Chapter 6

2399 Words
Chapter 6 Fling Isang linggo na rin ang nakalipas magsimula nung magtrabaho ako. Mga light lang ang trabaho ko pero kada oras ay may tintrabaho akong mga papel. "Hay! Bakit ako pa ang gagawa nitong presentation? Hindi ba dapat siya? Siya ang magpe-present nito at siya ang makikinabang!" Reklamo ni Cathy. Oh well. "Pagbutihan mo. May bonus naman diyan." Pagchi-cheer ko nalang sa kanya. Ewan din kasi minsan itong pinsan ni Aiden, kakaiba din ang trip. "Magbabae lang naman siya niyan mamaya. Ba't hindi nalang ito ang gawin niya?" Dagdag pa nito. May tumikhim sa likod namin kaya napabalikwas at napatayo si Cathy. "Sinisiraan mo ba ako rito Ms.Sotto?" Seryosong saad ni Kenneth at nakakunot ang kilay. Suarez na Suarez ang datingan. Parang hindi siya ang nakilala kong Kenneth. Jolly kasi ang Kenneth na nagpakilala sakin. Pero ang Kenneth na nasa harapan ko ay parang Aiden 2.0. "Ah. Eh. Ano po sir." Napakamot naman sa ulo niya si Cathy. "Ay. Sir Kenneth. Nag lunch na po ba kayo? Or should I delivered your food in your office?" Tayo ko nat pilit na ngiti ang pinakita ko. Sakto ng pagkasabi ko non ay lumabas si Aiden sa opisina niya. Napatingin si Kenneth kay Aiden. Nakabusangot lang naman ang mukha ni Aiden. Ano pa nga bang bago? "Okay. Deliver it on my office." Matamis na ngiti ang binigay sakin ni Kenneth. Tumango lang ako. Tumaas ang kilay ni Aiden habang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin at kaagad na nagdial para ma-deliver ang pagkain dito sa taas. Nasa labas pa rin si Aiden at kausap ang sekretarya niya. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. "Nako! Salamat talaga ha?" Pagpapasalamat sakin ni Cathy. Mukhang nakahinga siya ng maluwag dahil sa nangyari. "Ikaw kasi mag rant ka nalang kapag nasa ibang lugar tayo okay?" Payo ko naman sa kanya. "Hindi ko lang talaga mapigilan ang mag rant. Buti talaga napag-aralan ko 'tong mga 'to." Paninimula na naman niya. "Mambabae lang na-" I cut her word at nilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya. "Ssshhh. Baka marinig ka na naman ni sir." Nag pout lang siya at tumango. Naintindihan ko ang pagod niya dahil kulang nalang ay maging kasing-laki namin ang mga ginagawa niyang papel. Maganda naman si Cathy, medyo chinita, tama lang ang tangos ng ilong at mapupula ang labi o dahil lang ito sa lip tint na nilalagay niya? Nevermind, she's still pretty though. Nakita ko ang isang server ng canteen na tulak-tulak ang cart na may lamang tray ng pagkain. Tumayo naman ako at pinuntahan ito. "Ako na po maglalagay, ate." Sabi ko naman sa kanya. Tumango lang naman siya. Itutulak ko na sana ang cart ng bigla na itong tinulak ni Aiden. Walang emosyon sa mukha. Nabigla naman ako sa ginawa niya. "Open the door." Utos niya. Natauhan ako nang magsalita siya. Kaagad kong binuksan ang pintuan at pinasok niya ito. Sumunod lang ako sa kanya pagkatapos kong isara ang pintuan. Padabog niyang nilapag ang plato na may pagkain na nagpatalon sakin sa gulat. "Damn!" Malutong na wika ni Kenneth. Dahilan ng pagtayo niya sa swivel chair. "What did I told you?" Matalim ang tingin ngayon ni Aiden kay Kenneth. "Bawal siyang magpakapagod." Dagdag pa nito. At biglang nag pop sa utak ko na ako ang pinag-uusapan nila. Kaagad naman akong pumagitna sakanila. Baka kasi mag-away pa 'tong dalawang Suarez tingin palang nila nanapak na. "Uy. Aiden, hindi naman ako mapapagod don. Simple lang naman iyon eh." Sagot ko sa kanya, matalim padin ang titig niya kay Kenneth. Tiyaka ako ang nagpresinta kanina. "Bro, I'm not in the mood okay? Did you hear her? Hindi siya mapapagod don. Huwag kang OA." Matalim na tingin din ang iginawad ni Kenneth sa kanya. Mukha talaga siyang wala sa mood dahik hindi siya ang kakilala kong Kenneth na loko-loko. Hinawakan ko sa dibdib si Aiden at tinulak ng paunti-unti kahit na tigas ng dibdib este ng ulo niya. "Let us just all go back to work." Wika ko. Tinulak-tulak ko pa rin si Aiden, tumingin muna ako kay Kenneth at ngumiti bago lumabas. Umupo na siya sa swivel chair niya. Nauna akong naglakad kay Aiden at ako na ang nagbukas ng pintuan, ayaw niya pa sanang umalis ng sinenyasan ko siya. At doon palang siya lumabas sa opisina ni Kenneth. Sinarado ko na ang pintuan at pumunta na sa cubicle ko, katabi si Cathy. "Oh anong nangyari sa loob? Ang dilim ng mukha ni Sir. Matteo ah?" Tanong ni Cathy. Ngumiti naman ako at umiling. "Wala. Sa business ata ang pinag-usapan nila." I said. Hindi ako ganon kagaling kaya sana ay hindi na mapuna ni Cathy iyon. "Wow. Buti hindi babae!" Mapait na wika ni Cathy. Kumunot ang noo ko. Babae? Nagdadala sila ng babae rito? Tiyaka, bakit mapait ata ang pagkakabigkas ni Cathy. "Kilala mo ba sila?" I asked. "Alam mo, may kaya lang ang pamilya ko. Nakapasok ako sa sikat na unibersidad dito sa Pilipinas kasama ang dalawang boss natin. Oo, scholar lang din ako." Panimula niya. "Noon pa man puro babae ang mga kasama ng mga iyan, flavor of the week ika nga nila. Never ko pang nakitang magseryoso ang dalawa. Well except kay Sir Matteo." Napakunot naman ako sa huling sinabi niya. "May sineryoso si Ai- I mean, Sir Matteo?" I askrd. Ngumiti naman siya ng nang-aasar. "Don't tell me tinablan ka sa charm ni Sir Matteo?" Tumatawang wika nito. "Just curious." Because that was the truth. "Yup. Sa pagkakaalam ko meron kaso High School pa iyon. Ewan nga kung seryoso pa iyon kasi diba? High school? Seryosohan na sa love life?" Hindi makapaniwalang wika ni Cathy. Tumango lang naman ako. "Ms. Sotto come to my office now." Napatalon naman ako sa gulat ng marinig sa intercom ang boses ni Kenneth. "Pustahan tayong isang million, may bago nanaman papagawa iyan!" Naiinis na wika ni Cathy at sinamahan pa ng pag-irap. Padabog naman siyang nagmartsa papunta sa pintuan pero nung binuksan na niya ang pintuan ay normal na ang paglalakad nito. Napailing nalang ako sa kaibigan. Tinuon ko naman ang pansin ko sa monitor na nasa harapan ko para mag type ng mga documents, na konektado sa trabaho ko. Twenty minutes ang nakalipas bago nakalabas sa opisina si Cathy at paglabas na paglabas palang niya ay busangot na ang kanyang mukha na may kasama pang pairap-irap. Isama mo na rin ang dala niyang limang folder na makakapal. "I told you." Sabay bagsak ng mga folder sa lamesa niya. "Guess what? Bukas ang deadline! Pagkatapos kinabukasan naman itong presentation niya dahil rereview-hin pa raw niya!" Gigil na sabi ni Cathy at napahawak nalang sa sentido niya. "Kung sanang siya ang gumawa edi sana hindi na niya kailangan pang review-hin. Triggered niya ako!" Padabog naman itong umupo. Inilapit ko naman ang swivel chair ko sa kanya. Dinungaw ko naman ang presentation na ginagawa niya. "Ano bang kailangan dito sa mga folders?" I asked. Wala rin akong ginagawa, secretary niya kaming dalawa kaya maari naman namin 'tong pagtulungan besides magkaibigan na rin kami. "Arrange alphabetically and by year." Sagot naman niya. "Gawin ko na itong tatlong folders." Napaharap naman siya sakin. "Seryoso ka?!" Gulat na tanong niya, tumango naman ako. "Nako! Salamat talaga Angel Lae! Hulog ka talaga ng langit!" Sabay yakap niya sakin, tumatalon-talon pa siya kaya tumunog ang computer chair niya dahil don, nakaupo lang kasi kaming dalawa. Natawa lang ako sa inasal niya. At dahil tapos na akong magtype sa mga documents ko ay sinimulan ko na ang isang folder. Ang kapal, hindi pala biro itong mga 'to. May pagka-gago din pala si Kenneth ano? Ay bad! Nagmura ako, nahawa na ata ako kay Aiden. Nag 5 o'clock na ng hapon hudyat na uwian ko na. Ang kaso nakakalahati ko palang itong pangalawang folder. Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang pagbukas ng pintuan ni Aiden. Napahinto siya at humarap banda namin. Hindi ko naman siya nilingon, nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko. Tumunog ang cellphone ko sa bag. May nagtext. Well, kanina pa naman ako nakatanggap ng text. Aiden: maghihintay na lang ako sa basement. Aiden: What are those files? You look so busy. Don't do that. Let's go home. Me: Kay Cathy ito. Masyado nang madaming pinapagawa sa kanya si Kenneth kaya tinutulungan ko siya. It's okay, hindi naman ako mapapagod ng husto dito. If you want to go first, you may. Aiden: I will wait. Bigla kong naramadaman ang presensiya ni Aiden sa likod ko dahil doon siya dumaan para makapunga sa pantry, siguro ay magtitimpla siya ng kape. May pantry kasi sa gilid ng floor namin para sa mga overtime workers o kaya ay sa mha early birds. Lumabas siya at saktong tapos na ako sa pangalawang folder. Isa nalang. Tama nga ang hinala ko may dala-dala siyang kape. Nilapag naman niya ito sa lamesa ko, namilog naman ang mata ko. s**t. Baka mahalata kami. Umalis na siya sa likod ko at dumeretso sa secretary niya. Tumingin naman ako sa paligid at walang nakakita. Nagpakawala naman ako ng mabigat na hininga. Pinagpatuloy ko na ang paga-arrange sa mga files. Ilang minuto ang lumipas at nag stretch si Cathy at inusog muna palayo sa lamesa niya ang swivel chair. "Hayy buhay. Ang hirap kumita ng pera." Rant naman neto. "Oh? May kape ka pala? Hindi man kita nakitang tumayo diyan ah?" Nagulat ako sa tanong ni Cathy, hindi ko alam na nahalata pala niya. "Ah?" Gulat ko naman, nangangalap pa ako ng mga salita na isasagot ko. "Ano, yung kape ba? Kanina nag-nagtimpla ako. Hindi mo lang siguro napansin." Sinabayan ko naman ng awkward na tawa. White lies. "Sige. Timpla muna rin akong sakin, medyo nagcrave ako." Natatawang wika niya. Ngumiti lang ako sa kanya. Mabuti nalang at naniwala siya sa paliwanag ko. Tumayo na si Cathy para pumunta sa pantry at magtimpla na ng sarili niyang kape. Napa "whoah" naman ako nang nakaalis siya. Habang in-arrange ko ang pang last na folder ko. Nakarinig ako ng tunog ng isang heels na paparating dito. Ang ingay ha? Kailangan pa bang ingayan? Napatingin naman ako sa babaeng maingay ang heels. Lumapit ito kay Aiden at hinalikan ito sa labi, napaiwas agad ako ng tingin. "I miss you, babe." Sabi pa nito pagkatapos ng halik. "Damn." Mura ni Aiden. "What are you doing here?" Wika ni Aiden, lumingon sa banda ko si Aiden at nag-iwas na ulit ako ng tingin. "I miss you. Don't you miss me?" Mapang-akit na wika ng babae. "Let's talk somewhere not here." Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paghawak ni Aiden sa braso ng babae pero nagpumiglas lang naman ang babae. "I want us to talk here." Natatawang wika ng babae. "Why? I am your girlfriend remember?" Sarcastic na wika ng babae. Bumalik si Cathy sa upuan niya habang inom-inom ang kape niya. "Ganyan talaga 'yan. Masanay kana. Maraming darating dito." Sabay higop ng kape niya at binaba na ito sa lamesa niya. Walang pakialam sa babaeng kakarating lang. "Anna, we're done." Matigas na wika ni Aiden. "Oh? Did you forget the hot night we shared?" Mapang-akit pa rin ang tinig niya. Sa tingin ko habang sinasabi niya iyon ay naglalakbay ang kamay niya sa dibdib ni Aiden. Hindi na ako tumingin sa kanila. s**t. Huwag mo na silang tingnan, self. Nagpakawala ng malutong na mura si Aiden. "That's just one night." May diin na wika ni Aiden. "Why? Didn't I satisfied you? You are my first Matteo!" Halos mabali ang leeg ng ibang empleyado ng marinig ang sigaw niyang iyon. Kadiri. Kailangan pabang isigaw iyon? Wala bang respeto ang babaeng ito sa sarili niya? "You know me Anna. I f**k then I leave." Deretsong wika ni Aiden. Isa pa itong lalaking ito mga walang filter ang bibig. Ang daming nakikinig sa kanila. Isang malutong na sampal ang natanggap ni Aiden kaya napalingon ako matapos kong marinig ang malutong na sampal. Ngumisi lang naman si Aiden. "Say sorry. Habang nasa mood pa ako. I am your girlfriend." Napa 'wow' naman ako sa fighting spirit ni ate girl. "You are just a fling. One of my flings." Walang emosyon at deretsong sagot ni Aiden. Umalingawngaw nanaman ang isa pang sampal. Naka dalawa na si Ate, huh. Sabagay pagka-birhen niya ang nawala sa kanya. Umiling nalang ako at pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Hindi ko na alam kung anong susunod na pinag-usapan nila dahil nag-focus nalang ako sa ginagawa ko. Pagkalipas lang ng isa't kalahating oras ay natapos na ako. Binigay ko naman iyon kay Cathy at siya naman ay nagsisimula palang sa last folder. "Salamat ah!" Masayang wika niya. Ngumiti naman ako sa kanya. "No worries! Wala din naman akong ginagawa. At least na feel ko ngayon na nagtatrabaho ako." I laughed. Yinakap pa niya ako tiyaka nagpaalam na ako sa kanya. "Ingat ka! Text mo ako kapag nasa bahay kana." Tiyaka ito kumaway. Kinuha ko naman ang bag ko. "Ikaw din magtext ka after mo diyan at kung nakauwi kana. Huwag ka ng gumala." Pagpapaalala ko naman sakanya. Natawa siya. Ngumiti na ako sa kanya at kumaway ganon din ang ginawa niya. Pinindot ko na ang elevetor papunta sa basement. Hindi ko naman alam kung nasaan ngayon si Aiden o kung nandito pa siya. Hindi bale, alam ko naman kung paano mag commute. Nang bumukas na ang elevator. Nakita ko naman si Aiden na nakatayo sa tabi ng kotse niya. Binuksan naman niya ito, pumasok na ako doon. Gaya noon, umikot siya para makapasok na. In-start na niya ang kotse at umalis na kami. "Akala ko umalis kana." Then I laughed. Well, that's true. "Nope. Why would I? Sinong maghahatid sayo?" He asked. I just shrugged my shoulder. "Sorry kanina." He said at nakatutok pa rin ang mata niya sa dinadaanan namin. "It's okay. Wala naman sakin iyon." I smiled. Totoo, wala sakin iyon. Hindi naman tunay 'tong relasyon namin at hindi ko naman siya mahal. "But you are my wife." Matigas na wika niya. "Just in papers." Ngiti ko. "You are free, huwag kalang magpapahuli kay mommy at daddy." Natatawang wika ko. Nagtiim naman ang bagang niya. May mali ba akong nasabi? He should be happy because I'm not possessive and a jealous wife.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD