CHAPTER 2
SOMEONE is sucking her n*****s, alternating between the two rosy peaks. Habang ginagawa iyon ay may sumasabay na daliring tumatagos sa lagusan niya. Habang naglalabas-masok iyon doon ay sinasadya niyong sagiin ang kuntil sa b****a na sa bawat pagdiin ay nagsasabog ng nakakapamilipit sa sensasyon sa katawan niya. Napaungol si Raissa.
This is more like it. Ang simple namang gawin ewan kung bakit hindi masaktuhan ng mga nakakapareha niya kung ano ang magpapaligaya sa kanya. Suwabeng galaw lang at tamang rhythm ang kailangan niya. Konting pasensiya rin lang na pahabain ang foreplay, hindi iyong agad-agad ay penetration na ang gusto. Sadly, she had met many men who are not that interested in satisfying their partners. Iyong mga ugok na lalaking kapag nakaraos na ay tapos na ang boksing at kapag nag-next round ay sariling kaligayahan rin lang naman ang aabutin. Kagaya ni Jon. Marami ang ka-tribu ng lalaking iyon.
But not her partner for the evening. This one, ah, this one knows exactly which button, err, which body part, to press in order to give her maximum satisfaction. She felt a hot mouth nibbling at her skin. Mula sa pagsipsip sa naninigas niyang mga tugatog ay naglakbay iyon paibaba sa puson niya. Kusang bumuka ang mga hita ni Raissa, ina-anticipate na ang masarap na pananalakay na gagawin sa lugar na nasa pagitan ng mga iyon.
Muntik siyang mapahiyaw nang mangyari na ang inaabangan niya. Sinakop ng mainit na bibig ang kaselanan niya, tinuhog-tuhog ng mainit ding dila ang lagusan niya. Napasabunot siya sa gumagawa niyon sa kanya nang balutin siya ng nakakabaliw na sarap. Yes, that’s the kind of foreplay she craves. Iyong kulang na lang ay makarating siya sa sukdulan kahit hindi pa ipinapasok ang ari ng kapareha niya sa kanya.
And when she felt that long, hard organ push into her, her eyes glazed over and she became mindless with desire. More so when the pumping motion started. Sa bawat pag-ulos ay napapalapit siya sa tugatog na inaasam niya. Konting-konti na lang ay maaabot na niya ang langit... Na hindi nangyari dahil sa malakas na tunog na bumulabog sa kanya.
“Aaaaargh!” malakas na angil ni Raissa nang mapabalikwas siya ng bangon at madiskubre na nananaginip lang siya. Panaginip na nga lang, bitin pa rin. Ang may kasalanan, ang nag-iingay na mobile phone na nasa ibabaw ng mesang katabi ng kama niya.
Gusto niya iyong tabigin papunta sa sahig nang mag-ring ulit iyon. Ni wala siyang ideya kung anong oras na. Nakasara kasi ang mga kurtina sa kuwarto niya kaya hindi niya malaman kung gaano na kaliwanag sa labas. Dinampot niya ang telepono para tignan ang oras. Dahil doon ay nakita niya ang pangalan ng tumatawag. Napaungol siya sabay bagsak ng ulo sa unan nang malaman kung sino ang nang-istorbo sa erotic dream niya. Ang kapatid niya. Si Erica. At parang nahuhulaan na niya ang pakay nito.
“Yes?” Sinagot na lang niya ang tawag kahit pa mas gusto ni Raissa na hayaan na lang mag-ring ang telepono. Tiyak naman na uulit at uulit ang pagtunog niyon. Her go-getter of a sister is not the type that would give up so easily.
“Buhay ka pa pala,” sabi nito.
“Ah, I’m not sure. Let me check,” sagot naman niya.
“I’m sure you are. Nakakapag-party ka pa eh. Sana lang eh medyo discreet ang mga kasama mo. Iyong nakita kong post, halos lunukin mo na ang dila nung kahalikan mo eh.”
Nasapo ni Raissa ang ulo. Sino na naman kayang sira ulong kaibigan niya ang nag-post ng picture na sinasabi ng kapatid niya at ti-nag pa siya? Nabuko pa tuloy siya ng kapatid niya. Bumukod na nga siya ng tirahan, nagagawa pa ring masilip ni Erica ang mga activities niya. And what’s with her sister anyway? Stalker for life ba ang papel nito? Bata pa sila ay ganoon na ang ginagawa nito, sinusubaybayan ang mga kilos niya para mapagalitan agad-agad siya kapag may nagawa siyang mali. Which is all the time.
“Magparamdam ka naman sa bahay. Hinahanap ka na ni daddy,” pangongonsensiya ni Erica. “He keeps asking if I have news about you.”
Yeah, sure. Siya, hahanapin ng daddy nila? Baka nga gusto lang nitong makasiguro na hindi na siya uuwi kaya nagtatanong ito tungkol sa kanya.
“Kayo ba kumusta na?” Umalis man siya sa poder ng mga ito ay hindi naman ibig sabihin na hindi na concerned si Raissa sa mga ito. She just left their house to avoid the drama and the chaos her presence seem to create in their otherwise peaceful home.
Oo, peaceful ang bahay nila, matiwasay ang family life nila, kapag hindi siya nakikita ng ate at daddy niya. Magkasundong-magkasundo kasi ang dalawa. Her sister is the apple of their dad’s eyes. Kahit nga ang lolo nila, noong nabubuhay pa ito ay si Erica ang mas paborito sa kanilang dalawa. Kung naging only child siguro ang ate niya ay mas mabuti para sa pamilya nila.
Bata pa siya nang umalis ang mommy niya. Hindi na naghanap ng ibang partner ang daddy niya, na mabuti na rin siguro dahil noong kasama pa nila ang mommy niya ay natatandaan ni Raissa na madalas mag-away ang dalawa. Ang primary complaint ng mommy niya, ang kawalan ng oras ng daddy niya para sa pamilya nito. Kung hindi kasi kung anong nakakalulang scientific pursuits ang inaatupag nito ay sa kumpanya naman natutuon ang pansin nito.
Her dad is a genius. It runs in the family. Bawat henerasyon ng pamilya nila ay may lumalabas na henyo. Sa generation nila ng ate niya, walang duda kung sino ang henyo. Member ng grupong Mensa si Erica. On top of that, she is also a good businesswoman. Her sister is an achiever at a young age. Kaya nga rin siguro ito ang paborito ng daddy niya at gustong-gusto ito ng mga kaanak nila.
She pushed a nagging thought aside. The thought that she is the black sheep of the family.
But ain’t that the truth? Nasabi ni Raissa sa sarili.
Iisa ang opinyon ng mga nakapaligid sa kanya noon. Magulo at maligalig daw siya. Bata pa kasi siya ay maldita na siya. Ilang yaya ang nabuwisit sa kanya. Iyong iba, lumayas na sa sobrang pagka-kunsumi sa kanya. Ang grades niya noong nag-aaral siya, hindi aakalain na grades ng isang estudyanteng galing sa pamilya ng mga henyo. They are so average.
Their dad had given up on her. Ni hindi na nga siya sinabihan kung anong kurso ang kukunin niya. Bahala na raw siya. Eh bakit pa nga ba ito mag-aaksaya ng panahon sa kanya kung nakuha na nito ang gusto nito sa isang anak sa katauhan ng ate niya? Mukhang nagulat pa nga ito nang sa wakas ay maka-graduate siya. Philosophy ang major ni Raissa. Pero kinuha lang niya iyon para ma-satisfy ang daddy niya na maging college grad siya. Pagka-graduate niya ay mas sa online courses pa siya nagkaroon ng interes at nagpursige. Siguro ay dahil alam niyang hindi na siya pakikialaman ng daddy niya kaya mas ginanahan siya sa mga iyon.
She is now part-owner of a company that specializes in robotics. But unknown to her family, she is also deeply in the study of AI or Artificial Intelligence.
Ah, AI. Napangiti siya. The concept is very exciting for her. Bagong-bago pa kasi ang kaalaman na iyon. Ang daming possibilities, ang daming puwedeng puntahan at paggamitan. And she is on the brink of using AI’S full power o answer her gnawing needs.