"Honey, okay lang ba sa Mama mo na, rito muna tayo?" nasa boses ni Yna ang labis na pag-aalala.
"We already talked about this, right?" sagot naman ng kaniyang asawa.
Nang bumukas ang elevator ay saka pa lamang sila lumabas. Narito sila sa apartment building na pagmamay-ari ng biyenan na si Hilda Meneses-Borromeo.
Isa sa mga kilalang negosyante sa kanilang lugar. Ganoon na rin ang asawa nito na si Jaime Borromeo, na kilala naman sa hindi mabilang na pawn shop.
Napabuntong-hininga si Yna. Sinulyapan niya ang 10 month old baby na nasa kaniyang harapan nakasabit, sa baby carrier. Bago siniglayan naman ang asawang engineer na si Primitibo.
Dahil magiging busy na ito sa trabaho, at may kalayuan ang site sa condo unit na tinitirhan nila. Nagdesisyon ang asawa na puminsan muna sa nanay nito.
Malapit daw ito sa trabaho niya. At may makakasama raw siya.
Hindi katulad sa condo nila. Matapos kasi nilang ikasal, tatlong buwan lang ay nabuntis siya sa kanilang kauna-unahang anak na si Cattleya Borromeo.
Laging sila lamang ang mag-ina.
Datnan, at panawan siya ng asawang si Prim. Kapag uuwi ay halos hindi na ito nakakain ng dinner dahil sa labis na pagod, at bibiyahe pa ng malayo.
"Honey, pasok na."
"H-ha?" nagising si Yna sa ulirat nang marinig ang untag ng asawa.
At nang mapagtanto ay nasa harap na sila ng pinto ng unit ng mga biyenan.
"Pasok na. Mama waiting for us."
Ininguso ni Prim ang doorknob. Pilit siyang ngumiti rito bago pinihit.
"Mama!"
"O, nariyan na pala kayo!"
Huminto si Yna sa gilid, at minabuting paunahin ang asawa na lumapit sa ina nito.
Komportable ng nakaupo sa sofa si Hilda. Hindi nag-aksaya ng lakas para tumayo, at salubungin man lang sila.
Hindi niya na iyon ginawang big-deal.
Nilagyan pa rin ni Yna ng ngiti ang labi bago sumunod kay Primitibo. Pinanood niya mula sa likuran ang asawa nang yumakap, at bumeso ito sa ina.
"Akala ko matagal pa kayo," magiliw naman ang ginawang pagtanggap ni Hilda sa pangalawa, at bunsong anak na lalake.
"Honey."
Hinawakan ni Prim ang bewang niya para ilapit at iharap dito. Mas pinaganda niya ang ngiti nang magkita sila magbiyenan.
"Good afternoon po, Mama."
Tumango lang ito na halata naman niyang pilit.
Kinakabahan na yumuko si Yna para abutin ang kamay ni Hilda para magbigay-galang.
Pero natigilan siya nang iwasiwas iyon ng biyenan habang bwisit ang hitsura. Nawala ang ngiti niya sa labi.
"Ay, naku!"
"Tatanda ako riyan!" anas nito.
"Mama, matanada ka na. May apo ka na nga e!" pagtatangangol ni Primitibo, at hinapit ang asawa sa bewang palapit.
"Honey, bumeso ka na lang."
"Si-sige."
Kahit nakaramdam ng pagkapahiya si Yna ay muli siyang lumapit kay Hilda. Nag-aalangan siyang iuna ang pisngi rito.
Hindi niya alam kung guni-guni niya lang ba ang nakitang pag-irap ng Mama ng kaniyang asawa.
"He-hello po, Mama," mas nahiya tuloy siyang tingnan ito, at tawaging 'mama'.
"Honey, come here. Alisin na natin si Baby Cattleya riyan, para makarga ni Mama."
Muling pumihit si Yna kay Prim. May lungkot sa mga matang pinagmasdan niya lamang ang nakangiting asawa sa anak nila habang kinakalas ang baby carrier.
Nang mahubad ay nagboluntaryo siyang dalhin ang ilang gamit sa magiging kwarto nila. Iniwan niya ang anak, asawa at ang biyenan sa sala.
Nang isarado ang pinto ay napasandal si Yna. Wala naman siyang ginawa pero parang napagod siya. Isang hangin ang inilabas ng ilong niya.
Naalala niya ang hitsura ng biyenan.
Kung paano ito umirap, at nasura sa kaniya.
Bumigat ang loob niya dahil doon.
Sa totoo lang, nasa hilatsa ng mukha ng nanay ni Primitibo ang pagiging masungit. Matalim masi ang mga mata nito, at talagang pinanganak na may gintong kutsara sa bibig.
Mas nadagdagan pa ang yaman noong naging successful ang asawa nito sa maraming business.
Pero pilit na iwinaksi iyon ni Yna.
"Baka nagiging sensitive lang ako, tama."
"Baka masyado ko lang ginagawang big-deal iyon," pakalma niya sa sarili.
Nang maipasok niya ang lahat ng gamit ay muli siyang lumabas. Dahil hindi naman ganoon kalakihan ang unit. Paglabas muna ng kwarto ay ang sala na, at doon niya narinig ang biyenan.
"Ang tagal naman ng asawa mo!"
"Ma, nag-aayos 'yon ng mga gamit namin," kaswal na tugon ni Primitibo.
"O, ito na ang anak mo. Nangangawit na ako!"
Sinilip ni Yna ang ulo para makita si Hilda. Parehong imaheng ipinakita nito sa kaniya ng biyenan nang ibigay sa asawa si Cattleya sa bisig nito.
"Grabe ka naman, Ma. Hindi ka man lang ba nasabik, at namiss 'tong apo mo?" may himig na tampong aniya ni Prim nang kargahin ang anak.
Nakaupo ang mga ito sa sofa.
"Hay, naku, Prim! Tigil-tigilan mo ako. Gusto ko ang apo ko, 'yang ina niyan ang hindi."
Mula sa kinatatayuan ay napatda si Yna. Kahit naging mahina ang boses ni Hilda. Malinaw ang pagtama ng mga salitang iyon sa puso niya.
Agad nga na nangilid ang kaniyang mga luha buhat sa narinig.
"Mama," saway ni Prim sa ina.
"Marinig ka ni Yna," impit na dagdag nito.
"O, bakit? Totoo naman-"
"Ma, last ninyo na 'yang sasabihin 'yan. Ayoko na ulit marinig 'yan, lalong-lalo na sa harap ng anak ko," seryoso pahayag ni Primitibo bago iniwan ng matalim na tingin ang kaharap bago tumayo.
Nang umikot ay natigilan ito nang magkatinginan sila. Naroon ang pag-alala sa mga mata ng asawa.
"Honey, kanina ka pa riyan?" Nagmamadaling nagtungo ito kay Yna habang bitbit ang anak.
Kahit namumuo ang mga luha ay ipinilig niya ang ulo. Bago nagsalita ay siniguro niyang hindi garalgal ang tinig niya.
"N-no."
"Sure?" ulit nito nang makalapit, at maharap siya.
Dahil mababasag na ang boses ni Yna ay tumango na lamang siya.
Kahit na gustong-gusto na kumawala ang totoong sagot niya.
Rinig na rinig ko ang sinabi ng mama mo, ayaw niya sa akin, ito ang kastigo ng isip niya. Na minabuti niyang sarilinin.
Isang halik sa noo ang ibinagay ni Primitibo sa kaniyang noo. Hindi niya ginawang pumikit kahit gustong niyang damhin ang labi nito. Baka kasi pumatak ang mga luha niya.
Lumipas ang minuto nang dumating ang biyenan na lalaki ni Yna, si Jaime ang tatay ni Prim.
"He-hello po, papa!"
Parang nailang na tuloy siyang salubungin ito. Ngumiti naman sa kaniya ang may-edad na tatay ng asawa. Si Prim, at ang anak ay nagpanggap na hindi alam na naroon na ang sariling ama.
"Hindi mo pa ba kasama sina Patty?" tanong ni Hilda.
"Wala pa ba rito? Tinawagan ko na, ang sabi malapit na raw sila," sagot ni Jaime habang naglalakad.
Napatingin ito kay Cattleya na nakahiga sa ibaba, at binabantayan ni Primitibo.
"Aba, ang apo kong maganda!" Lumipat ito ng pwesto sa tabi ng asawa niya.
"Akala ko, Papa. Hindi mo kami mapapansin," natatawang anito ni Prim.
"Pwede ba iyon? Sinalubong ako ni Yna, kaya alam ko na narito kayo!" sagot nito, at agad na kinarga ang apo.
Napangiti si Yna habang nakatayoz at nanood sa mga ito. Wala talaga siyang masasabi sa biyenan na lalake.
Binalingan niya si Hilda nang tumindig ito mula sa pagkakaupo sa sofa matapos ibaba ang hawak na cellphone.
"Nariyan na raw sila sa ibaba."
Nagsisimula itong maglakad, at huminto nang makita siyang nakatayo.
"Tulungan mo akong maghain."
Parang pasko ang himig ng kaniyang biyenan. Malamig, nanunuot sa kaniyang buto. At sa sinabi nito ay para bang wala siyang karapatang tumanggi.
Dahil hindi iyon pakiusap, isa iyong utos.
Inirapan ni Hilda ang manugang bago ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa kusina. Huminga nang malalim si Yna bago sumunod.
Tahimik silang naglalagay ng pagkain, at plato sa ibabaw ng mesa. Nang sandaling batuhin niya ng tingin ang biyenan ay seryoso ito.
"Ilagay mo pa 'to," kaswal na mando nito sa kaniya nang isang plato.
"O-opo, Ma."
Nang mailagay ay sinubuakn niyang magbukas ng topic. Of course, siya ang mag-re-reach out.
Dahil siya itong makikisama, at nanay ito ng asawa niya.
Kailagan niyang subukang akyatin ang pader na nakaharang sa kanila. Baka dahil nararamdaman niya ang pagkailang ay dahil hindi siya komportable rito.
"Ma-ma, kasama ba ni Ate Patricia, si Kuya David?" kunyaring usisa ni Yna.
Si Patricia, ang ate, at kaisa-isang kapatid ni Prim. May asawa na ito, at dalawang anak na lalake.
"Hindi," inis pa rin ang tono ni Hilda habang nakatikwas ang kilay.
"May trabaho si David. Hindi katulad mo."
This time, hindi alam ni Yna kung anong magiging reaksyon. Kahit gusto niyang tanggapin iyon na biro ay hindi niya magawang ngumiti.
Para iyong bala ng baril na tumama sa kaniya galing sa isang walang takot na gunman.