Panwalo

1085 Words
Napairap sya ng tuwang tuwa itong naupo sa tabi niya. Sya na yung bumitbit sa mga pagkain. Napilit sya nitong horror movie ang panoorin nilang dalawa. Hindi sa natatakot sya pero hindi niya gusto yung nakakadiring eksena. Seryoso itong nanonood ng masulyapan niya. Napangiti sya ng maalalang isa ito sa mga gusto nitong gawin kahit dati pa. Nag concentrate sya sa pinapanood at nag enjoy na rin kalaunan dahil hindi gaanong madugo ang mga eksena. Napatawa sya marinig niyang pati ito ay napahiyaw ng biglang lumabas ang killer. Baklang to. Nilingon sya nito at ng makitang nakatingin sya ay tumikhim ito at umupo ng matuwid. "Hindi naman nakakatakot. Ano ba namang palabas yun." Natawa sya sa komento nito ng maalala ang naging reaksyon nito kanina sa loob. Sinimangutan lang sya nito at hinila na sya. Pilit nyang hinihila ang kamay niya rito pero humigpit lang ang hawak nito. Pinagtinginan sila ng ilan at ayaw niya sa ganoon. Ayaw niya sa atensyon na nakukuha niya. Alam naman niyang nakatingin ang mga ito dahil sa para syang batang hinihila nito. Sa tangkad ba naman nito. Mapagkakamalan talaga syang bata. "Kain tayo, nagugutom na ako." Sabi nito habang papasok sila sa isang kainan. Hinayaan niya lang itong pumili ng kakainin nila dahil hindi naman sya mapili sa pagkain. Panay ang kwento nito sa kanya. Sabi nila tahimik lang daw itong tao pero parang hindi halata dahil sobrang daldal nito. Masaya rin itong kausap dahil natatawa sya sa kakapalan nito sa pagsasabing gwapo ito mayat maya. Sanay naman sya sa ugaling meron ito dati pa at sa mga hirit nito. Naninibago lang sya ngayon dahil kaharap niya na itong nakakausap. Hindi tulad noon na panay lang sa cellphone at halos lahat ng sinasabi niya rito ay panay kasinungalingan. Masaya siyang nagkakamabutihan na sila ngayon at nagsisimula ng panibago. Humikab sya kaya nag aya na itong umuwi na sila. "Uuwi kana ba?" Tanong ko sa kanya habang nasa taxi kami pauwi. "Hindi. Bukas na ako uuwi. Magsasawa kana muna sa poging ito." Nakataas baba ang kilay na sabi nito. "Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" "Sinong maghahanap sa akin dun?" Balik na tanong niya. "Gagawin lang nila akong alila dun. Tamad tamad ng mga yun." Nakasimangot na sabi pa nito. Nang makauwi na kami at pagkatapos maglinis ng katawan ay humiga na sya sa kama. Habang ito ay panay kalikot sa cellphone nito. Hindi niya ito inuusisa sa mga kinakausap nito dahil wala naman syang karapatan at mas lalong wala syang pakialam. Bigla syang napabangon ng humiga ito sa tabi niya. Tinulak tulak niya ito ngunit para itong bakal. Tinatawanan lang sya nito. "Hoy, dun ka!" "Hoy ka rin. Saglit lang naman mahal. Sumasakit na yung likod ko dun." Daing nito sa kanya. Naawa naman sya kaya hinayaan nya nalang ito. "Gusto mo bang magpamasahe?" Tanong ko sa kanya. Nakangising dumilat sya sabay hubad ng T-shirt niyang may pataas baba pa ng kilay. "Gustong gusto ko yang offer mo. Beke nemen." "Nababading kana naman." Tumawa lang sya sa sinabi ko. Sinimulan ko syang masahein sa likod. "Ano ba yang posisyon mo? Patong ka sa akin para di ka mahirapan." Natatawang sabi niya. Tinampal ko lang sya sa ulo niya. Kung ano anong naiisip niya baka mapatulan ko pa. Ilang saglit lang ay narinig ko na ang mahina niyang hilik. Tiningnan ko sya at nakitang payapa na syang natutulog. Dinampi ko ng marahan ang kamay ko sa pisngi niya at hinaplos bago piping pinagdasal na sana totoo nato at magtagal ng panghabang buhay. Kinabukasan ay umuwi sya sa kanila pero bumalik din ng bandang hapon na para sabay na raw kaming pumasok. Pinagtitinginan kami dahil sabay kaming pumasok. Hinayaan ko lang sila dahil di naman importante ang opinyon ng iba sa kung ano man ang meron sa aming dalawa. Ang mahalaga ay wala kaming tinatapakan at masaya kaming dalawa. "Gusto ka raw makilala ni Mama." Sabi niya bigla habang kumakain kami. Napatulala ako sa sinabi niya at kinabahan. Di ako handa sa ganung bagay. Lalo nat nakakahiya ako. "Nakauwi na ba sya?" "Sa Sabado dating nila. Timing yun. Papakilala kita sa Linggo." Natahimik ako at nag iisip ng maaaring palusot. "Di naman niya alam yung nangyari noon. Well, may alam syang konti pero di naman niya alam na ikaw yun. Wag kang mag alala." Sabi niya ng nakitang tahimik ako. "Ayaw mo ba?" Kulit niya. "Hindi naman sa ganun pero natatakot ako." "Mabait naman yun si Mama kahit na may pagka armalite yung bibig nun." Biro niya. Alam ko namang mabait yung nanay niya. Alam ko rin na totoo yung sinasabi niya dahil nabasa ko yung mga chat ng nanay niya sa kanya rati. Natatakot ako at nagiguilty. "Pero tayo na ba?" Tanong ko sa kanyang nagtataka sa pangyayari. Tiningnan niya ako habang nakakunot ang noo bago napangisi. "Di mo pa alam na tayo na? Umoo kaman o humindi, tayo na. Wala kang no choice." Sabi niya habang natatawa. Napangiting napapailing ako sa kanya. "Oo na nga lang." Nanlaki bigla ang mga mata niya bago umawang ang bibig sa pagkabigla. Sinubuan ko sya ng mangga at natawa ng umasin ang hitsura niya. "Damn. Hindi ka talaga mapapahindi sa mukhang to." Sayang saya na sabi niya. Naging mas maganda naman ang performance naming dalawa. Motivated ata ako sa trabaho at ganun din siya. May offer sa aking promotion dahil sa performance ko. Hindi ko pa nasabi sa kanya at balak kong sa Sabado na sabihin. Ayos lang naman ang mga tao sa paligid namin maliban sa iilang inggit lalo na kay Andrea. Hindi ko alam kung anong problema niya sa akin pero ayoko na ring alamin. Ang inggit pumikit. Dumaan kami sa Jollibee at nagtake out nalang ng pang agahan bago umuwi. "May balita ako." Sabi ko sa kanya habang kumakain kami. "Ako rin. Pero mauna ka muna." "Mapopromote ako." Nanlaki ang singkit niyang mga mata bago yumakap sa akin, para siguro makatsansing. "Ako rin eh. Promoted. Di naman siguro pwedeng maungusan mo ang poging to." Tumabi sya sa akin ng matapos kaming kumain bago ako inakbayan. "Sikip sikip eh. Usog ka dun." Sabi ko sa kanya pero lalo lang syang sumiksik sa akin at binaon ang mukha sa leeg ko. Nakiliti ako sa ginawa niya kaya tumayo ako. Di maintindihan ang sarili. Tumawa sya sa reaksyon ko. "Masaya ako." Sabi niya. "Ako rin, Mahal." Sabi ko sa kanya, at sa pang ilang ulit na sa araw nato na nanlaki ang mga mata niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Sana ganito palagi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD