siya ni daddy! "Aba dapat lang ang sabi ko ingatan ka niya. Muntik ka ng mawala ng tuluyan sa amin kung hindi lan-" I cut dad words. "Kung hindi lang siya kaagad na dumating." I said. Suminghap nsi dad at tinapik ang balikat ni Aiden. "Sorry iho, pero nag-alala lang talaga kami sa anak namin." Dad said, tumango si Aiden na tila naiintindihan ang punto ni daddy pero kahit na! Hindi niya pa rin dapat sinaktan si Aiden. "I understand po. My bad." Napatingin ako kay Aiden sa sinagot niya. "Wala kang kasalanan! Ako ang may kasalanan dahil nakalimutan kong inumin ang gamot ko sa paglilinis." I said. "Ba't kailangan mo pa bang maglinis?" tanong sakin ni mommy. Sakto na dumating ang tita ni Aiden. "Kung gusto mo magpapadala ako ng isang kasambahay dito para hindi ka na maglinis." Wika ni mommy. Umiling agad ako. "Ayos lang ma, kaya ko naman. Nakalimutan ko lang talaga ang mga gamot ko at tuloy tuloy ang paglilinis ko kaya napagod ako ng sobra." Pagpapaliwanag ko. Ayokong magkagulo pa kapag nalaman niyang pinaparinggan ako ng tita ni Aiden. Umupo ako sa tabing upuan ni Aiden at nasa magkabilang dulo si mommy at daddy nasa harapan naman namin ang tita niya. Walong tao ang pwedeng kumain dito. Tatlo sa magkabilang side at tig-isa sa dalawan dulo. Nagsimula naman mag-usap si Daddy at Aiden tungkol sa business. "Siya nga po pala, gustong magtrabaho ni Angel sa kumpanya bilang Vide President." Saad ni Aiden. Kaagad napatingin si mama bakas sa mata niya ang hindi pagpayag. "Alam mo namang na hindi pwedeng magpakapagod si Angel." Saad ni mommy. "Hindi ako papayag." Wika pa nito. "But mom! Wala naman akong gagawin dito." I said. Hindi ko kayang maupo lang dito, maghapon na nakatulala. "Madadaling trabaho at hindi nakakapagod naman po ang bibigay ko na trabaho sa kanya." Sagot ni Aiden. "Okay." Tanging sagot ni daddy. Nagulat ako sa pag sang-ayon niya akala ko tututol din siya katulad ni mommy dahil mas strict pa nga siya noon kay mommy. Pero ayos din iyon, at least lumuluwag na si daddy dahil kung hindi kahit anong pilit namin ni Aiden, hindi ako makakapagtrabaho. "But Angelo! You knew about your daughter condition! Baka mapano pa siya!" Inis na wika ni mommy. "I trust Matteo for this." Final na sagot ni daddy. Walang nagawa si mommy kaya sumimangot na lang siya. Pinisil ko naman ang kamay niya na nakalagay sa mesa at ngumiti sa kanya. "Trust me mom, it will never happen again. I will be okay." I assure her. Ito lang ang alam kong dahilan para mapanatag si mommy. Natapos kaming kumain at umalis na sina mommy dahil may meeting pa si daddy. Hinatid namin sila ni Aiden sa lobby. Pagkatapos ay bumalik na kami sa penthouse. "Are you really okay?" Tanong ni Aiden. Tumango naman ako at ngumiti. "Bakit hindi mo sinabi sakin ang tungkol dito?" He asked. "Kailangan pa bang sabihin iyon?" I ask innocently. "Of course! You are already my wife." Nabigla ako sa sinabi niya na asawa niya ako. "I'm sorry." Pagpapahingi ko ng paumanhin. "Hindi ko naman inasahan na-aatake iyon." Sagot ko. Binigyan ko pa siya ng problema. "Don't be sorry. Wala kang kasalanan. I am sorry for my tita." He said. Tumango lang ako, naintindihan ko ang tita niya. "I understand." Nakangiting wika ko. "I am sorry too for my father." Pagpapaumanhin ko. "I deserve the punch." He said. "I promise to him that I will take care of you but I failed." Wika niya, hinawakan ko ang kamay niya. "No. Thank you for saving my life and for taking care of me" I said. I thought arranged marriage is bad but it is good so far.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD