Pang-apat

1082 Words
Napayuko siya ng mapansing halos lahat ng nasa cafeteria ay nakatingin sa kanila. Narinig niyang tumikhim ang damuhong nasa harapan niya kaya tiningnan niya ito. Pero napatulala sya rito ng nakitang nakangiti ito sa kanya habang nilalagyan ng ulam ang plato niya. Tumikhim din sya ng ngumisi lalo ito. "Ano gwapong gwapo ka na naman sa akin noh?" Biro nito kaya sinimangutan niya nalang ito. Pero sa loob loob niya ay parang may dagang naghahabulan. Ganito sila mag usap noon sa cellphone. "Naninibago lang ako. Halos isumpa mo ako noong nakaraan pero ngayon heto ka at parang wala akong kasalanan." Nagtatakang turan niya rito. Nakita niyang saglit itong natigilan. May dumaang damdamin sa mga mata nito pero hindi sya sigurado kung ano iyon, pero parang galit? O baka nga imahinasyon niya lang iyon dahil alam niyang sa loob niya ay guilty pa rin aya kaya negatibo ang tingin niya sa pinapakita nito ngayon. Para talagang ako pa ang may karapatang magduda, naisip niya bigla. "Kalimutan na natin yun. Gusto kong mamuhay ng walang galit na iniintindi." Nakangiting sabi nito sa kanya ngunit may nararamdaman talaga syang kakaiba. Winaksi niya nalang iyon dahil ayaw niyang mabahiran ng pagdududa ang simulang hinihingi nito sa kanya. Napatingin sya kay Miguel sa kabilang mesa. Nakatitig ito sa kanila na para bang nahihiwagaan. Kahit sya rin naman, pero ayaw niyang mag isip pa. Nakita niyang siniko ito ng baklang katabi nito at ininguso sya kaya napansin nitong nakatingin sya. Kinawayan niya ito na sinuklian nito ng tipid na ngiti. "Wag mo nalang silang pansinin." "Paano ko gagawin yun eh halos silang lahat ang nakatingin?" "Wag mo silang tingnan, ganun lang. Nagugwapohan lang sila sa akin kaya sila ganyan kung makatingin. Ikaw ba naman may kasamang gwapo." Nakangisi nitong saad. Napangiti na lang sya sa tinuran nito dahil naalala niya na naman ang nakaraan. Paano ba kalimutan yung mga nangyari kung ang mga yun ay ikaw? Nalungkot sya bigla sa naisip pero winaksi niya iyon ng mabilis ng makitang nakatitig ito sa kanya. Napansin niyang di sya gaanong pinapansin ni Miguel na tulad ng dati. Yung ibang babae naman ay napapansin niyang tila may galit sa kanya at nakikipagplastikan lang. Ayaw niya rin namang ipilit ang sarili niya sa mga taong may ayaw sa kanya. Tapos niya ng ginawa iyon at nasaktan lang siya. Wala na syang pakialam kung wala syang makausap basta ba ay hindi sya pinapakialaman sa ginagawa niya. "Kayo na?" Tanong ng tsismosa nyang kasamahan. Napatingin sya sa mukha ni Lucy na nakataas ang kilay at may nakakalokong ngiti sa mga labi. Gusto niyang burahin iyon pero huminahon sya. Ayaw niya sa lahat itong mga ganito. Issue. "Hindi." Tipid niyang sagot bago pinagpatuloy ang pagkain. Sinaksak niya ang headset sa tainga para ipakitang hindi sya interesado sa sasabihin at sa opinyon ng mga ito sa kanya. May sinabi ito pero hindi niya masyadong narinig dahil ayaw niya rin namang makinig. Nakita niyang may pumalit doon sa inuupuan ito. Nag angat sya ng tingin at ang nakasimangot na mukha ni Jeric ang nakita niya. Napakurap sya at nagtatakang tiningnan ito. "Di mo man lang talaga ako hinintay? Kala mo ang ganda para iwanan ang gwapong to." Nakasimangot na maktol nito. "May kausap ka kaya nauna na ako." Sagot ko sa kanya. "Nagselos ka no?" Nakangisi nitong sabi bigla. Sya naman ang napasimangot dito. "Bat ako magseselos?" "Dahil mahal mo pa ako." Sagot nito na abot sa tainga ang pagkakangiti. Dalawang linggo na silang ganito mag usap. Di niya pa rin maunawaan ang motibo nito pero hindi niya nalang pinansin ang iniisip na masama dahil sigurado naman sya sa nararamdaman nito sa kanya at imposibleng magbago iyon ng basta basta. Alam niya rin namang hindi ito mababaw na tao para maisipang gumanti. "Alam mo, napaka feeling mo talaga kahit kailan." Saad niya rito. Pero masaya syang unti unti itong bumabalik sa dati. Yung nakilala niya dati. "Sus, kunwari ka pa. Alam ko namang baliw na baliw ka pa rin sa akin." Nakangising saad nito. "Grabe to. Kala mo talaga napaka gwapo mo." "Totoo namang gwapo ako kaya nga hindi mo ako makalimutan." Pang aasar lalo nito sa kanya Nagpatuloy pa ang pang aasar nito sa kanya kahit habang nakasakay na sila sa bus. Nagkwento ito ng mga bagong bagay na natutunan nito sa mga nakalipas na taon na wala silang kumunikasyon. Nakinig lang sya ng tahimik sa mga kwento nito. Ayaw niyang sumabat dahil baka maalala nito magtanong sa kanya. Tiningnan niya ito ng makababa na sya sa bus. Kumaway ito sa kanya. Kinawayan niya rin ito at hinintay na umalis ang bus na sinakyan nila. Nakahiga na sya at handa ng matulog ng mag ring ang cellphone niya. Sinagot niya ito ng di tinitingnan kung sino ang tumatawag. "Inaantok ka na ba?" Napadilat sya ng marinig ang boses nito. Gusto niyang maiyak bigla. "Oo." "Kantahan kita." Mas lalo niyang gustong uniyak sa tinuran nito. "Wag na. Matulog ka na rin. May trabaho pa tayo mamaya." Tanggi niya sa alok nito. "Hindi. Kakantahan ka ng gwapong ito." Nakatawang sabi nito. Natawa na rin sya kaya hinayaan niya nalang ito. Narinig niyang kumanta nga ito sa pamilyar na kanta. Biglang tumulo ang luha niya. Tahimik syang umiyak habang nakikinig dito. Masakit pa rin talaga. Ang umasa sa imposible. Dahil kahit alam niyang imposibleng magkagusto ito sa kanya at mahalin sya nito ng buo, umaasa pa rin sya na kahit sana kahit katiting, masuklian nito ang nararamdaman niya. Tumanggi man sya ay alam na alam niya ang pamilyar na damdaming pinupukaw nito sa kanya. "Good night." Mahinang sabi nito sa kabila bago binaba ang tawag. Paano nga bang wag ng umasa sa taong di ka naman mahal kung ang pinapakita nito ay kabaligtaran ng sinasabi nito sa kanya? Ito yun eh. Tulad ng dati. Gusto niya ang nangyayari kahit pa sabihing sa huli ay masasaktan sya. Pero kahit pa siguro ikawasak niya at wala ng matira sa kanya ay kakayanin niya. Mabawasan man lang ang naging kasalanan niya rito. Alam niya ang ginagawa nito. Hindi naman sya tanga pero kailangan niyang magkunwari at tanggapin iyon. Dahil kung ang pagkawasak niya ang bubuo ulit sa pagkatao nito, ayos lang sa kanya. Utang niya ang kung ano mang meron sya rito. Kung paghihiganti ang papawi sa sakit at galit na meron ito para sa kanya, she will allow him to succeed until she could no longer love him and leave. But it will take a deep-rooted pain to stop loving him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD