Natigilan ako ng makita ko syang nakatayo sa labas ng building namin kasama ang ilan sa kasamahan namin sa trabaho. Tinanguan ko sila at tipid na ngumiti. Ng makita niya akong parating ay tumigil sya sa paghithit ng sigarilyo. Binigay ko ang ID ko sa guard at dumiretso na sa may elevator. Napahugot ako ng malalim na hininga ng maramdaman ang presensya niya.
"Good evening." Bati niya sa mababang tono. Napakunot noo ako ng marinig ko ang boses niya. May namuong bikig sa lalamunan ko. Namiss ko to. Namiss ko sya, ng sobra sobra. Hindi ako sumagot at yumuko nalang habang hinihintay na makarating floor namin at makaupo sa harap ng mesa ko.
"Sungit natin ngayon ah." Puna ni Miguel na sinang ayunan naman ni Andrea na isa rinnsa kasamahan ko sa trabaho.
"May problema ba?" Tanong ng isa pa naming kasama na si Tony. Lalaki ng pangalan pero bakla naman. Umiling lang ako at ngumiti sa kanila.
"Wala naman. Pasensya na." Sabi ko nalang sa kanila. Nagbiruan nalang kami saglit bago ko narinig ang boses niyang magsalita.
"Please naman. Quota qouta din. Ang baba ng nakuha natin last week kaya double time kayo. Nag set ng qouta para yun ang habulin niyo. Hindi yung tsismis o ano pa. Gets niyo?" Litanya niya na parang bakla.
"Yes, TL." Sagot ko nalang ng wala sa loob. Pinaparinggan niya ba ulit ako?
Natapos ang magdamag ko na sumakto lang sa quota ko ang nakuha ko. Nakakatamad din namang dagdagan yun minsan dahil hindi naman pare parehas ang mga customer na nakakasalamuha ko sa tawag. Isa pa, iniiwasan kong mapagalitan niya at baka may madagdag sa listahan niya ng ikinagagalit niya sa akin.
Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko. Nagtagumpay akong iwasan siya sa loob ng dalawang linggo kaya nasisiguro kong maiiwasan ko rin sya ngayong araw na ito.
Ngunit ganun nga yata ang panahon, na kahit anong iwas mo, gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana na hindi iayon ang mga bagay sa mga plano niyo. Gaya nalang ng araw na ito sa mga pagkakataong iyon, na habang nakaupo ako sa bus ay katabi ko na naman siya. Sa labas ng bintana ako nakatingin, sinaksak ko yung headset ko kahit ayaw ko sa mga kanta para lang di niya ako kausapin. Napalingon ako may inabot sya sa aking burger. Napatitig ako roon bago napabaling sa mukha niyang seryosong nakatingin sa akin, at dahil paborito ko naman yun kaya di na ako tumaggi at nagpasalamat na lamang sa kanya kahit na ayoko.
"Bakit di mo inaaccept ang friend request ko sayo?"
Sinasabi ko na nga ba't isa itong bitag.
"Para saan ba yun? Sabi mo nga there is no need for us to be friends. We must move forward."
"Hindi ako nakikipagkaibigan sayo. Iaadd kita sa GC para naman updated ka at doon mo nalang tingnan ang mga announcement at iba pang mga kaganapan." Napahiya ako sa sagot niya. Akala ko pa naman... assuming ko talaga.
"Iaccept mo na ako." Napalingon ako sa kanya dahil iba ang pag intindi ko sa sinabi niya. O nabobo na talaga ako ng tuluyan.
Tumango nalang ako sa kanya.
"Salamat sa burger." Sabi ko sa kanya ng labas sa ilong kahit ang totoo ay gustong gusto ko yung binigay niya. Ngumisi lang sya sa akin kaya di ko na sya pinansin.
Ganun nga ang ginawa ko pagkabukas ko ng account ko. Inaccept ko sya at agad niya naman akong inadd sa GC o group chat. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya inistalk ko na ang account niya. Napapangiti ako minsan sa mga pinost niya at minsan din nalulungkot sa mga nakikita sa wall niya.
Dati, ako ang may hawak ng account niya. Pero hindi niya mahawakan ang totoong sa akin dahil hindi ko naman na account yung binigay ko sa kanya. Masaya ako dahil mukhang naka move on na siya ng tuluyan. Kahit na masakit, alam kong kaya kong magpaubaya dahil kahit sa simula ng kwento naming dalawa, alam ko ng hindi kami para sa isat isa.
May tinag syang babae sa memes na shinare niya. Gusto kong iistalk kaya yun na nga ang ginawa ko. Magandang dilag, puso niya ay nabihag. Napangiti na lamang ako ng mapait sa nakita. Wala naman akong karapatang makaramdam ng selos dahil wala na akong karapatan.
"Hi!"
Nagulat ako ng may biglang nagchat.
"Hi, to you too." I replied.
"What's your name?" Tanong niya sa akin.
"Sophia." Sagot ko ng maikli.
"Hi, Sophia! I am Jeric Gonzalez. Can we be friends?"
Napangiti ako sa kanya. Parang baliw lang.
"Sorry, but I have a lot of friends already."
Pambabara ko sa kanya bago nag log out sa account ko. Parang tangang nangingiti ako. Mahirap nga yata talaga ang magmove on kung ang moves niya ay palapit sa akin. Baligtad nga yata ang utak niya.
Kinabukasan ay maaga akong dumating sa opisina. Nakikipagkwentuhan pa ako sa labas ng dumating siya. Pagtingin ko sa kanya ay nakasimagot siya sa di malamang dahilan.
Naglalunch ako ng may naupo ulit sa harapan ko. Hindi ko na inangat ang tingin ko.
"So okay na makipagkaibigan ka sa kanila samantalang sa akin ay hindi?" Tanong niya sa akin agad kahit na obvious naman ang sagot.
"Hindi naman sa ganoon pero kaya ayoko ay dahil ayokong makipagkaibigan sa taong may galit sa akin." Sagot ko sa kanya. " Ayokong makipagplastikan."
"Gusto ko lang naman subukan na kung nagsimula ba tayo sa tama ay ganun pa rin."
"Anong ganun pa rin?" Litong tanong ko sa kanya.
"Yung naramdaman ko sayo noon."
"Noon na pala yun kaya tapos na. Ibig sabihin wala na." Sagot ko pabalik sa kanya.
"Pero gusto kong subukan ulit. Na hindi lang sa mukha hahanga."
Tiningnan ko sya. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. May kung ano sa mga mata niya na hindi ko mabasa. Napahugot ako ng malalim na hininga.
"Subukan nating maging magkaibigan. Baka sakaling mawala na yung galit at sakit na nandito. Para mabalik ko yung tiwala ko sa sarili ko na sinira ng panloloko mo. Yung tiwala sa iba na nawala na. Dapat mabalik mo yung lahat ng nawala sa akin." Sagot niya sa akin na hindi ko maintindihan.
"Hindi na maibabalik ang nawala, Jeric. Ang kailangan mong gawin ay palitan ito o di kaya ay bumuo ng bago." Malungkot kong sagot sa kanya. Malaki ang naging kasalanan ko sa kanya. Ngayon ko lang narealized kung gaano ko sya nawasak.
Nakahiga na ako sa kama pero yun pa rin ang iniisip ko. Malaki ang naitulong niya sa akin. Samantalang wala akong ibang sinukli sa kanya noon kundi puro mga salitang walang laman, mga pangakong hanggang pangako lang dahil walang katuparan.
Kinuha ko ang cellphone ko at tumipa ng isang salita, huminga ng pagkalalim lalim bago sinend.
"Friends."