Panlabing isa

1099 Words
Pagkatapos naming linisin ang kwarto niya ay nakatulog ako. Dala na rin ng pagod at kawalan ng tulog ng nagdaang gabi kaya napahimbing ang tulog ko. Marahang haplos sa mukha at halik sa noo ang gumising sakin. Pagdilat koy ang nakangiting mukha niya ang nabungaran ko. Nagtalukbong ulit ako dahil gusto ko pa sanang matulog pero napabalikwas ng maalala kong wala nga pala ako sa boarding house ko. "Kain na tayo, Mahal. Hilamos ka muna, tulo laway ka kanina. Ang baho pa naman." Natatawang sabi niya kaya binato ko sya ng unan. Hinintay niya akong matapos sa paghilamos at pagmumog bago kami bumaba. Nadatnan kong maraming masasarap na pagkain sa mesa kaya kumalam ang sikmura ko. Masayang mukha nila ang nakita ko. "Halika, Phia. Dito ka maupo sa tabi ko." Aya ng nanay niya sa akin. Umangal si Jeric dahil gusto niyang magtabi kami kayat pinandilatan sya ng nanay niya. Natawa nalang ako sa hitsura niyang nakasimangot. Sa huli, wala rin syang nagawa kaya naupo nalang sya sa harap ko katabi ni Kenzie. Napagitnaan ako ng nanay niya at ni Haidee. "Ito si Jeric napakadamot. Ngayon lang naman to dahil di naman kami madalas dito. Sus. Iwanan mo na to Phia. Napaka possessive." Nakangising asar ng nanay niya sa kanya. "Di niya kayang gawin yun. Baliw na baliw yan sakin Ma." Pinagtaasan ko sya ng kilay sa sinabi niya. "Kahit di naman." Sabi ko. "Anong hindi? Iiwanan moko ganun?" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko pero kinunutan ko lang sya ng noo at natawa sa kanya. "Kita mo na Jeric," natatawang sabi ng nanay niya "mukhang ikaw tong baliw na baliw sa kanya kunwari ka pa." "Tsk. Pinagtulungan pa ako." Nagsimula na kaming kumain at panay ang kwentuhan at tawanan sa asaran nilang mag iina. Tahimik lang at pangiti ngiti si Tito Lee dahil di naman niya gaanong naiintindihan ang pinag uusapan ng nasa harap niya. Mukha naman syang masaya kahit siguro puzzle sa kanya ang pinagtatawanan namin. Kinagabihan ay umalis ang nanay niya at ang boyfriend nito. Nagkaayaan daw silang iinom sa labas ng mga kaibigan niya. Ang cool lang ng nanay niya dahil may night life pa rin. Samantalang ako, di ko man lang naranasang mag enjoy masyado sa labas. Napabuntong hinga ako sa negatibong damdamin na umuusbong sa akin. Napansin niya ata ang katahimikan ko kaya niyakap niya ako ng patalikod. "Dito kana lang tumira. Di ko hahayaang mag isa o malungkot ka ulit. Mag eenjoy ka pa dahil palagi kang may gwapong kasama. Mahal na mahal kita. I'm gonna be your family. We will be your family, Mahal ko." Sinserong sabi niya sa akin. Nabasa niya siguro ang isipan ko. Kaya inaya niya ulit akong tumira dun. Hiwaga sa akin ang lahat ng to. Ang pagmamahal niyang banayad kahit pa sa kamaliang nagawa ko rati ay nanatiling mapagpatawad sa kabila ng lahat. Nagkabikig ang lalamunan ko bago unti unting umibis ang mga luha ko. Napahagulhol ako at paharap na niyakap siya. "Mahal kita. Mahal na mahal din kita. Salamat sa lahat kahit ang laki ng naging kasalanan ko sayo." Paputol putol na sabi ko sa kanya sa pagitan ng mga hikbi. Nasanay akong mag isa. Lumaki akong paiba iba ng tirahan dahil nag working student ako para makapagtapos. Konting pagkakamali ay sinasaktan kahit sa kamag anak ako tumira. Bawal ang maglaro, bawal ang gumala, bawal ang mag enjoy kahit konti man lang. Kahit pangbaon ay wala o pang project man lang. Kaya naglayas ako at kung kani kanino nakitira. Tumigil ng ilang taon para magtrabaho at mag ipon. Hanggang sa nakilala ang nagpaaral sa akin sa high school. Mabuti pa sila kahit di ko kamag anak ay pinatunguhan ng maayos kaya lang ay dumaan sila sa hirap. Nagtapos man ng high school ay pahirapan naman sa pagpasok sa college dahil maraming kailangan. Nagpupunta sa computer shop para gumawa ng project at madalas ako ang gumagawa ng project ng iba para magkapera. Wala lang akong naisip nung gumawa ako ng dummy account at napansin niya. Marami akong naging kaibigan dun. Mga totoong tao na nabighani sa picture na inuupload ko. Hanggang sa nakilala ko sya. Di man gaanong nag oonline ay natawag niya naman ang pansin ko ng pick up lines ang ginamit niya. Nung tinanong niya ako kung kabute ba ako dahil bigla bigla nalang daw akong sumusulpot tapos mawawala ng ilang linggo o buwan. Malamang di ko naman talaga account yun kaya di ko gaanong binubuksan. Humingi sya ng number kaya binigay ko na. Panay pa ang group message niya daw kuno pero sa akin lang din naman niya sinesend. Nung una trip trip lang, may trabaho na sya nung sinagot ko sya. Pero nanakaw ang cellphone ko dahil naiwan ko sa computer shop nung tumayo lang ako saglit, pagbalik koy wala na. Nung sinabi ko ang nangyari ay pinadalhan niya agad ako ng pera gamit ang ibang pangalan para pambili ng phone dahil ang sabi niya yun lang daw ang way of communication namin dahil LDR kaming dalawa. Dun ako nakasilip ng pagkakataong manlamang para makapagtapos. Maling mali ang naging paraan ko. Hingi ako ng hingi, bigay naman sya ng bigay. Kapag sya ang humingi, wala akong maibigay kundi pawang palusot at kasinungalingan. Nagpakatanga kahit nagdududa ay pinili niyang maging totoo sa salita niya. Na di sya gagaya sa ama niyang nang iiwan lang bigla. Pinagtapat ko lang ng di ko na kayang saktan at dagdagan ang pasanin niya. Ilang beses akong humingi ng tawad na tinanggap naman niya. Naunawaan ko ang pakikitungo niya nung una. Pero ngayon, tadhana pa ang naglapit sa aming dalawa. Napaka selfless ng pagmamahal niya. Kung bibigyan man ako ng pagkakataong baguhin o ulitin ang lahat, makasarili na at makasalanan kung tawagin pero uulitin ko pa rin ang nagawa ko. Dahil sa kung pagkakamali lang ako magkakaroon ng paraan upang makilala siya at maranasang mahalin niya kahit di man ako ang piliin niya at pagkukunwari lang ang lahat ng to ay pipiliin kong maging makasalanan. "Mahal naman talaga kita. Itong ikaw na to ang minahal ko noon pa man. Nasaktan ako ng malamang di naman pala ikaw yung nasa picture pero mas masakit nung akala kong hindi mo naman talaga ako minahal at mas lalo na pag may kausap kang iba. Di pwede yun, laki na ng gastos ko sayo. D" Tumatawang sabi niya kaya hinampas ko ang dibdib niyang natatawa na rin sa kalokohan niya. "Mahal kita. Tapos ang usapan." Seryosong sabi niya. Pinunasan niya ang mukha kong basa ng luha bago ako hinalikan sa noo at niyakap ng mahigpit. "Mahal kita, Sophia." Ulit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD