Tatlong araw akong umabsent at panay ang tawag niya hindi dahil concern sya pero dahil alam kong parte yun ng trabaho niya. Mananagot sya ng dahil sa akin. Kumuha ako ng medical certificate bago pumasok ng Biyernes ng gabi. Tahimik lang ako habang pinapasa ko iyon at nagpaliwanag sa naging sitwasyon ko sa kanya. Nagtataka nya akong tiningnan pero di na nagtanong pa.
"Pinaasa lang yata."
"Baka nag away."
Narinig kong comment ng iba pero bahala sila sa buhay nila dahil wala akong paki. They could gossip about me all day long but I'll still live.
Umupo si Miguel sa harap ko at si Andrea. Tiningnan ko silang dalawa at ganun din naman sila sa akin.
"Parang may mali." Sabi ni Andrea habang kumakain kami.
"May problema ba Sophia?" Concern na tanong sa akin ni Miguel. Nginitian ko sya at umiling.
"May problema ba kayo ni TL?" Tanong ni Andrea. Alam kong nakikitsismis lang sya pero sinagot ko pa rin sya ng iling.
"Bugnutin kasi nung nakaraan. Di na rin ngumingiti at di na mabiro ulit. Nag away ba kayo?"
Umiling na naman ako. Nagtaka man ako sa sinabi ni Andrea pero di na ako na komento pa. Ayokong humaba ang usapan at mapatanong pa ako ng tungkol sa kanya.
Magkatabi na naman kami sa bus. Pero tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Binilang ko lahat ng sasakyan na kaya kong bilangin na nadadaanan namin. Alam kong nakatingin sya sa gawi ko dahil nakikita ko kahit papano ang repleksyon niya sa salamin. Nasa gawi ko ang mukha niya. O assuming na naman ba ako at nagbibilang lang din sya ng sasakyan? Balik na naman kami sa dati. Dating balewala.
Bumaba na ako ng bus ng mapansin kong nakababa rin sya. Tiningnan ko sya ng nakakunot noo at nagtaas ng isang kilay sa kanya bilang pagtatanong.
Isa pang sakit Jeric baka tanggapin ko na ang alok sa akin.
"Mag usap tayo."
"Wala naman tayong pag uusapan pa."
Tumalikod ako at mabilis na naglakad ng makarating ako sa inuupahan ko ay agad kong sinarado ang pinto. Pero ilang saglit lang ay narinig ko ang mahihinang katok. Bumilis lalo ang t***k ng puso ko. Hindi ko na sana papansinin yun pero palakas ng palakas kaya binuksan ko nalang. Nabungaran ko ang galit niyang mukha bago walang paalam na pumasok at nilibot ang tingin niya sa paligid. Pakiramdam ko ay magkakasakit na naman ako.
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin para makaalis kana."
"Bat dito ka umuupa? Walang proper ventilation at ang sikip."
Anong pakialam nito?
"Ano bang sasabihin mo?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Kinabahan ako ng sinirado niya ang pinto. Hindi naman bawal ang bisita dito pero bawal tong nararamdaman ko.
"Dito muna ako." Napamata ako sa sinabi niya at napaawang ang labi ko.
"Hindi pwede! Nahihibang ka na ba?"
"Hindi ko rin naman gusto rito pero aalis lang ako kung kukuha ka ng mas safe na kwarto at mas safe na lugar. Day off naman natin. Tulungan kitang maghanap bukas o di kaya ay mamaya."
Baliw na ba to?
Tiningnan ko sya ng masama. Tumawa lang sya at umupo bago tinanggal ang sapatos niya. Talagang dinumihan niya pa ang sahig. Nanggigil ko syang nilapitan at tumayo sa harap niya pero bigla ring natigilan ng tumayo rin ito at seryosong tiningnan ang mukha ko. Napaatras ako at hinayaan niya lang ako.
"I'm sorry."
Mahina niyang sabi. Tiningnan ko sya sa mukha. Hanggang dibdib niya lang ako pero hindi naman ako natatakot sa kanya. Mas natatakot akong masaktan. Huminga ako ng malalim bago tumango bago umiwas ng tingin.
"Gusto kong gumanti para malaman mo kung ano yung naramdaman ko ng maranasan ko yun ng ilang beses. Alam kong nagsisisi kana pero nagagalit pa rin ako pag naaalala ko yun. Sorry, alam kong mali." Mababa ang tono nya at ramdam ko naman na sinsero sya sinabi niya. Tiningnan ko sya at tumango. Ngumiti sya sa akin at lumapit. Kumabog lalo ang dibdib ko ng kinuha nya ang mga kamay ko at hinawakan ng mahigpit.
"Magsimula tayo ulit. Sa tama at sana totoo kana." Seryoso nyang sabi.
Tumango ako sa kanya at niyaya syang kumain. Binitiwan niya ang mga kamay ko naupo ulit na nakangiti.
"Wag mo ng uulitin yun."
"Oo, sorry ulit sa nagawa ko noon sayo." Sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo niya at umiling.
"Hindi yun. Wag mo ng uliting di nagpapaalam. Mabaliw baliw ako sa kaiisip at konsensya. Wala akong matanungan dahil wala ka namang masyadong kaibigan doon. Ayoko namang magtanong lalo na kay Miguel. Ang panget nun." Nakangisi nyang sinabi sa akin. Napailing nalang din ako sa kanya bago tumango ulit.
"Nasan na yung kapatid mo ngayon?" Tanong nya habang kumakain kami. Corned beef lang ang nakaya kong lutuin dahil pagod na ako. Ayos lang din naman daw sa kanya kaya bahala sya. Pinagtimpla ko nalang din sya ng gatas.
"Nasa America daw yun. Hindi ko sigurado."
Malungkot niya akong tiningnan. Siguro naaawa ang impakto.
"Anong oras ka ba uuwi?" Tanong ko sa kanya ng matapos na kaming kumain at nakahugas na ako ng pinggan ay nandun pa rin sya.
"Dito ako matutulog. Pagod na akong bumyahe."
Napanganga ako sa sinabi niya. Baliw na nga yata ang isang to.
Napahikab sya at nangalumbaba sa mesa. Bigla akong naawa sa kanya kaya kumuha nalang ako ng dalawang kumot bago nilatag sa sahig ang isa para gawing higaan niya. Kinuha ko ang isang unan ko at nilagay doon. Liningon ko sya at nakitang namumungay na ang mga mata nya sa antok.
"Dito kana humiga."
Tumayo sya at diretsong humiga. Pero hindi sa nilatag ko kundi sa kama! Ang baliwng to sa sahig pa yata ako gustong pahigain.
"Hoy! Dito ka sa sahig."
"Ayoko dyan. Dito lang ako." Binaon niya ang mukha niya sa unan ko. Namula ang mukha ko sa ginawa niya.
"Ang baho ng laway mo mahal." Nakatawa nyang sabi. Binato ko sa kanya ang unang hinanda ko sa kanya pero tumawa lang sya lalo.
Wala akong nagawa sa nangyari kaya ako na lang ang nag adjust. Matagal bago ako nakatulog at gabing gabi na ng magising ako dahil sa katok. Naalimpungatan ako sa katok kaya matagal bago ako bumangon. Binuksan ko ang pinto at tuloy tuloy syang pumasok sa loob bago nilapag ang mga bitbit sa mesa. Nakabihis na sya at may dala pang bag.
"Dito muna ako dahil pinalayas ako sa amin." Nakakaloko nyang sabi. Para akong mabaliw baliw sa takbo ng utak niya.
"Pero ako ang magbabayad sa rent ko. Alam mo na yamanin si papa."
Sa sobrang gulat ko sa mga sinabi niya ay wala akong nasabi.