Chapter 15 Fell Tahimik ako sa loob ng elevator dahil ako lang din namang mag-isa. Nang tumunog ito hudyat na nasa tamang palapag na ako, lumabas na ako. Nakita ko si Cathy na busy'ng katitigan ang monitor. Umupo ako sa swivel chair ko. Nakita ko ang malantang Cathy, hindi siya katulad nung Cathy na masigla. "Good morning." Bati ko pa rin kahit alam ko na walang maganda sa morning. Ganito ba ang mag bestfriend? Sabay dinadatnan ng problema? "Morning." Tamad na bati niya. "What's wrong? Bakit hindi ka nagparamdam ng ilang araw sakin? At hindi ka man nagpaalam sa bar sakin huh?" Tuloy tuloy na tanong ko. Napahilamos siya sa palad niya. "Not now." Tipid na sagot niya. Tumahimik naman ako. What's wrong with her? Sana pala si Kenneth ang tinanong ko kahapon dahil sila ang huling

