"Honey."
"Ba't gising ka pa?" nagulat pa si Yna nang halikan siya ni Prim sa tuktok ng ulo mula sa kaniyang likuran.
Naroon siya sa kusina at mabilis na kumakain dahil sa matinding gutom. Katatapos lang niya kasi maghugas ganoon na rin ang magligpit ng gamit sa kusina.
"Kanina pa kita hinihintay sa kwarto," paungol na sagot nito na para bang kagigising lang.
"Ganoon ba? Sige, tatapusin ko lang 'to."
Mas binilisan ni Yna ang pagsubo ng pagkain. May kalaliman na rin kasi ang gabi, mayroon pang pasok ang asawa bukas.
"Dahan-dahan baka mabulunan ka," anang naman ni Prim habang hinihimas ang magkabila niyang braso, at nakapatong ang baba sa ibabaw ng ulo niya.
Napangiti si Yna.
Dahil sa asawa kaya nagagawa niyang tiisin ang kaniyang biyenan. Alam niyang sapat na mahal siya nito para manatili kahit na tila ba nasa impyerno siya kasama si Hilda.
"Huwag mo nang hugasan iyan. Sumunod ka na sa akin, ha?"
"Opo," natatawang sagot niya.
Muling hinagkan ni Prim ang ibabaw ng ulo ni Yna bago tuluyang lisanin ang kusina.
Nasundan na lamang niya ng tingin ang lalakeng kauna-unahan at huli niyang mamahalin.
Since college, hindi na tumigil si Primitibo na ligawan siya. Kahit na sikat na sikat ito sa kanilang University, at maraming babaeng nagkandarapa.
Siya pa rin ang pinili.
Akala niya nga sa pelikula lang nangyayari iyon.
Hindi naman siya kagandahan, ka-level ng asawa. Average lang ang beauty na mayroon siya pero umapaw naman sa brains.
Ever since she was a top student.
Valedictorian noong highschool. c*m Laude noong college.
Isa iyon sa mga hinahangaan ni Prim. At isa pa ang katotohanan na mag-isa na lamang siya sa buhay.
Nang matapos sa highschool ay umalis na rin siya sa ampunan kung saan siya lumaki. Hindi niya kilala ang mga magulang niya o kung sino siya, at saan galing.
Si Primitibo lamang ang nagpadama kay Yna ng pag-ibig na kulang siya noon pa man.
Mag-isa niyang binubuhay ang sarili. Kumuha siya ng mallit at murang apartment. Trabaho sa gabi nilang gasoline attendant, pagkaraan papasok siya nang umaga.
Hanggang sa matapos siya nang college. Isang taon lamang siya nagtrabaho sa isang bangko. Nang yayain na siya ni Prim na magpakasal.
Iyon ang pinakamasayang araw ng buhay niya.
Ang makasal sa lalakeng tinuring niyang lahat-lahat sa kaniya.
Civil wedding.
At ang biyenan lamang niyang lalake ang pumunta. Naiiyak nga siya dahil bukod sa tatlong witness na kinuha lamang nila sa munisipyo ng bayan ay sila lamang tatlo nila Prim bukod sa jugde na nagkasal sa kanila.
Gustong masaktan ni Yna dahil doon. Walang suporta mula sa ina ng nobyo, ganoon na rin sa kapatid nito.
Pero ayos lamang dahil ang mahalaga silang dalawa, at ang sagradong kasal na magbubuklod sa kanila bilang isa.
Hindi namalayan ni Yna na nakapasok na siya sa silid. Tinungo niya ang crib kung saan mahimbing nang natutulog si Cattleya.
Si Cattleya, hindi pa man sila isang taon na mag-asawa ay biniyayaan agad sila ng anak.
Anak na mahal na mahal niya.
Si Cattleya na ibibigay niya ang lahat. Lalo na ang pamilya, buong pamilya na hindi niya narasan, at ipinagkait sa kaniya.
Muntik na siyang mapatili nang may humapit sa tiyan niya mula sa likod. Pagkaraan bumagsak siya sa kama.
"Prim," impit ngunit natatawang sambit ni Yna matapos gumulong ang asawa, at nagtapos na nakaibabaw sa kaniya.
"Kanina pa kita hinhintay," anang nito habang may nakakaakit na mga tingin.
Napangiti pa siya nang husto nang pumatong na si Prim sa kaniya. Pinadausdos ang daliri sa kaniyang pisngi, at nagtapos sa baba.
"Gusto mo yatang mamiss kita, ha?" senswal na pang-aakit nito.
Itinaas ni Yna ang mukha na tila ba hinahamon, at tinutukso na rin ang asawa.
"Tanong, namiss mo ba ako? Ilang minuto lang ako na hindi mo nakita? Nakatulog ka na nga agad, e?"
"What? Ako? Nakatulog?" Namamanghang saad ni Prim.
Inayos pa ang pagkakadagan sa kaniya.
"Oo."
"Alam mo na hindi ako makatutulog, hangga't wala ka sa tabi ko," diga nito.
"Ewan ko sa iyo. Matulog na nga tayo."
Marahang itinulak ni Yna si Prim paalis sa ibabaw niya habang lihim na nakangiti pagkatapos bumangon paupo.
"Teka lang honey!" Habol nito.
Muli siyang inihiga, at alertong pumatong sa kaniya. Tinago niya ang ngiti sa labi, at kunyaring seryoso ang anyo.
"Gabi na, matulog na tayo."
"Tulog agad?" Nakangusong anang naman ni Prim.
"E, ano'ng gusto mong gawin?" painosente niyang usisa.
Nakapang-akit na naman ang nasa mga mata ng asawa. Habang ang kanang kamay ng mga daliri nito ay dahan-dahang nagtutungo sa suot niyang terante.
"Baka naman bago tayo matulog," usal ni Primitibo habang binaba ang hawak na parte ng kaniyang damit.
"Prim," seryosong tawag ni Yna sa asawa.
Napatingin ito sa mga mata niya.
"Mahal kita."
"Mahal din kita. Teka, may problema ba?" takang tanong ni Prim.
Umiling siya nang maraming beses. Kahit gusto na niyang magtapat, at magsabi kung paano itrato siya ng sarili nitong ina.
"Wala. Gusto ko lang sabihin na mahal kita."
"Naku, gusto mo lang yata ng lambing, e," Ngumiti na ito.
"Hindi, ha! Gusto ko na nga matulog," tugon ni Yna.
"Really? I don't believe you!"
Kiniliti siya ni Prim na agad niyang hinawakan sa kamay. Natigilan sila pareho nang magtama ang kanilang mga mata.
Naging seryoso sila pareho.
Hanggang sa siniil siya ng halik sa labi ng pinakamamahal na lalake. May pagkasabik, malalim at agresibo.
Halos hindi makahinga si Yna sa paghalik ni Prim. Tila ba sabik na sabik sa kaniya ang asawa na hindi niya mawari.
Pilit niyang ginagantihan, at tinutumbasan ang halik na iyon.
Ang kaso nagkakandabuhol na ang kaniyang hininga. Idagdag pa ang pagkakadagan ng mabigat na katawan ni Prim.
"P-prim," animo'y nalulunod si Yna dahil sa pagkapos ng hininga.
Ang mga kamay niya ay nanunulak sa dibdib nito na ayaw naman magpaawat.
"Prim," may kalakasang itinulak niya ito.
Napalayo lang nang kaunti si Primitibo habang namumula ang labi. Doon lamang siya nakahinga.
"What?" tanong nito.
Napalunok siya.
"Ayaw mo?" may banas na tanong nito.
"No, hindi naman."
Muling yumuko ang asawa, nagawa pang hawakan ang magkabilang pulsuhan niya ay idinikit sa kama.
Leeg naman nito ang hinalik-halikan. Hindi niya alam kung bakit medyo masakit, at bakit marahas ang paraan ngayon ng asawa?
"Prim," tawag ni Yna sa pangalan nito.
Pero tila bingi ang asawa, at atubiling-atubili lamang sa ginagawa.
"Prim!" bulyaw niya rito.
Kasunod no'n ay ang pag-iyak ni Cattleya mula sa crib. Nagulat siguro ito sa pagbulyaw niya.
Mula sa leeg ni Yna ay umangat ang seryosong mukha ni Prim. Natigilan siya at napatitig sa mga mata nito.
"Prim-"
Hindi na niya naituloy nang umalis na ang asawa sa ibabaw niya pagkaraan bumaba ng kama.
"Prim," tawag niya.
"Sana sinabi mo na lang kung ayaw mo. Hindi ka na sana sumigaw, nagising pa tuloy si Cattleya," malamig na tono nito habang nakatalikod.
"Prim-" Aabutin sana ni Yna ang braso ng asawa nang humakbang na ito paalis.
Pabagsak pa na sinarado ang pintuan. Napapikit si Yna habang patuloy sa pagbunghalit ng iyak na si Cattleya.
Dumukwang siya sa crib para kunin ang anak.
"Nandito si Mama, shh.," alo niya rito.
Sandali niya itong inalog-alog at habang pinagmamasdan ang anak ay napangiti siya.