CHAPTER 8

1175 Words
POPULAR sa mga estudyante ng St. Claire Academy si Mr. Ramsey Ramos. Ito ang tipo ng guro na ang tingin ni Raissa at ng mga kaklase niya ay kabarkada lang nila. Hindi lang sa mabait ito kundi parang tropa ang dating nito sa kanila. Bukod sa pagtuturo ng MAPEH ay coach din ito ng volleyball team. Dahil doon kaya ang koponan na iyon ang pinakamarami ang gustong sumali para sa extracurricular activities credit nila. Sa sobrang dami, kinakailangan ng salain ang mga aplikante. Iyong mga may potential lang ang tinatanggap. Ilang try-out events ang ginaganap para masala ang mga applicants. Hindi makapaniwala si Raissa nang makita ang pangalan niya sa listahang ipinaskil sa gym ng mga nakapasok sa team. Hindi naman kasi siya sobrang husay sa sport na iyon. Nag-try out nga lang siya dahil kay Sir Ramsey. Ito ang nag-suggest na gawin niya iyon. Sa wakas, may maipagmamalaki rin siya sa daddy niya. Walang-wala iyon kung ikukumpara sa mga achievements ni Erica pero mas maigi na ang meron. And she did well. May games nga sila na malaki ang nai-contribute niya para manalo sila. Mahusay mag-motivate si Sir Ramsey. Kapag maganda ang performance ng team ay nanlilibre ito. Hindi rin lang sa mga aralin o tungkol sa volleyball ito puwedeng kausapin o hingian ng advice kung hindi sa kahit anong bagay, maski pa sa lovelife. Naihinga rito ni Raissa ang tungkol sa pamilya niya. “You are an intelligent girl, make no mistake about that,” giit nito. “Hindi mo rin kailangang makipagpataasan ng IQ sa daddy at ate mo. Just be yourself.” Dito pa niya narinig ang mga salitang wish lang niya ay sasabihin ng daddy niya. Imbes ay mga salitang nagpaparamdam sa kanya na hindi ito kuntento sa kakayahan niya ang lumalabas sa bibig nito. Ewan kung sinasadya nito na ikumpara siya sa ate niya. Lugi siya dahil wala talaga siyang laban sa kakayahan ni Erica. Sir Ramsey knows the right words to say. Kaya siguro naging close rito si Raissa. Affectionate rin ang guro. Sa tingin niya ay ganoon naman ito sa lahat ng mga estudyanteng lumalapit dito kaya hindi niya minamasama ang panlilibre nito sa kanya sa mga kainan sa labas ng paaralan. Kahit nga iyong panonood nila ng plays o concerts ay ipinapalagay niya na normal lang para sa lalaki. Until that time when she was late going home from school. May group project sila at dahil may conflict sa sked ng volleyball practice ay hindi nakatulong sa mga ka-grupo niya si Raissa. Nag-volunteer na lang siya na siya na lang ang gagawa sa backdrop na hindi natapos ng mga ito. Naglalakad siya sa hallway para umuwi na sana nang biglang magdilim ang paligid. Napasigaw siya sa pagkabigla. Natakot din agad siya. Ang dami kayang kuwentong katatakutan tungkol sa paaralan nila. Kesyo may white lady na nagpapakita sa mga classrooms o kaya ay naglalakad sa hallways. Kagaya ng kinaroroonan niya ngayon. Nagtayuan ang mga balahibo ni Raissa nang maisip iyon. And then she felt a presence. Sa pagpihit niya ay isang madilim na anino ang nabalingan niya. Ang lakas ng sigaw niya. “It’s just me.” “Sir Ramsey!” bulalas niya. Sa sobrang tuwa na may kasama na siya sa kadiliman ay nasugod niya ito ng yakap. “Calm down,” alo nito sa kanya. Hinagod nito ang likod niya. “I was so scared,” pag-amin ni Raissa. “No need to be. Nandito naman ako. Hindi kita pababayaan. May nag-trip lang siguro sa circuit kaya nawalan ng kuryente. But I doubt kung maaayos ito ngayong gabi. Mas mabuti siguro na umuwi ka na. Why are you still here anyway?” tanong nito. Ipinaliwanag ni Raissa ang tungkol sa project nila. “Sinabi mo sana sa ‘kin kanina para pinayagan kitang umalis sa practice ng mas maaga,” anito. “Ayoko ng special treatment, sir,” sagot niya. Ayaw pa sana niyang kumalas sa pagkakayakap dito. He smells so nice and she liked the way it felt to be in his arms. Pero nahiya naman siya rito. Baka isipin nito na isa siya sa mga may crush dito. “That is such a nice attitude. You never cease to amaze me, young lady.” “I...I amaze you?” Hindi niya inasahan iyon. Nakakatuwa ang pakiramdam na malaman iyon. “Oo naman. Masipag ka, matalino. A bit on the adventurous side but that’s just normal for girls your age. I like it that you’re quite feisty.” Bago sa pandinig ni Raissa ang mga salitang iyon. Pasaway. Iyon ang madalas na deskripsiyon sa kanya. Hindi niya crush si Sir Ramsey pero sa mga sinabi nito ay parang may naantig na feelings sa kanya. She suddenly felt warm and mellow inside. Kinilig din siya. “Paano ka uuwi?” tanong nito. “May sundo ka naman siguro ano?” “Tatawagan ko pa.” Noon lang naalala ni Raissa ang bilin sa kanya ni Mang Andoy, iyong driver nila. Sinundo nito sa campus ang ate niya pero may tinatapos din daw na kung ano si Erica. Kapag malapit na raw siyang umuwi ay tawagan siya nito para kung hindi pa tapos ang ate niya ay pupuntahan na siya nito. “Okay, make the call. Gusto kong makasiguro na papunta na rito ang sundo mo.” Habang nagdududutdot sa phone niya si Raissa ay naglalakad sila. Mukhang hindi na nga babalik ang kuryente kaya laking pasasalamat niya at nasumpungan siya sa hallway ni Sir Ramsey. Kung hindi ay baka maloka-loka na siya sa takot dahil habang naglalakad sila ay wala silang nakasalubong ni isang tao. Malapit na sila sa kinaroroonan ng guard nang biglang mamatay ang phone ni Raissa matapos tumunog ang warning na drained na ang battery niyon. “Oh, shucks, nakakainis naman. Di ko dala ang charger.” Napapadyak siya sa inis. “Memorized mo ba ang number ng driver niyo? Gamitin mo na lang ang phone ko,” sabi ni Sir Ramsey. “Hindi ko kabisado, sir.” Napakamot ng ulo si Raissa. Paano siya uuwi? Marunong siyang mag-commute pero medyo kinakabahan siya kung mag-isa siya lalo at madilim na. “No problem. Ihahatid na lang kita,” presinta ng lalaki. “Oh, no need, sir. Thanks na lang. Nakakahiya.” “Hindi nakakamatay ang hiya,” komento ni Sir Ramsey. “Mas mapapanatag din ang loob ko kung alam kong safe kang makakauwi.” Parang matutunaw ang puso ni Raissa sa sinabi nito. He is really such a nice guy. Bagay lang talaga na maging crush. Bago sila tumuloy sa bahay ay dumaan sila sa isang fastfood chain. Kumain muna sila dahil gutom na raw ito at wala namang makakasalo sa pagkain sa bahay dahil mag-isa lang ito roon. “Sweet dreams, Raissa,” pahabol pa nito nang maihatid na siya sa bahay. Ipinagbukas siya nito ng pinto at hinintay pa na may magbukas ng front door bago ito sumakay ulit sa sasakyan. Sa gabing iyon nagsimulang bumuo ng pantasya si Raissa tungkol sa lalaki...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD