Pagkapasok ko sa loob ng maliit na kwartong inuupahan koy nagpalit agad ako ng damit pagkatapos maglinis ng katawan. Napabuntung hinga na lamang ako ng maalala ang nangyari kanina.
Si Jeric Gonzalez. Napangiti ako ng mapakla. Kasalanan ko rin naman kung bakit ganun nalang katindi ang galit niya.
Matangkad sya at tama lamang ang lapad at laki ng katawan niya. Singkit ang mga mata ngunit makapal ang kilay niya, matangos ang ilong, at may manipis na labi. Bagay sa perpektong hugis ng mukha niya. Moreno sya ngunit bagay sa kanya. May pagkasuplado ang dating niya pero alam kong napakabuti niyang tao. Nasaksihan niya yun ng maraming beses. Kaya nga naloko niya ito ng maraming beses hindi ba? Maraming nagkakagusto sa kanyang babae at kahit na bakla.
At ako? Ano lang ba ako? Alikabok lang sa mundo. Sino lang ba ako? Si Sophia San Pedro na walang pakinabang sa mundo.
Maliit lang ako sa height kong 5 feet. Na kahit nakatayo ay mukha pa ring nakaupo. May medyo malaking mata, maliit na ilong pero hindi naman pango, mga labing halos hugis puso. Ang sabi nilay bagay lang naman ang hitsura ko sa hugis ng mukha ko na maliit. Maputi ako. Lahat sa akin maliit maliban sa mata ko na lagi daw mukhang galit kung makatingin. Cute naman daw ako, parang tuta lang.
Pero ang gusto niya yung maganda. Kaya nga hindi talaga kami bagay na dalawa.
Napahugot ulit ako ng malalim na hininga. Wala naman akong pasok mamaya dahil day-off ko ng Sabado at Linggo kaya hindi na ako nag abalang magpa alarm bago tuluyang natulog.
Nang magising ako ay hapon na. Halos madilim na sa labas. Nagsaing lang ako at nagluto ng de lata. Pagkatapos ay naglinis at naglaba.
Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Himala at may nakaalala. Nang tingnan ko itoy napasimangot ako. Buti pa ang TM, nakaalalang magtext dahil namiss niya raw ako.
Buong araw lang akong tumunganga sa mga sumunod na araw. Hanggang sa Lunes na naman at kailangang ko na namang pumasok sa trabaho.
Nakarating ako sa trabaho na nagmamadali. Halos takbuhin ko na ang elevator ng makitang pasara na ito. Nakapasok ako at natigilan ng pagtingala ko ay ang singkit na mata niya ang sumalubong sa mga mata ko.
Pag minamalas nga naman.
Tumuwid ako ng tayo bago tumalikod at humarap sa elevator. Nakita ko ang mukha niya sa harapan ko. Tahimik akong nakikinig ng marinig ko silang nag uusap ng babae sa likod. Dapat wala na akong pakialam. Pero talagang meron pa.
Mahal ko pa talaga.
Dapat limot ko na. Pero paano ba? Nakadepende sya rito sa halos apat na taon.
Tahimik lang akong umupo ng makarating sa opisina at nagsimula nalang akong magtrabaho ng tahimik at matiwasay. Nasasanay na rin naman ako sa galit niya gaya ng nasanay ako sa pagmamahal niya noon.
Dapat siguro mag entertain na sya ng manliligaw.
"Sabay tayong magbreak Pia." Yaya ni Miguel sa akin. Tumango ako sa imbitasyon niya. Nagulat sya sa pag sang ayon ko bago ngumiti ng maluwag. Habang kumakain ay panay ang kwento niya. Masarap din naman syang kausap at palabiro rin.
Nagkasalubong ang tingin naming dalawa bago sya umiwas ng tingin. May mga kasabay syang babae. Binalik ko nalang ang tingin sa kaharap ko. Naghihintay kami sa elevator ng maramdaman ko ang presensya nya sa likuran ko. Naririnig ko ang biruan nila, nakisabay din si Miguel sa kanila. Nauna na akong pumasok sa elevator at sumiksik sa gilid. Pero tumabi sya sa akin. Tahimik ang lahat sa nakita. Pero di na ako nag angat ng tingin. Nakatingin lang ako sa sandals ko inisip ang dahilan kung bakit hindi pantay ang kuko ko sa paa at bakit nagmukha na itong luya.
Pagkaupo koy naupo na rin si Miguel. Nagpasalamat ako sa libre niya sabay ngiti sa kanya. Narinig kong nagsalita si Jeric sa likuran ko pero di ko na sya nilingon at sinimulan na agad ang trabaho ko. Mabilis akong natapos sa quota ko at humigit pa kaya maaga akong nakapagpahinga. Nasa mesa lang ako at nagkakalikot ng kung ano ano sa desktop ko para masabing may ginagawa pa rin ako kahit ang totooy tapos na at ayaw ko ng dagdagan yung nagawa ko.
"Quota kana?" Tanong ni Miguel ng makita nya akong nagkakalikot lang. Tumango ako sa kanya bilang tugon at tipid na ngumiti.
"Ako rin." Sabi niya ulit. Hindi naman ako nagtanong. Hinayaan ko lang sya. Iniisip ko kung paano kaya ako makakarating sa bus ng mabilis o kung dapat ba akong maghanap ng mas malapit na lugar para di na ako mahirapang umuwi. Para na rin maiwasan yung taong galit sa mundo. Mahirap sakin ang magpaliwanag. Lalo nat paulit ulit. Nakahinga ako ng maluwag ng sumapit na ang uwian. Mabilis akong tumayo pero napatigil ng tinawag bigla ng OM.
"Pag minamalas nga naman. Aga aga kong naghanda para makauwi ng mabilis tapos ganito, sabi ko na Barbie," maktol ko sa isip ko pero tumigil din naman sa harap ng tumawag.
May mga bagay syang tinanong at sinagot ko naman sya ng pormal. Nagpapaalam na ako sa kanya at sa iilan kong kasamahan ng makita ko sya gilid ko, na sa kamalas malasan ay paalis na rin. Sabay pa kaming naghintay na bumukas ang elevator, sabay pumasok pero pinauna ko sya dahil ayaw kong nasa likuran ko sya sa takot na saksakin niya ako ng patalikod. Pero ayaw ko talagang nasa likuran ko sya, di ako komportable. Nagdahan dahan ako sa paglalakad para lang mauna sya. Pero may sira yata ang tuktok ng lalaking to dahil ganun din ang ginawa niya. Kaya naman, sa parehong bus ay magkatabi na naman kaming naupo.
"Kayo na ba?" Basag niya sa katahimikan naming dalawa. Umiling lang ako para hindi na humaba pa ang usapan ngunit gusto niya yata talagang kausapin ako.
"Lolokohin mo rin ba sya? Kawawa naman yung tao. Dapat tumigil kana kasi unfair yun." Sabi niya ulit sa mariin na boses.
Tuluyan ko na syang tiningnan.
"Bitter ka talaga. Hindi ko naman gagawin yun kasi hindi naman kami. Sabay lang kaming kumain kanina para maiba naman, at isa pa, di ko sya sa social media nakilala." Sarkastiko kong sagot sa kanya.
Narinig ko ang mahina at sarkastiko niya ring tawa.
"Bitter mong mukha mo. Asa."
Inismiran ko lang sya. Nakita ko ang amusement sa mga mata niya at ang maliit na ngiti niya na sya namang nagpabilis sa t***k ng traydor kong puso.
"See you tonight."
Aba, nakuha niya pang sabihin sa akin ng tumayo na ako para makababa.
Tiningnan ko sya ng masama. So much for, "I still wanna see you eat but not on my table" na sabi niya rati. May pa gets gets pa sya eh mukha naman syang tanga ngayon sa ginagawa niya.
Natigilan ako ng makita ang friend request niya. Sumikdo bigla ang puso ko sa pag asang kusang umuusbong kahit ayaw ko. Dinelete ko agad yun. Ayaw kong umasa. Masakit ngang magpaasa lalo na ang umasa sa pagmamahal na alam mo naman sa simula pa lang ay mababaw na.
Pero hindi ba at dito ito nagsimula? Ang kaibahan lang totoong account ko na to.
Tinabi ko ang aparato at natulog na lang para hindi na mag isip pa. Ang swerte naman niya kung iisipin ko pa rin sya kahit lagi ko namang ginagawa ko yun sa nakalipas na mga taon.
Erase. Erase.
I wanted so much to erase him from my memories. Because thinking of him just hurts me so, knowing that even in the fantasy I created before, I cant have his love. Lalo na ngayon na alam niya ang totoo at galit sya sa mundo, pero bakit gumaganun sya?