"Mommy!"
Napaatras si Yna habang may mapaklang ngiti sa labi. Dumaan sa harap niya ang sister-in-law na si Patricia.
Pinanood niya kung paano magbeso ang mga ito at ang biyenan. Sana'y ganoon din si Hilda ka-welcoming sa kanilang mag-anak.
Alam niyang mas maganda ang pakikitungo nito kay Patricia, at sa asawa nitong kilala rin sa business industry.
"Why you guys took so long?" hindi galit ang biyenan sa halip para pa itong batang nagtatampo nang humarap sa anak na panganay.
"Ma, galing pa sa trabaho si David. Sobrang toxic nga dahil ang dami niyang kailangang kausapin na negosyante," pakaswal na sagot ni Patricia habang sinisipat ng tingin ang ibabaw ng mesa.
Mahinhin na kumilos si Yna para kunin pa ang ilang kailangan nila sa pagkain. Tutal hindi naman siya pinapansin ng mag-ina.
"O, nandiyan pala si Yna."
Napahinto siya sa paglalakad nang marinig ang sinabi ni Patricia. Maingat niyang pinakinggan ang susunod pa na sasabihin ng sister-in-law.
"Hindi ko napansin."
Napakurap siya nang marinig ang panunuyang tono ng hipag. Kahit hindi niya nakikita ay siguradong nagngiti-ngitian ang mag-ina.
Lagi namang ganoon ang ginagawa ng mga ito sa kaniya. Nakatalikod man o nakaharap.
Kinontrol ni Yna ang mga luha. Bumibilis ang pagkabog ng kaniyang dibdib. Marahan siyang humarap sa dalawa.
"H-hi, Ate Patricia," bati niya pigil ang pagpiyok.
Umiling lamang ito habang may ngisi sa labi. Pagkaraan hinagis ang hawak na pritong manok sa lamesa.
"Lola!" Rumaragasa na pumasok ang mga anak ni Patricia.
Sina Perry, at Daniels.
Tuwid na tinungo nito si Hilda. Tuwang-tuwang iyong sinalubong ng biyenan. Nagyakap, at kinarga pa ang seven years old na bunsong si Daniels.
"Kumusta, ang mga apo ko?" magiliw na tanong ni Hilda habang inaalog-alog na tila ba baby ang batang si Daniels.
"Mommy."
"David!"
Nakita ni Yna kung paano mas lumawak ang ngiti sa labi ng biyenan nang makita nito ang asawa ni Patricia na si David.
"Yna," bati muna nito sa kaniya nang dumaan.
Isnag tipid na ngiti ang ibinigay niya rito. Nagtungo na si David kay Hilda. Walang nagbago sa mukha ng biyenan nang yumakap ang asawa ni Patricia.
Mas masaya pa nga ito kung tutuusin.
"Let's eat, kanina pa namin kayo hinihintay."
"Sure, sure."
Nagsimula na ang pamilya ng hipag na umupo habang siya ay pinagmamasdan lamang ang mga ito.
"Yna, ano?" untag ni Hilda habang naroon na naman ang imahe na sa kaniya lamang nagagamit.
Para bang surang-sura sa kaniyang ewan.
"Kilos!" Pumalakapak pa ang ina ni Prim para bang ginigising siya sa pagkawala sa wisyo.
"Si-sige po, Mama," natataranta namang kumilos si Yna, ni hindi niya alam kung ano'ng uunahin.
"Honey, umupo ka na."
"Oo nga, Yna," sundot naman ng kaniyang biyenan na lalake.
Kanina pa kasi kumakain ang mga ito habang siya ay nakatayo, at nag-aasikaso pa rin sa lamesa.
Para siyang isang waiter na nag-se-served sa mga customer.
"Ayos lang ako, busog pa naman ako," kaila niya habang sinasalinan ng juice ang baso ng mga batang sina Perry, at Daniels.
"Okay na iyan, Yna. Kaya na nila 'yan," malumanay na sambit naman ni David patukoy sa pagsisisilbi niya sa mga anak nito.
Tumingin siya rito.
"Pat can take care of them," dagdag pa ni to.
Napatingin si Yna sa hipag. Maganang kumakain si Patricia. Ni hindi nga ito makausap. Imposible rin na maalalayan nito ang mga anak dahil nasa kabilang silya ang sister-in-law.
"Hindi, ayos lang ako. Kumain na kayo," paninidigan niya kahit na kumukulo na ang tiyan.
Isang Iyak ang narinig niya mula sa sala. Naiwan nga pala roon si Cattleya, sa crib. Nagmamadali siyang tumakbo patungo roon.
Naabutan niyang nakatayo ang anak, nakahawak sa crib, at umiiyak.
"Baby, bakit?" tanong niya pagkatapos lumapit dito.
Kinarga, at umupo sila sa carpet. Inalo-alo niya ang anak. Napatitig siya sa labas ng bintana habang naririnig ang tawanam, kwentuhan ng mga nasa dining area.
Pinigilan ni Yna ang mga luha.
Bakit pakiramdam niya ay hindi siya kabilang sa pamilya?
Mag-asawa na sila ni Prim, kinasal. Pero bakit pakiramdam niya ay napakalayo pa rin ng mga ito sa kaniya?
Kahit na ayaw niyang ikumpara ay hindi niya maiwasan. Bakit si David, tanggap na tanggap ng nanay ni Prim habang siya ay namamalimos ng kahit atensyon lamang dito?
Bakit din si Patricia na sinusubukan niyang maging ayos sila ay imposibleng mangyari?
Doon pumatak ang mga luha ni Yna.
"M-mo-mmy."
Napatingin siya kay Cattleya nang dutdutin ng daliri nito ang luha niyang nasa gilid ng ilong.
Napangiti siya kasabay nang pagsakop sa kamay nito.
"Hindi ako naiyak, baby," tanggi niya.
Inikot ni Yna ang anak sa harap pagkaraan huminga nang malalim.
"Bye, Mommy!"
Ganoon na naman ang sitwasyon, pinanonood na lamang niya sina Patricia na magpaalam kay Hilda. Katatapos lamang ng mga ito kumain, ni hindi na nga umupo sa sala.
Pagod na raw sila, at uuwi na.
"Boys, let's go!" tawag ng hioyag sa mga anak na lalakeng nilalaro si Cattleya.
"Sige na, bukas ulit ha? Dito kayo mag-lunch at mag-dinner na rin," alok ng biyenan niyang babae.
"Sure, Mommy. Para naman hindi na ako magluto sa bahay. O kaya kumain pa sa labas," mayabang na anas ni Patricia habang sinasakbit ang mamahaling bag.
"Ba't hindi mo muna kaya tulungan silang magligpit ng pinagkainan natin?" tanong ni David.
"What?" iritang anang ng asawa nito.
"Ang dami nating iniwang kalat doon, lalo na iyong mga anak mo. Ang dumi kumain, tulungan mo muna kaya sina Yna at Mommy," suhestiyon ni David.
"Oh, David. I am f*****g tired. Kaya na ni Yna 'yan, she's good at it."
Pagkatapos no'n ay umiikot ang mga matang tumalikod sa kanila si Patricia. Naglakad palabas ng condo kasunod sina Perry at Daniels.
May nakaawang tingin ang ipinukol sa kaniya ni David. Pilit siyang ngumiti rito, nawala rin ang nasa labi niya nang humarang sa kaniya si Hilda.
"Sige na, David. Umuwi na kayo ni Pat," saad ng biyenan.
"Sige po, Mommy."
"Nga pala, salamat sa bagong credit cards na ibinigay mo, ha?"
Doon napalinga si Yna sa biyenan. Ngayon alam niya na ang dahilan kung bakit maganda, at mas gumaganda pa ang pakikitungo nito sa asawa ni Patricia.
Pinagmamasdan na lamang nila makalabas si David. Hanggang sa pumihit paharap sa kaniya si Hilda.
"Ligpitin mo na 'yong nasa dining area," Nakataas ang isang kilay na utos nito.
"Si-sige po, Mama."
Inirapan siya muna nito bago umalis. Napapikit si Yna kasabay nang pagbuntong-hininga.