Nakabusangot pa rin ang mukha nya habang natatawa naman ako sa kanya. Di ako pumayag sa mungkahi nya kaya heto sya at nagmamaktol. Ang dami dami nya ng sinabi at pinakiusap paralang mapapayag ako pero pinauwi ko pa rin sya. Hindi ko gusto ang ganun. Gustong gusto ko ang personal space ko at ayokong may nag iinvade nun. I love my privacy so much that I wont trade it for anything senseless. Wala kasing sense ang paliwanag nya at ganun din sya minsan. Nagtatakang pinagtitinginan kami ng mga kasamahan namin habang kumakain kami. May kasalo kami sa table na mga naging kaibigan din naman namin kahit papano.
"Kayo na ba? Phia at Jeric?" Tanong ni Sir Patrick, sa kabilang team sya.
"Hindi."
"Nagkabalikan na kami."
Sabay pa naming sagot. Napapansin kong inis pa rin sya pero di ko pinansin ang pagmamaktol nya. Parang bata.
"Nagkabalikan?!"
Sabay pa nilang bulalas. Anim kami sa mesa at gulat na gulat sila sa narinig.
Mukha ba talagang imposibleng pumatol sya sa akin?
Natawa nalang ako sa naisip at napailing. Bat pa kailangan nyang ipagsabi yun? Naglingunan ang ibang nakarinig kaya napayuko ako habang sya ay mayabang silang tiningnan.
"Naglalakad kasi ako nun at tinutukan nya ako ng patalim. Syempre mahal ko ang buhay ko kaya napilitan akong sagutin sya." Nakangising sagot nito habang pinandidilatan ko sya at iniumang ang kamao ko sa kanya bilang banta pero wala lang sa kanya. Nagtawanan sila sa sinabi nya at kahit nahihiya ay nakitawa na rin ako.
"Kaya pala nung una para kayong mga may sira sa kakaiwas sa isat isa. At ikaw naman Jeric, kaya pala mainit ulo mo kasi iniwanan ka kaya ka galit pa rin sa kanya. Sus, naggagalit galitan kahit gustong gusto naman." Si Sir Patrick ulit na tinutukso sya.
"Para paraan yun para mapansin. Strategy ba. Ang hina nyo naman." Nakatawang sagot niya rito. Nangingiti si Miah at Jess sa akin. Gusto ko si Miah kasi tahimik lamg sya at ganun din si Jess kahit na bakla sya ay pormal siya. Siya nga yata ang pinakapormal kong bakla na nakilala. Yung karamihan kasi sa kakilala ko ay magugulo at maiingay.
"Paano mo ginayuma Phia?" Nakakalokong tanong ni Andrea nung nakasabay ko sya sa comfort room. Tiningnan ko sya sa salamin at ngumisi ng nakakaasar sa kanya. Ayoko sa lahat yung pinoprovoke yung kamalditahan ko pero pinigilan ko ang sarili kong sagutin at patulan pa sya. Bahala syang mag isip.
Hindi pa man kami sa personal pero ang dami ng hadlang. Hindi naman sa hindi ko sya sasagutin kasi gusto ko talaga sya para sa sarili ko pero parang ang hirap nyang abutin lalo pa at alam kong mahirap syang abutin.
"Yung nanay mo kamusta?" Tanong ko sa kanya habang papatulog na kaming dalawa. Hinayaan nya na akong sa higaan ko matulog at sya sa sahig. Sabado kaya dun ulit sya natulog. Hinayaan ko nalang sya sa gusto nya dahil hindi ko rin naman sya mapipilit basta ba ay hindi nya ipipilit yung pagtira nya rin rito.
"Ayun, mana pa rin sya sa akin. Maganda pa rin tsaka uuwi daw sila rito ng boyfriend niyang Hapon."
"Magtatagal ba sila rito?"
"Hindi. May trabaho pa sila roon kaya isang linggo lang yata sila rito."
"Hmm. Si Mac, kamusta?"
"Wag mo na syang pangarapin. May anak na yun." Nakatawang sagot niya.
"Ano nga?" Naiirita ko ng tanong sa kanya.
"May anak na nga sya. Tapos yung asawa niya hindi marunong sa bahay kaya panay reklamo ni Mama. Kaya heto ako para matuto sila dun."
"So in short, tumakas ka dun?"
"Hindi rin. Pero parang ganun na nga." Natatawang sabi niya.
"Ano nga? Bat kaba nandito eh malaki naman yung bahay niyo tsaka kayong tatlo lang dun pang apat na yung baby nila." Nagtataka kong tanong sa kanya.
Nasa abroad yung nanay niya at dalawa lang silang magkapatid. Yung tatay naman nila ay iniwan na sila at nag asawa ng iba. Kaya hindi nya ako maiwan noon dahil ayaw nya raw maramdaman ko yung naramdaman niya nung iniwan sila ng tatay niya habang hirap na hirap sila, at nung umalis papuntang ibang bansa yung nanay nila para matustusan yung pangangailangan nilang magkapatid. Tumira sila sa Tito nilang pulis na sobrang istrikto at sinasaktan sila king nagkakamali sila kahit na maliit na bagay lang. Hindi sila mayaman pero nakapagpundar naman na sila. Kaya nakaka angat na sila ngayon dahil na rin sa sipag ng nanay nila at pagsusumikap na mataguyod sila. Swerte niya at may nanay sila. Ginamit ko yun sa advantage ko para magtagal kami.
"Binabawi ko lang yung mga panahon na magkasama dapat tayong dalawa." Saad niya.
Napahinga ako ng malalim nang naalala na naman yung kalokohan ko.
"Good night." Nagpaalam na akong matutulog sa kanya dahil di ko na gusto ang daloy ng utak ko. Hinihila na naman ako sa nakaraan at sa mga bagay na kinaiinggitan ko.
"Good night din..." hindi ko na narinig masyado ang sinabi niya dahil inantok na ako. Nakatulog ako ng mahimbing at nagising sa amoy ng mga pagkain. Pagdilat koy nakita ko syang nakatayo sa may paanan habang abala sa cellphone niya. Nag angat sya ng tingin sa akin at ngumiti. Napatalukbong ulit ako sa kumot at kinapa ang mukha ko para matanggal ang dumi bago bumangon habang sinusuklay gamit ang mga daliri ko yung buhok ko. Nagmumug ako bago humarap sa kanya at tiningnan yung mga pagkain na nasa mesa. Kumalam bigla ang sikmura ko sa nakitang nakahain. Sinigang na hipon, barbecue at may pa cassava cake pa sya.
"Umorder ako ng pagkain natin. Nagutom kasi ako kanina kaya nauna akong bumangon. Kain na tayo." Nakangiting aya niya bago ako pinaghila ng upuan.
Bago pa ako makasubo ay may inilabas syang tatlong rosas at inabot sa akin. Napatitig ako sa mukha niya at piping hiniling na sana totoo lahat ng to. Tinanggap ko ang mga rosas at tumikhim.
"Salamat." Tanging nasabi ko dahil sa kabang naramdaman. Parang hinahalukay ang sikmura ko sa kilig. Tumango sya ng nakangiti at nagsimula ng kumain.
"Kinilig ka na naman no? Ang pogi ko kasi." Nakangisi nyang sabi bago ako kinindatan. Nangingiting napailing nalang ako sa kanya.
"Labas tayo?" Aya niya.
Saglit akong natigilan sa kanya dahil naalala ko yung nangyari. Napansin niya yata yun kaya bigla syang nagpanic at tumabi sa akin.
"Dont worry. Hindi ko na gagawin ulit yun." May halong takot na suyo niya. Nginitian ko lang sya dahil hindi niya lang naman kasalanan ang naalala ko, pati na rin yung sa akin.
"Oo na. Nababagot na rin naman ako."
Lumaki ang ngiti niya bago ako mabilis na hinalikan sa labi at nagpatuloy sa pagkain. Habang ako natulala sa ginawa niya.
It was a brief kiss but it was my first kiss.