CHAPTER 3

804 Words
“HI, VIX,” bati ni Raissa sa kaibigan niya pagpasok niya sa opisina ng R1, ang kumpanya na pinagsososyohan nila. “Oh, hi, Rai. Mukhang good mood ka ah.” Nag-angat ng ulo si Victoria, o Vix, mula sa pagtipa sa computer. This friend of hers takes care of the business side of their company. Ito ang nakikipag-usap sa mga clients at namamahala sa mga tao nila. Si Raissa ang mas in-charge sa technical side. “Maganda lang ang gising.” “You had great s*x, admit it.” Tumawa siya. Kabisado na ng kaibigan niya ang ugali niya. Kagaya niya ay nagsimula na walang direksiyon sa buhay si Vix. Nakilala niya ito sa isa sa mga seminars na pinuntahan niya na may kinalaman sa robotics. Average intelligence lang ang meron ito pero mahusay namang makiharap sa tao. They clicked and later on, they decided to become partners in a business they thought about for a long time. Ginamit ni Raissa ang savings niya para sa share niya. Si Vix naman ay iyong perang nakuha nito sa pinagbilhan ng properties na namana ang ipinuhunan. Sasabihin na maliit na negosyo pa lang ang R1 pero mabilis na dumadami ang client base nila. Mula sa maliit na opisina ay nakalipat na sila ngayon sa isang office building. Okupado ng R1 ang limang floors pati na ang isang malaking storage area. Mga kumpanyang nasa field ng medicine at security ang pangunahing mga kliyente nila. Nagsisimula na ring makilala ng military ang malaking tulong ng serbisyong iniaalok nila lalo doon sa may kinalaman sa bomb detection and detonation. Kapag nga naman robot ang nag-detonate ng nahanap na bomba ay walang buhay na malalagay sa panganib. “I wish,” sagot ni Raissa. “O, bakit? Don’t tell me na wala kang naka-hook-up sa party na pinuntahan mo,” komento ni Vix. “Madaling mag-hook-up. Iyong quality ng makaka-hook-up ang problema.” “Well, sadly, maraming lalaki talaga ang hindi pasado sa kama.” Pareho sila ng opinyon at observation ni Vix na sa dami ng lalaking nag-iisip na regalo sila ng Maylikha sa sangkatauhan ay bihira ang napapanindigan ang matinding bilib nila sa sarili pagdating sa kama. “Mismo,” sagot niya. May sasabihin pa dapat siya pero nag-ring ang cellphone ni Vix. “Sagutin mo na. May gagawin din naman ako. Catch you later.” Kumaway dito si Raissa saka siya tumuloy na sa lab kung saan siya madalas naglalagi. She was soon deep into her work. Ang sakit na ng leeg niya. Iyon ang dahilan kung bakit natigil sa pagtipa sa keyboard ng computer si Raissa. Kung gaano na katagal siyang nakaupo sa harap niyon, wala siyang ideya. Ni hindi nga niya alam kung anong oras na. Kung hindi pa siya nakaramdam ng paninigas ng batok ay hindi niya maiisipang mag-break. Parang kanina pa niya narinig na nagpaalam si Vix na aalis na ito. Tahimik na rin ang paligid, mukhang lagpas-lagpasan na sa office hours. Walang bago roon. Kapag engrossed sa trabaho si Raissa ay nakakalimutan talaga niya ang oras. Pero ngayon ay napapagod na siya. Oh, what she would do for a lovely massage. Better yet, an erotic massage. She felt an ache in the lower regions of her body. Naalala niya na bitin nga pala siya kagabi kaya siguro naghahanap ngayon iyong kanya. It’s been a while since she had great s*x. Way too long. Napailing-iling siya. Ang hirap talagang maghanap ng s*x partner na ang pakay ay ang paligayahin muna ang kasama bago ang sarili nito. Napatulala na naman si Raissa, may sumundot sa isipan niya. Agad na pumunta sa keyboard ang mga kamay niya, mabilis na gumalaw ang mga daliri sa ibabaw niyon. Ilang sandali pa ay pinuno ang screen ng mga numero at symbols na bumubuo sa algorithm na kagabi pa niya pinag-iisipan. Mabilis niyang nai-input ang mga revisions sa dating code na nabuo na niya. Dinagdagan niya ang commands na magpapatakbo sa sistema. Matapos i-review ang nasa screen ay napangiti siya. It was a smile of satisfaction. Pagkatapos i-save ang gawa niya ay naghanap muna siya ng makakain sa pantry. Madilim na sa opisina. Ilang ilaw na lang ang nakasindi. Naka-lock na rin ang pinto. Pagtingin sa relo ni Raissa ay nalaman niyang lagpas alas nuwebe na. It looks as if she would be pulling an all-nighter. Pero walang problema sa kanya kahit mapuyat siya. She is all fired up and before the night is over, she is certain her secret project would be up and running. Tinapos na niya ang pagkain ng baked mac na nakita niya sa ref at iniinit sa microwave. Excited na siyang bumalik sa ginagawa niya. At tama ang calculation niya. Bago pa magliwanag ang kalangitan ay tapos na niya ang secret project niya. It’s ready for testing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD