Tawa ako ng tawa sa kwento ng nanay ni Jeric noong kabataan niya. Napawi lahat ng kaba at insecurity na naramdaman ko kanina ng papunta pa lang kami. Bagamat kilala ko na sila rati sa kwento niya iba pa rin kapag kaharap na. Nakilala ko rin ang kapatid niyang lalaki at ang asawat anak nito. Maganda, mabait at tahimik lang ang asawa niya.
"Marunong ka bang magluto?" Tanong ng nanay niya sa akin. Maaga kaming pumarito dahil na rin sa kagustuhan ng nanay niya. Napakaganda ng nanay niya kaya di na kataka takang makapag asawa siya ulit kung gugustuhin niya mang pakasalan ang hapon na kasama niya ngayon. Ang tatangkad nilang lahat, nagmukha tuloy akong bata.
"Opo. Ano po bang lulutuin?" Nakangiti kong tanong. Agad namang lumiwanag ang mukha ng nanay niya pagkarinig sa sagot ko.
"Namiss ko kasi mga lutong pinoy. Alam mo ba paano magluto ng pork afritada at adobong manok?" Nakangiting tanong niya.
"Oo naman po."
"Buti naman kasi napagod ako sa biyahe. Namili na kami kaninang madaling araw. Andun na lahat sa ref ang kakailanganin mo." Excited na sabi nito.
"Ma, masarap din naman akong magluto ah. Bakit di ako ang ipaluto mo?" Himig nagtatampong sabi ni Jeric pero nakangisi naman.
"Heh! Puro lang delata alam mong lutuin. Tumahimik ka jan at tulungan mo nalang ang syota mo." Pang aasar ng nanay niya sa kanya.
"Grabe ka sa akin, Ma. May alam na rin naman ako. Saka girlfriend po, Ma hindi syota." Nakasimangot na na sabi nito.
"Ah, basta. Tulungan mo na siya dun at isa pa pareho lang yun."
"Hindi yun pareho, Ma. Yung syota parang laro lang yun kumbaga hindi seryoso." Pangaral pa nito sa nanay nito. Nakangiti lang akong nakinig sa usapan nila. Nakakainggit pag ganito ka ganda ang turingan nila sa isat isa. Para lang silang magbarkada kung magturingan.
Inaya ko nalang syang tulungan na ako at ng makapagsimula na kaming magluto. Nagpatianod lang sya sa akin. Hinayaan ko syang sya ang maghanda sa mga kakailanganin at maghiwa.
Umupo lang sya at nangalumbaba sa mesa habang nagluluto ako. Naging busy na ako sa ginagawa ko ng biglang may magflash. Tiningnan ko sya at nakitang nakangiti syang nagkakalikot sa cellphone niya. Sumulyap sya sa akin at ng makitang nakatingin ay tumikhim lang sya habang kumikislap ang mga mata sa kung ano mang pinagkakaabalahan niya. Di ko nalang sya pinansin at tinapos ang ginagawa ko. Hindi naman sa nagpapasikat ako pero alam ko naman talagang lutuin ang mga to. Namiss ko ring magluto ng ganito dahil naging busy na ako at puro nalang bili sa labas o delata ang ginawa ko.
"Tapos na." Anunsyo ko sa kanya. Agad syang tumayo at tinulungan na akong maghanda sa mesa. Kinurot niya pa ang pisngi ko kaya tinampal ko lang yung kamay niya. Pasipol sipol pa sya papunta sa sala nila at tinawag ang pamilya niya. Medyo malaki ang bahay nila. Di gaya ng sinasabi niya noon. O nirenovate na yata ito. May apat na Excited na umupo ang nanay niya at ang boyfriend nitong si Lee. Nasa forty plus na sila pareho pero mas bata pang tingnan sa totoong edad nila ngayong sa personal ko talaga sila nakikita.
"Ayy, grabe ang sarap naman ng mga luto mo!" Puri ng nanay niya. Binigyan ako ng thumbs up ni Mckenzie at tumatango tango pa sya pati na ang asawa nito.
"I like these. You cook good." Sabi ni Tito Lee. Nginitian ko lang sila at nagpasalamat sa papuri nila.
"Dito kana lang tumira, Phia. Tutal wala naman gaanong tao rito dahil madalas nasa labas. Ayoko rin kumuha ng katulong dahil magiging tamad lalo tong mga anak ko." Biglang sabi ng nanay niya na nagpagulat sakin.
"Ma!" Si Jeric na nakangisi naman. Pinandilatan lang sya ng nanay niya.
"Anong mina ma-ma mo jan ha? Totoong tamad naman talaga kayo. Nakita mo yung kwarto nito Phia? Naku pag nakita mo baka tumakbo ka paalis. Yung mga maduming damit nakalagay lang kung saan saan at-," litanya ng nanay niya na nagpataas ng kilay ko lalo na ng magsalubong na ang mga kilay niya at nakasimangot na.
"Ma! Di naman totoo yan eh. Syempre nagmamadali ako tsaka busy ako. Napromote nga ako di ba? Wala na akong time maglinis." Angal at palusot niya. Pero napangisi rin ng biglang may naisip bigla.
"Magandang ideya nga Ma na dito na lang si Phia para may tagaluto at taga linis na ako." Nakangising sabi nito.
"Gagawin mo lang palang alila Jeric bat di ka kumuha ng katulong?" Tumaas ang boses ng nanay niya na nagpangiwi sa kanila.
"At ikaw Kenzie, naku! Sinasabi ko sayo ha. Umayos ayos kana sa buhay mo may pamilya kana puro ka pa rin barkada." Baling nito kay Kenzie na nananahimik lang sa tabi. Napangiwi ito lalo at tiningnan ng masama si Jeric.
"Kita mo na Kuya, ako na naman tuloy napagbalingan." Nakasimangot sa sabi nito.
"Ikaw na maghugas ng plato Kenzie. Nagbabantay ng bata yang asawa mo. Pagod yan lalo nat sobrang malikot si Mallory." Sabi ng nanay nila ng magsimulang magligpit sa mesa ang asawa niyang si Haidee. Ngumisi si Jeric sa kapatid niya.
"Kami nalang dalawa maglilinis dito Ma. Sina kuya muna bantay kay Mallory." Sabi ni Kenzie.
"Sige ba. Akin na muna ang baby, mukhang di naman sya iyakin eh." Sang ayon ko agad ng makitang aangal pa sana si Jeric.
"Doon muna tayo sa sala." Aya ng nanay nila. Karga karga ko ang baby at nilaro ito ng makitang bumalik ang nanay nila na may bitbit. Inabot nito sa akin ang mga chocolates, pabango at ilan pang mga gamit. Nagpasalamat agad ako sa kanya kahit nakakahiya. Gusto ko pa sanang tumanggi kaya lang sayang ang chocolates.
"Pag isipan mo yung offer ko sayo ha. Dito kana para mapirmi rin to si Jeric dito. Ang laki laki ng bahay ayaw naman tumira ng mga to o ikaw nalang dito at palalayasin ko nalang tong batang to. Para makasave kana rin. Mahal din ang rent ngayon kaya makakapagtipid ka talaga kung didito kana lang." Mahabang sabi nito sa akin.
"Nakakahiya naman po."
"Wag ka ng mahiya. Sooner or later dito ka rin naman titira. Pamilya mo na kami at welcome na welcome ka rito." Nakangiting sabi nito. Napakagat labi ako sa sinabi niya dahil gusto kong maiyak sa sinabi niya. Napasulyap ako kay Jeric na matamang nakatitig sakin bago napakunot noo ng makitang naiiyak ako.
"Pag iisipan ko po. Salamat po sa offer niyo." Sabi ko nalang kalaunan.
Ng matapos sa paglilinis sa kusina sina Kenzie ay kinuha na nila ang bata. Nagpaalam na ring magpapahinga muna ang nanay at boyfriend nito matapos ang mahabang usapan at asaran.
Inaya akong pumunta sa kwarto ni Jeric. Curious din ako sa sinabi ng nanay niya kasi di ako makapaniwalang tamad talaga siya rito samantalang ang sipag niya pag magkasama kaming dalawa.
Pagkapasok ay hindi ako makapaniwala sa kaguluhang nasa harap ko. Natawa ako ng makitang mamula sya sa kahihiyan at napakamot sa ulo.
"Paano ako makakapaglinis eh lagi akong nasa inyo. Hay, naku!" Defensive na sabi niya pero natatawa sa sariling palusot.
"Linisin nalang natin. Para di kana bungangaan ng nanay mo."