Pansiyam

1202 Words
Naging busy na ang mga sumunod na araw para sa kanila. Nalalapit na rin ang uwi ng nanay nito kaya kinakabahan na sya. Hindi niya alam kung matatanggap ba sya nito o kung anong magiging opinyon nito sa kanya. Ngayon lang naging mahalaga ang opinyon ng iba sa relasyon nila para sa kanya. "Wow. Ganda talaga ng performance kapag inspired." Pang aasar ni Joel o Jewel dahil mas gusto niya raw ang pangalang yun. "Balita ko hindi ka malulugi sa kanya." Dagdag pa nito. Nalilitong tiningnan ko sya. "Hindi naman talaga ako lugi sa kanya." Sabi ko sa kanya. Biglang nagtawanan sila at naghiyawan. Mas lalo tuloy akong naguluhan sa kanila. "Tumigil na nga kayo." Natatawang saway ni Jeric sa kanila. "Ano bang pinagsasabi ng mga yun?" Tanong ko sa kanya. "Wala. Wag mo ng pansinin ang mga yan." Nakangising sabi niya. Nagkayayaan kaming pumunta sa bahay ng isang katrabaho namin dahil birthday nito. Pupunta lang ako pero di ako iinom dahil hindi naman talaga ako umiinom. Hawak niya palagi ang kamay ko at palagi lang syang nakadikit sa akin na parang linta. Hindi ko alam na sobrang clingy nya pero hindi naman sa paraang nakakasakal na. Nginitian nya akonng mahuli ko na naman syang nakatingin sa akin. Inipit nya sa likod ng tenga ko ang ilang takas na buhok. Nginitian ko sya pabalik bago umabrisete sa kanya na first time kung ginawa dahil nahihiya pa ako nung una. Nagulat man ay hinayaan nya lang ako. Parang bata, naisip ko. "Ganito pala mainlove si Jeric. Dapat matagal ka ng pumunta rito Phia. Kung alam lang namin na ganito pala kabaliw to sayo, baka kami pa ang umayos sa gusot niyong dalawa noon." Sabi ni Renz. "Baka di mo alam na mas baliw yan sa akin. Ilang taon kaya akong hinintay niyan para ligawan." Umirap lang ako sa sinabi niya kaya natatawang pinisil nya ang ilong ko. "Tama na nga yang pang iinggit niyo. Tama na! Baka mainggit pa akot agawin ko si Jeric." Si Jewel na umabrisete rin kay Jeric. Panay naman ang ilag nito sa kanya. Hinayaan ko lang silang mag asaran sa daan. "Swerte mo." Sabi ni Jean na isa rin sa mga naging kaibigan ko. Bat ba lahat sila sinasabing swerte ako sa mokong na to? "Sobrang swerte." Sabi ko habang tumatango. Nakarating na kami sa bahay nina Renz at nagsimula na kaming magkasiyahan. Naparami ang kain ko dahil panay ang dagdag niya sa pagkain ko. Alam niya sigurong gutom na ako. Nagvivideoke na ng kunin nya ang mic at pumili ng kanta. Tumingin ako sa kanya ng pumainlang ang kanta ni Ed Sheeran. Nagsimula silang maghiyawan ng tumikhim sya. "Para sa babaeng pakakasalan ko." Mas lumakas pa ang hiyawan sa sinabi niya. Naiiyak ako sa saya pero pinigilan ko, baka magmukha akong tanga at maisip niya bigla na di naman kami talaga bagay. Maganda ang timbre ng boses niya at magaling rin syang kumanta. "Grabe si Jeric pumorma." Kilig na kilig na sabi ni Jewel. "Ganyan ba talaga yan?" "Kahit noon pa. Kinakantahan niya ako pag matutulog na ako. Binabati sa umaga at sa gabi. Nagpapaalam sa gagawin niya. Hindi niya ako hinahayaang matulog na magkaaway kami at pinapaalala niya sa akin palagi na ako ay para lang sa kanya." Sabi ko sa kanila. Kahit n'ong di niya pa alam ang totoo, totoo na sya sa akin, sa loob ko na biglang nalungkot ng maalala ko ang kasalanan ko sa kanya. Sinayang ko sya noon kaya hindi ko hahayaang masayang ang anumang meron sa amin ngayon. Nagtilian ang iba sa sinabi ko. Kunot noo syang tumingin sa akin habang kumakanta. Umiling ako sa kanya at binigyan sya ng thumbs up. Medyo tinamaan na si Jeric dahil sinalo niya ang inumin na para sa akin dahil alam niya kung gaano ko ka hindi gusto ang amoy nito. Inaya ko na syang umuwi ng makitang pulang pula na ang mukha niya. Tinawanan niya lang ako ng sinabi kong lasing na sya pero nagpatianod parin naman at isa pa, inaantok na ako. Nagtawag sila ng taxi para sa amin . Ayaw pa nilang umuwi dahil nagkakasiyahan pa sila. Inakay ko sya ng makarating na kami sa inuupahang kwarto ko. Sumuka na sya ng nasa pinto pa lang. "Sorry, Mahal." Hinging paumanhin niya ng makapasok kami sa loob. Tumango lang ako sa kanya at pinahiga na sya. Pinunasan ko sya at pinalitan ng damit. Ilang beses ko naman na syang nakitang walang damit maliban sa boxers niya kaya nasanay na ako. Nakatulog na sya habang nilinisan ko ang mga kalat pati na rin ang sinuka niya sa labas. Mabait naman yung landlady kaya hindi na ako kinabahan ng makita niya ako. Hindi ko makuha kung anong nakakatawa sa hitsura ko ng tinawanan niya ako habang umiiling ilingpa. Nagbabayad din naman si Jeric ng upa niya. Humiga ako sa tabi niya. Nakapikit na ako ng marinig na magring ang cellphone niya at sa messenger pa. Kinabahan ako ng makitang nanay niya ang tumatawag. Sinubukan ko syang gisingin pero umungol lang sya. Pantatlong tawag ng magdesisyon akong sagutin yun. "Hello, Jeric bat ang tagal mo namang sagutin ang tawag ko? Hindi ka pa nagrereply." Bungad ng nanay niya sa kabilang linya. "M-magandang hapon po. Ahh, tulog po si Jeric." Sagot ko at panay kalabog ng dibdib ko. Lord, tabang, piping dalangin ko. "Ayy, magandang hapon din. Girlfriend niya ba to?" Sabi ng nanay niya na parang excited. "Uhm, opo. Lasing po kasi sya kaya ang hirap pong gisingin." Sabi ko sa kanya. "Pikutin mo na sya." "Po?!" Napalakas ang boses ko kaya tumawa sya. "Joke lang. Anong pangalan mo?" Tatawa tawang tanong nito. Napakunot ang noo ko. National Laughter's Day ba ngayon? Tanong ko sa isip. "Sophia po." "Ahh, Sophia bat di mo i on ang camera para makita kita?" Kinabahan ako sa hiling niya pero inion ko rin naman. Tipid akong ngumiti sa kanya. "Hello, po ulit." Bati ko. Nagulat ako ng maraming mukha ang nakiusosyo kaya sumigaw ang nanay nito at pinapaalis sila. "Hello, Sophia. Ang cute mo naman." Bola ng nanay niya na nagpangiwi sa akin. "Thank you po. Kayo po ang ganda niyo po para lang kayong magkapatid ni Jeric. " Bola ko rin sa kanya, para namang di ko alam paano gawin yun. "Ayy. Narinig niyo yun? Salamat Sophia! Punta ka rito bukas ha?" Aya niya pa sa akin. Parang tuwang tuwa naman sya sa sinabi ko. Nanlaki ang mga mata ko ng maalala na uwi niya pala ngayong Sabado pero hindi man lang sya nasundo ni Jeric. "Opo. Pasensya na po kung hindi po kayo nasundo ng anak niyo." Sabi ko sa kanya. Maganda ang nanay niya. Mas maganda pa nga yata sa akin dahil ang bata pa nitong tingnan. How to be you po? Tumawa lang sya. Marami pa syang tinanong at pina picturan niya pa sa akin si Jeric habang natutulog. Maya maya ay nagpaalam na sya kaya nakahinga ako ng maluwag. Kinabahan ako at naging problemado. Wala akong damit at anong dadalhin ko sa kanila bukas. Paano ba mamanhikan? Natawa ako sa naisip. Humiga ako sa tabi niya na tulog na tulog pa rin kahit heto ako at problemado na agad para sa kaganapan bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD