Chapter 5
Work
Pagkatapos ng pag-uusap namin, kaagad akong pumunta sa kwarto namin. Aayusin ko na ang mga gamit ko, pero saan ko ito lalagay?
Naramdaman ko ang mga yabag ni Aiden papasok sa kwarto namin. Binuksan niya ang cabinet sa ilalim ng T.V para kunin ang laptop niya.
"Ah. Aiden. Ano, yung mga gamit ko?" I asked. Tumingin siya sakin pagkatapos ay naupo siya sa sofa at binuksan ang laptop niya.
"I free up the space on my walk in closet." Tumango ako. Siguro ay doon ko nalang din lalagay ang gamit ko. "Papaayos ko nalang iyan kay tita Tess." Napatingin ako sakanya na ngayon ay seryosong nakatingin sa laptop niya.
"Huwag na, kaya ko naman." Kaya ayaw kong malaman niya ang tungkol sa sakit ko panigurado ganto nanaman ang matatanggap kong pagtrato, may sakit lang ako pero hindi ako baldado. Tiyaka alam kong hindi pa palagay ang loob sa akin ng tita niya kaya bakit niya uutusan para sa gamit ko? Kaya ko naman.
"Baka mapagod ka riyan." Concern na sabi niya. Umiling naman ako. Naintindihan ko ang pag-alala nila pero may kamay at paa rin ako na pwedeng gamitin. Hindi naman pwedeng habang buhay lang akong nakaasa sa ibang tao kung kaya ko namang gawin.
"Aayusin ko lang hindi naman ako mapa-pagod tiyaka mas okay na din na ako ang mag-ayos para malaman ko kaagad kung nasaan ang gamit ko." I answered him honestly. Tumango siya kahit na ayaw niya ay mukhang wala siyang magawa dahil kukulitin ko pa rin siya sa gusto ko.
Isa-isa kong inalis ang damit ko sa maleta at dinala na sa walk-in closet niya. Malaki nga talaga ang walk in closet niya. Parang isang kwarto na ito, I wonder kung magkano itong penthouse niya? Dito na ba talaga siya lumaki?
Ilang minuto din ang lumipas at natapos na ako sa pag-aayos. Nag stretching uli ako ng kamay at napatingin sa kakabukas lang na pintuan, niluwa nito si Aiden.
"Just checking you if you are okay." Pagpapaliwanag nito. Ngumiti ako sa kanya habang nakataas pa rin ang kamay ko dahil nga sa stretching.
"I'm okay." I assured him at nag thumbs up. Tumango naman siya.
Sabay na kaming lumabas sa walk-in closet niya. Umupo ako sa kama at siya naman ang umupo sa sofa. Busy kaharap ang laptop niya maybe about sa work? Nahihiya naman akong i-on ang T.V dahil baka makaistorbo pa ako sakanya. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nagkalikot ng kung ano-ano.
May natanggap akong isang mensahe mula sa hindi registered na number sa cellphone ko. Kinabahan ako at nagbabakasakaling si Ate na ang nagpadala sa akin ng mensahe. Kaagad ko naman itong binuksan at nadismaya sa nabasa ko.
+639356482599: Hi Angel! This is Bea. This is my number, hope you save it.
Kagaya ng tip niya sakin na huwag papahalata kaya naman sinave ko nalang ang number niya. Hindi na ako nag-abalang mag text pa. Wala naman akong maiisip na isasagot sa text niya.
"What do you want to your office?" He asked. "May plan is ilalagay nalang ang mesa mo sa opisina ko." Napa "eh" ako sa sinabi niya.
"Huwag na. Baka maistorbo pa kita lalo na kapag may mga bumibisita sayo." I said. "Ayos na ako kahit simpleng cubicle lang." Agarang sagot ko dahilan ng pagkunot nang kanyang kilay.
"Cubicle for a Vice President?" Sarcastic na sagot niya. Tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"I mean, ano ayaw ko naman kasing mag start bilang Vice President kaagad. Ayos na ako sa simpleng trabaho muna sa kumpanya. I think I can't handle that big position." I honestly said. Mas okay pa na maging secretary ako no.
"Ano bang bakanteng posisyon sa kumpanya niyo?" I asked. Nag-isip naman siya at nang makapag-isip siya ay isang malutong na mura ang lumabas sa bibig niya.
"Wala. Titingnan ko muna." He coldly said. Napataas naman ang kilay ko.
Kaagad ko naman sinearch ang Suarez Incorporation Job Hiring. Kaagad ko naman nakita ang job hiring na extra secretary for the CEO. Wow, extra.
"Hiring pala kayo ng secretary for CEO?" I ask. Pinagjoin na kasi ang kumpanya namin kaya iisang management nalang.
"Huwag ka doon." He coldly said. Tumaas lalo ang kilay ko sa sinabi niya.
"Ayos na iyon. Kaya ko naman maging secretary may alam naman ako tungkol sa business." Pagdedepensa ko. "Sino ba yung CEO? Ah nga pala, kalat ba sa kumpanya niyo na nagpakasal ka na?" I asked.
"Hindi bakit?" Doon ko nakuha ang atensyon niya. Ngumiti naman ako.
"Gusto ko sanang magsimula kagaya ng normal na empleyado." I said. Iyon ang gusto kong mangyari magsimula pa nung bata ako. "Huwag mo muna sanang sabihin na ako yung napangasawa mo. Ayaw ko naman maging unfair na nakapasok ako sa kumpanya dahil lang doon." Siya naman ngayon ang napataas ng kilay sa sinabi ko.
"They won't question you because of that. You are one of the owners of that company." Walang emosyon na wika niya. Hindi nasisiyahan sa desisyon ko, pero hindi na niya mapapabago pa iyon.
I want to experience normal life.
"Ah basta! Alam mo naman yung tungkol sa sakit ko diba?" I asked. "Hindi kasi ako masyadong namuhay katulad ng mga ibang normal na tao kaya iyon yung gusto ko." I honestly said. He let a heavy sighed, siguro ay bilang pagsuko.
"Okay if that's what you want." He said.
"And I want to be the CEO extra secretary siguro wala naman masyadong mabibigat na trabaho iyon dahil extra lang naman." Mabilis na suhestiyon ko.
"If you want you can be my secretary." Tumawa naman ako sa suhestiyon niya kaya lalong kumunot ang kilay niya.
"President's Secretary? Nako, mukhang mabigat na trabaho iyon no. Tiyaka ampanget naman kung mawalan ng trabaho ang secretary mo. Isa pa mas gamay na niya iyong trabahong iyon keysa sakin. Baka mahirapan ka pa." Nakangiting wika ko.
"I can adjust you kno-" I cut his word at winagayway ang isa kong kamay tanda para ihinto ang sasabihin niya.
"No. CEO extra secretary. That's final." Matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanya.
Again he just let a heavy sighed mukhang wala na rin siyang magagawa dahil desidido na ako sa desisyon ko.
Kinaumagahan, excited naman ako dahil ito na ang first day of work ko. Finally after a years I can now at least live like a normal people. May mabuti din palang maidudulot ang pagpapakasal dahil panigurado hindi ako papayagan nina mama dito at sa bahay lang ulit ako magtatrabaho.
Kinuha ko ang pang formal na damit ko like a office girl. Pagkatapos kong naligo ay sinuklay ko na ang buhok ko. I just put a little bit lip balm para hindi naman halata ang putla ng labi ko. I wear a not so high pointed heels.
Sunod ay lumabas sa walk in closet si Aiden na nag-aayos ngayon ng necktie niya. Wait, sa mga nababasa at napapanood ko yung asawa ang naglalagay ng necktie katulad ng ginagawa ni mommy kay daddy. Should I wear his necktie? Lalabas na sana siya ng kwarto ng bigla akong nagtanong.
"Where are you going?" Napahinto siya sa pagbubukas ng pintuan sa tanong ko.
"Auntie Tess. Papaayos ko lang ang necktie ko." He said habang nakatingin sakin nagtataka sa biglaang tanong ko.
Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ang necktie niya. Sinimulan ko naman itong ayusin.
"I can tie necktie." Ngumiti naman ako pagkatapos kong ayusin iyon.
Tumingin ako sa kanya at seryoso siyang nakatingin sa akin. Na-ilang ako sa sobrang lapit naming dalawa kaya umiwas na ako ng tingin at bahagyang umatras para makaalis sa harap niya.
Pagkatapos naming mag-ayos ay sabay na kaming lumabas ng kwarto. Nadatnan namin ang Auntie Tess niya na inihahanda ang lamesa para sa almusal.
"Good morning. Kumain muna kayo, Matt." Sabay ayos ng mga pagkain sa lamesa.
Aayaw sana ako dahil mukhang late na kami ngunit bigla naman nagsalita si Aiden.
"We should eat first so that you can drink your med." Tumango nalang ako at umupo na sa lamesa. Isa isang dulo naman siya samantalang nasa right side niya ako.
Pagkatapos kumain ay uminom na nga ako ng gamot ko pagkatapos ay inilagay ko na sa bag ko ang mga gamot. Sabay naman kaming bumaba ni Aiden.
"Paano kapag nakita nilang bumaba ako sa kotse mo?" I asked suddenly. Baka first day pa lang kilala na nila kung sino ako.
"Don't worry, may naka reserve na parking lot." Tumango ako. Mabuti na lang pala may special treatment sa kanya, kung hindi ay may makakakita sa amin.
Tahimik lang kami sa biyahe dahil wala naman siyang sasabihin. Ako na ang bumasag sa katahimikan dahil sa curious ko na rin.
"Sino nga pala ang CEO?" I asked suddenly. Humigpit naman ang hawak niya sa manibela and he clenched his jaw.
"Kenneth." Walang emosyong wika niya.
"OMG! Kenneth Suarez?!" Excited na tanong ko. I just can't help it. He's jolly and I think he can be my friend, he's friendly too. And he is my in-law.
"Tss." Masungit na sagot niya.
Hindi ko nalang siya pinansin dahil siguro ganon naman siya palagi? Masungit at parang makikipag-away anytime.
Sa paglipad ng isip ko, hindi ko na namalayan na nasa basement na kami. Una naman siyang bumaba at pinagbuksan niya ako ng pintuan.
"Una kana sa elevator." I said. Umiling siya.
"Hatid na kita. Papakilala kita kay Kenneth bilang extra secretary niya." Mapait na wika nito or ganon lang talaga siya? Pumayag ako sa gusto niya dahil laging siya ang pumapayag sa gusto ko.
Sabay naman kaming pumasok sa elevetor. Until we reached the exact floor na walang nagsasalita sa aming dalawa.
Sinalubong agad siya ng bati ng mga empleyado doon at ako naman ay nasa likod niya. Sinalubong din siya kaagad siguro ng secretary niya dahil may sinabi ito kaagad at tumango lang naman ang seryosong si Aiden.
Nakarating kami kagaad sa isang malaking pintuan na may nakalagay na CEO at sa tabi nito ay isa ding pintuan na may nakalagay na President. Isang babae na naman ang sumalubong sa amin.
"Si Kenneth?" Matikas na tanong ni Aiden.
"Nasa loob po." Sagot ng secretary ni Kenneth siguro.
Binuksan ng sekretarya ang pintuan at pumasok na kami sa loob. Nakita naman namin si Kenneth na nakaupo sa swivel chair niya at seryosong nakatingin sa laptop. Napa-angat naman siya ng tingin sa amin tiyaka lumawak ang ngiti niya.
Tumayo siya para salubungan ako ng yakap. Natawa naman ako sa pinapakita niya. Parang nagkaroon ako ng instant na kapatid dahil kay Kenneth.
"Ayos ka na ba?" He asked with a concerned tone. Lumawak naman ang ngiti ko at tumango.
Tumikhim naman si Aiden na nasa tabi ko. Lumayo naman si Kenneth ng kaunti samin.
"She will be you extra secretary." Paninimula niya at napa "whoah" naman si Kenneth. "Gagamitin niya ang Ramos but Suarez ang nasa ID niya." Wait medyo magulo iyon ha? Hindi namin napag-usapan iyon.
"Magpapakilala siya bilang Ramos?" Kenneth asked. Tumango lang naman si Aiden. "Okay, pwede naman siya dito sa opisina ko mala-" Aiden cut Kenneth words.
"No." Matigas na wika nito samahan mo pa ng tingin niyang hindi mo mawari. "May katabi naman na cubicle yung secretary mo sa labas, nagpagawa ka last week diba? Doon siya sa tabi ng secretary mo." Final na wika ni Aiden.
Natawa lang si Kenneth at tinapik ang balikat ni Aiden. Tumango siya bilang pag sang-ayon sa sinabi ni Aiden.
May napag-usapan pa ang dalawa at sinabi naman sakin ang gagawin ko like arranging Kenneth schedule and to remind him. Kaya pala may exta secretary dahil ang secretary niya ang halos gumagawa sa mga gawain niya. Napailing nalang ako ng marinig ko iyon.
Lumabas naman kami at pinakilala ako ni Kenneth sa secretary niya.
"This is Angel Lae Ramos Su-" Nag stop naman si Kenneth. "Angel Lae Ramos" ulit niya. Tumango naman ang secretary niya.
"Cathy Sotto." Naglahad siya ng kamay at malugod ko naman iyong tinanggap.
"Angel Lae." Ngiting sagot ko habang nakikipag-kamay.
Umupo naman ako sa tabing cubicle ni Cathy at nagsimula na siya sa gagawin niya. Pinasa niya sakin ang schedule ngayon ni Kenneth. Isa lang naman ang schedule niya at mamayang afternoon. Nag vibrate naman ang cellphone ko at nakita kong may text si Aiden.
Matteo Aiden: Just text me if you need something.
Me: Okay.
Talagang Matteo Aiden talaga ang nilagay niya sa contacts ko? Napailing nalang ako at pinalitan iyon ng Aiden lang. Sobrang haba naman kasi pwedeng Aiden nalang.
Sinimulan ko nang basic na pinagawa sakin. Hindi naman mahirap, sabi ni Cathy mas mabuti daw magsimula ako sa madali para hindi ako mahirapan.
Nang lunch time na niyaya naman ako ni Cathy na kumain sa canteen kaya hindi na ako tumanggi. If mangyayari man Cathy will be my first bestfriend except kay Mommy, Daddy at Ate.
Nag-order naman ako ng chicken with rice na may orange juice nadin. Ganon lang din naman ang in-order na meal ni Cathy. Nag vibrate naman ang cellphone ko nang makaupo na kami sa pangdalawahang upuan ni Cathy. Kinuha ko naman ito.
Aiden: Where are you?!
Me: Canteen. Lunch.
Aiden: Who are you with?
Me: Cathy, Kenneth Secretary.
Aiden: Always tell me if you are going somewhere.
Me: Okay.
Hindi ko namalayan na nakatitig pala sakin si Cathy habang nagtetext ako. Ngumiti lang siya sakin ng nang-aasar at parang kinikilig.
"Boyfriend mo?" Ngumiti lang naman ako sa tanong ko. "Buti ka pa may boyfriend na, ako NBSB! Tiyaka wala na yata akong oras maghanap sa dami ng trabahong pinapagawa sakin ni Sir Kenneth!" Reklamo niya mukhang ayaw na ayaw niya kay Kenneth ah.
"Kung may oras lang talaga ako, nako baka matagal na ako nakahanap ng boyfriend." Well maganda naman siya. Ako din naman NBSB 'yon nga lang kasal na.
Maganda si Cathy at mabait. Talagang pagpipilihan siya ng mga lalaki. 3 years lang ang gap namin sa isa't-isa.
"Mahirap ba ang trabaho mo?" Tanong ko naman habang kumakain kami.
"Nako! Parang ako nga ang CEO ng kumpanyang ito. Pasarap lang naman iyang si Kenneth!" Galit na untag niya at nakalimutan pa yata niyang tawaging sir ang boss namin. "Uy huwag mo akong isusumbong ha? Nakakapag-init lang ng dugo iyang lalaking iyan. Tatanda akong matandang dalaga dahil sa kanya." Gigil na sabi niya kaya pati ang kawawang manok ay nadamay.
May mga napag-usapan naman kami na basic information sa buhay namin pero syempre ang ilang information na binigay ko ay ang information ni ate. Nakilala ko naman si Cathy at mabait siya, masaya pang kasama.
Pagkatapos ng lunch namin ay bumalik na kaming dalawa sa cubicle namin. Kaagad ko naman pinaalala kay Kenneth ang meeting niya ng 2 o'clock kaya lumabas na siya para umalis. Sumama naman sakanya si Cathy dahil siya ang secretary niya. Ang ending ako lang mag-isa dito at natapos ko na ang ginagawa ko.
Napatingin ako sa pintuan ng opisina ni Aiden. Pwede kaya akong pumasok? Malamang hindi, normal na empleyado lang ako dito gaya ng gusto ko. Nakita ko ang sekretarya niya na mukhang mataray. Hindi siya kagaya ni Cathy na maiitsura mo na kaagad ang maamo niyang ugali. Nakikita ko rin ang pag-irap niya sa ibang mga empleyado even to me.
Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at nagkalkal nalang sa cellphone ko. Ano bang magagawa ko? Tiningnan ko naman ang ilang files sa computer na gamit ko. I clicked yung tungkol sa kumpanya para mabasa ko naman ang background neto.
Isang oras din akong nagbabasa tungkol sa kumpanya nila Aiden. Hanggang sa oras na ng uwian ko kaya inayos ko na ang mga gamit ko. Nakatanggap naman ako ng text.
Aiden: Sabay tayong uuwi. Hintayin mo ako parking lot.
Hindi na ako nagreply at bumaba na sa parking gaya ng sinabi niya hinintay ko siya mismo sa gilid ng kotse niya. Tumunog ang elevator at niluwa neto si Aiden. Pinagbuksan na niya ako ng pintuan kaya pumasok na ako. Umikot siya para makapasok nad rin. Pinaandar na niya ang kanyang sasakyan.
"How's your first day?" Nagulat naman ako sa tanong niya, akala ko wala siyang pake sa nararamdaman ko kaya lumawak ang ngiti ko.
"Ayos lang!" Masiglang wika ko. "Masaya, kasi parang makakahanap ako ng isang kaibigan si Cathy yung secretary ni Kenneth." Pagkukuwento ko sa kanya. Tumango-tango siya.
Ang sarap sa pakiramdam na may nagtatanong kung kumusta ang araw mo. Noon kasi, madalang lang akong tanungin nina mama since nasa bahay lang ako. Wala naman akong masyadong ikukuwento dahil tulala lang ako sa sala o kaya ay tungkol sa home school.
"Tiyaka wala naman akong masyadong trabaho ngayong araw siguro dahil first day palang naman." Tumango ulit siya.
"Good. It's nice that you are happy."
Ngumiti naman ako sa winika niya. Mabait naman pala itong napangasawa ko.
I thought he would not care about me but hey he is.