Chapter 14 Date Nang tumahan na ako ay humiwalay na sa yakap ni Auntie Tess. Tumayo na rin siya pagkatapos ng yakapan namin. "Lalabas muna ako bibili ako ng grocery." She said. Pinunasan ko ang mga luha ko tiyaka ngumiti at tumango. Umalis siya kagaya ng sinabi niya. Pumunta ako sa kusina para uminom. Bigla ay may nag doorbell kaya pumunta na ako sa pintuan. Pagkabukas ko ng pintuan, sumalubong sakin si Kenneth at niyakap niya ako ng mahigpit. Natawa ako sa ginawa niya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at hinarap sakanya. "Are you okay?" Naga-alalang tanong niya. Ngumiti ako, this time hindi na peke pero hindi naman ganun kalawak. "Gago talaga ang Suarez na iyon!" Wika niya. Natawa ako sa sinabi niya. Lalo na at gigil na gigil pa siya habang binibigkas niya iyon. "Kung

