Chapter 7 Call Lumipas ang mga araw at ganon lang ulit ang ginagawa ko sa trabaho. Kapag madami o natatambakan si Cathy ay tinutulungan ko siya. Kagaya ngayon ako na ang nagtype ng mga documents na kailangan niyang ipasa mamaya. May ginagawa na naman kasi siyang business proposal. Nang mag-lunch na ay itinigil na muna namin ang ginagawa para makakain din. Kinuha ko muna ang cellphone ko sa bag para makapag text kay Aiden. Me: Punta lang kami sa canteen ni Cathy. We're gonna eat lunch. Hindi na ako naghintay ng reply niya at nilagay ko na ang cellphone ko sa bag ko. Kinuha ko na iyon, sabay na kaming pumunta sa elevator ni Cathy. "Hay. Ang hirap talagang pakisamahan ng Gg nating boss." Bahagya naman akong natawa sa sinabi ni Cathy. Pagbaba namin ay kaagad na kaming um-order. N

