Nakatanaw ako sa aking anak sa labas habang nag lalaro. Ang kaniyang mga ngiti ay nakaka hilom ng sugat sa puso kong pilit kong ginagamot. Ang kaniyang maaliwalas na mukha ay nakakapag bigay sakin ng lakas ng loob na magpatuloy kahit anong hirap ang haharapin ko.
"Be careful Coreen baka madapa ka!" Sigaw ko sa anak ko. Lumingon siya sa akin at tumango pagkatapos ay nag bigay ng flying kiss sa akin. Agad ko naman iyon sinakop sa hangin at dinala sa bibig ko na ikinatawa ng bata. Natawa rin ako at ako naman ngayon ang nagbigay ng flying kiss.
"Mommy may butterfly!" Sigaw niya at itunuro ang magandang paro paro na nasa bulaklak na itinanim ko. Linapitan niya ito at pinagkatitigan. Kaya naman tumayo ako at linapitan siya para samahan siyang pagkatitigan ang paro paro.
"Mommy, gusto kong magkaroon ng butterfly na pet," sabi niya sa masayang boses. I chuckled and planted a kiss on her chubby cheek.
"Talaga? Kung ganun mangunguha ako ng mga caterpillars para may pet na butterfly ka na." Masuyo kong sagot at hinimas himas ang kaniyang buhok.
"Yey! Mommy alam mo ang ganda ganda mo. Kaya love kita kasi ang ganda ganda mo." Parang may humaplos sa puso ko sa sinabi niya.
"Siguro kapag nakita ka ni daddy ma fa-fall siya ulit sa iyo dahil ang ganda ganda mo mommy." Nanatili ang ngiti ko pero ang puso ko ay parang tinamaan ng malaking espada sa sakit. 'Hindi na tayo babalikan ng daddy mo anak'.
"Naiinggit ang lahat ng kaklase ko dahil may maganda akong mommy." Maypagmamalaking dagdag niya. Pinisil ko ang tungki ng kaniyang ilong .
"Ikaw talaga binobola mo na naman si mommy." Natatawa kong sabi at hinalikan siya sa magkabilang pisngi.
"Hindi mommy totoo naman talaga yun. Anyways mommy, kailan ko ma me-meet si daddy? Sabi ni tita Judy babalik daw siya." Peke akong ngumiti sa bata. Ang babaeng yun talaga.
"I don't know baby, hindi pa handa si mommy at siguro ganun din si daddy mo. At hindi ako nakakasiguro kung babalik pa siya." Hindi na siya babalik, dahil masaya na siya sa buhay niya. Ayaw kong maging tanga ulit. Sa ngayon, susundin ko ang isip at balewalain ang puso.
"S-Samantha." agad kaming napatingin sa lalaking nagsasalita sa labas ng munti naming gate. Ang galit sa puso ko ay biglang umusbong. Ang sakit ng nararamdaman ko noon ay sumariwa nang makita ko ang nakangiti niyang mukha.
Nag angat ng tingin si Coreen at kunot noong tinignan ang lalaki.
"Mommy? Sino siya?" Tanong ng munting bata na nasa gilid ko habang itunuro ang lalaking sana'y di ko na nakita ulit. He was smiling while looking at us. Ang mga ngiting yun, ayoko nang makita ang mga ngiting yun, nakakainis. Nakakasakit ng puso.
Sumikip ang dibdib ko at nagragubdob sa galit iyon. Hindi maalis sa mga mata ko ang pagkamuhi ko sa lalaking minahal ko noon. Sumariwa sa akin ang lahat ng nangyari at pangloloko niya sakin.
Kung naging tanga ako noon, sisiguraduhin kong hindi na ako magiging tanga ulit ngayon. I've learned from my mistake at ayaw kong maulit pa ang pagkakamaling yun.
Hindi ko na kailangan ng lalaki sa buhay dahil kaya ko namang maging ganun. Kaya kong magpakalalaki sa buhay ko mismo at sa anak ko.
"Pumasok ka muna sa loob Coreen." Malambing kong saad sa bata. Agad naman niyang sinunod ang sinabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig kong tanong sa kaniya. Ang mga mata niyang puno ng emosyon ay naging blangko. Napalitan ang mga yun ng lungkot at pangungulila.
Masyadong makapal ang mukha niyang pakitaan ako ng ganung emosyon.
"I am here to get you back." Puno ng pagmama kaawa ang boses niya. Ang kaniyang mga mata ay mga luhang handang tumulo. Hindi na ako madadala sa mga luha niyang iyon dahil nung naniwala ako sa mga luha niya, iniwan niya ako-kami ng anak ko.
"Umalis ka na, wala kang mapapala sa akin." Walang emosyon kong pagtataboy sa kaniya. Akmang tatalikuran ko na siya nang bigla niyang hawakan ang pulsuhan ko. Ang mga palad niya ay napaka init na sumuyo sa puso ko.
Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang makita ko ang mga luhang nagsikarera sa kaniyang mga pisngi.
"Please! I-I want you back. Pinagsisihan ko na ang nagawa ko." Mapakla akong natawa sa kaniyang sinabi at inagaw ang aking pulsuhan mula sa kaniya.
"Wala kang karapatang umiyak sa harap ko dahil nandidiri ako sa mga luhang iyan." Pagkatapos kong sabihin iyon tumalikod.
"Anak ko rin siya, please ipakilala mo naman ako sa kaniya." Sabi niya sa nagmamakaawang boses. Puno ng prastrasyon iyon at bakas sa mga ito ang kaniyang pagka ulila.
"Nang iwan mo kami, nawalan ka na din ng anak. Kaya wala kang karapatang kilalanin ka niya bilang ama dahil ayaw niya sa mga duwag at sinungaling tulad mo." Malamig kong sagot na hindi man lang siya tinignan. Narinig ko ang mahina niyang pag hagulhol. Parang piniga ang puso ko sa mga mahihina niyang hagulhol. Pero, tama lang ang ginawa kong itaboy siya dahil nakakatakot siya.
Nakakatakot siyang mahalin. Nakakatakot siyang pagkatiwalaan.