KABANATA 4

1311 Words
"Nandito si Mommy," sambit nang nakapikit na si Yna sa anak na narinig niyang umiyak. Malabo pa ang mga mata niya nang magtungo sa crib at buhatin ito. "Good morning, anak." Niyakap niya si Cattleya at inalog-alog. "Honey, bangon na-" natigilan siya nang pumihit dahil wala na siyang katabi. Ni walang gusot ang kumot ng pwesto nito. Naalala niya ang nangyari kagabi. Hindi niya na alam kung pumasok ba ulit sa kwarto ang asawa o hindi na. Dahil nakatulog na siya kahihintay at pagod sa pagpapatahan sa anak. Buhat ni Yna si Cattleya nang lumabas ng kwarto. Mga kalat sa sa sala ang naabutan niya. "Good morning, Ma," nahihiyang bati niya sa biyenan. "Nagising ka pa?" ismid na sagot nito. "Pasensiya na ho. Si Prim po?" "Kanina pa nakaalis, baka natulo pa ang laway mo," sagot nito, uminom sa baso bago tumayo. "Napuyat ho kasi ako kay Cattleya-" "Huwag kang magreklamo. Ginusto mo 'yan," katwiran nito. Napayuko si Yna. "Akin na ang apo ko," basta na lang kinuha ni Hilda ang buhat na anak. "Good morning, Apo ko," masayang bati nito kay Cattleya habang tuwang-tuwa. Doon lang siya napangiti. Hindi nga siguro siya gusto ng biyenan pero hindi ang anak niya. Iyon ay ipinagpapasalamat niya. At sapat na. "O, ano pang tinitingan mo riyan?" Magligpit ka na!" utos nito na hindi man lang siya inalok na kumain. "Opo, Mama." Nagsimulang magligpit si Yna nang umalis ang maglola. May karamihan ang pagkain na naroon. Inilagay niya sa lababo. Maghuhugas na sana siya nang makita ang isang slice ng tinapay. Nagugutom na siya kaya nagmamadali niyang isinubo iyon at nagsimula sa paghuhugas ng plato. "Yna." Lumulobo pa ang pisngi niya nang lumingon. Nakita niya roon si Patricia, agad siyang ngumiti rito. "Ate." "May breakfast pa ba?" "A, meron nasa ref." "Ipaglagay mo naman ako," nagpa-cute pa ito sa kanya na nakapagpangiti sa kanya. "Oo, sandali lang ate. Tatapusin ko lang 'to." Minadali ni Yna ang paghuhugas ng plato. Rinig niya ang halakhalakan ng mag-ina sa sala na nakapagpangiti sa kanya. Mabilis niyang nilinis ang kusina at dala-dala ang food tray ng pagkain sa sala. "Ate, ito na. May dala rin akong snack," saad niya at ipinatong sa mesa. Akma siyang uupo sa sofa pero nabitin iyon nang magsalita si Hilda. "O, anong gagawin mo?" tanong nito sa kanya. Alangan siyang ngumiti, balak sana niyang makipagkwentuhan sa mga ito. "Uupo?" "O-opo." "Kulang na 'yong groceries natin. Magpunta kasa grocery store." Tumango siya at ngumiti nang pilit. Sinulyapan niya ang sister-in-law na walang hinto sa pagsubo ng kanin. Muling binalikan niya ang biyenan na nanood ng television at pinapapak ang snack na dinala niya. Pumasok si Yna sa kwarto. Nagpalit lang siya ng damit bago muling lumabas. "Mama, alis na ho ako." "Paano 'yong anak mo?" Nilingon niya ang biyenan na nakaupo sa sofa at nagkalat ang ilang pinagkainan. Bago ang anak niyang nasa crib at naglalaro. "O, ano? Hindi mo isasama?" untag pa ni Hilda. "Isasama ho." Nagtungo siya sa crib at nginitian ang anak. Binuhat niya iyon at kinarga. "Mauna na ho kami-" "Yna," sinulyapan niya si Patricia na nakahiga sa sofa habang himas ang may kalakihan ang tiyan. "Daanan mo na si Perry at Daniels sa school," bilin nito. Naalala naman niya ang address ng school ng mga pamangkin at malayo iyon sa ruta ng grocery store. "Bilis na, Yna. At magluluto ka pa ng lunch," untag ng biyenan. Tumango na lang siya at sinulyapan ang anak. "Tara na, Cattleya." Dinala na lang niya ang stroller ng anak. Nagpatulong siya sa taxi driver na ilagay ang stroller bago sila sumakay mag-ina. "Kuya, padaan muna sa Harold James Academy School," bilin niya. "Sige po, Ma'am." Ilang minuto lang ay huminto na ang taxi. Karga niya ang anak habang nag-aabang sa gate kung saan lumalabas na nagtatakbuhang mga bata. Natanaw niya ang dalawang pamangkin. "Perry! Daniel's!" Kumaway siya habang nakangiti sa mga bata. "Tita Yna!" Mas lumawak ang ngiti niya nang yakapin siya ng mga ito sa bewang. Makulit nga siguro ang mga batang ito pero nanatiling mabait sa kanya. Hindi katulad ng biyenan at ng ina ng mga ito. "Nasaan po si Mommy?" tanong ni Perry na nasa sampung taong gulang. "A, ano, kasi," hindi niya alam kung anong idadahilan. "Tinamad na naman ba siyang sunduin kami?" Napatingin si Yna sa panganay ni Patricia. Nakahalukipkip ito at nakakunotnoo. "Perry," saway niya. "Totoo naman po, Tita Yna. Sabi ni Daddy narinig ko nag-aaway sila. Tamad daw po si Mommy." "Perry." Tumingin sa kanya ang bata. Ngumiti siya rito at magaang hinawakan sa pisngi. "Kapag narinig ng Mama mo 'yan, masasaktan siya. Huwag mo na ulit sasabihin 'yon, ha? Walang ina ang tamad para sa anak nila." Hindi sumagot si Perry. "Halika, sumama kayo sa akin. Mag-grocery muna kayo tapos ibibili ko kayo ng paborito niyong ice cream." "Yehey!" sigaw ni Daniels. Saktong may humintong taxi. Pinagkasya niya silang tatlo sa backseat. Hanggang sa huminto ito sa grocery store. Tinulungan siya ng drayber na ibaba ang stroller at inilagay niya roon ang tulog na si Cattleya. "Gusto ko ng ice cream!" Nagmamadali niyang nilingon si Daniel's na unang tumakbo papasok sa loob. "Daniel's!" sigaw niya. Sinulyapan ni Yna si Perry na hawak ang bag niya. Kinuha niya iyon at ngumiti rito. "Sundan mo ang kapatid mo. Susunod kami," bilin niya. "Opo, Tita." Tumakbo ito at siya naman ay nagmamadali pero maingat na tinulak ang stroller. Natigilan si Yna nang maabutan ang nasa loob. Mga basag na bote ng inumin ang naroon habang umiiyak naman si Daniels. "Anong nangyari?" nag-alalang tanong niya. "Nabangga po ni Daniels," sumbong ni Perry. "Hawakan mo na muna si Cattleya," utos niya rito bago nilapitan ang bunsong anak ni Patricia. "Anong masakit?" Nakita niya may ilang sugat ito. "Ma'am, dito po may clinic," may lumapit ng isang staff ng store. Buong-lakas niyang binuhat si Daniels. Agad namang sumunod sina Perry. "Twenty thousand po." Kinakabahang inabot ni Yna sa manager ang card bayad sa nabasag ng bata. "Pasensiya na po ulit." "Heto po, Ma'am. Maayos na rin po ang bata sa clinic," sagot nito at ibinalik ang card niya kasama ang resibo. Nang makalabas ng office ng store ay nagmamadali siyang kumuha ng cart. Sa cellphone niya tiningan ang pinadalang listahan ng biyenan. Nang makabalik sa clinic ay dinala na niya na ang anak at pamangkin. Hindi siya magkandabitbit habang paakyat sa elevator. Saktong tumunog ang cellphone niya. Nasabik si Yna nang makita ang pangalan ng asawa. "Honey?" "Baka gabihin ako sa pag-uwi." Nawala ang aliwalas ng mukha niya. "Maraming trabaho sa site-" "Honey, pasensiya na kagabi." Natigilan si Primitibo sa kabilang linya. "Hayaan mo. Babawi ako, mahal na mahal kita." "I'll have to go," kumurap ang mata niya nang marinig ang busy tone. Dahan-dahan niyang ibinaba ang cellphone. Saktong bumukas ang elevator at nauna ang magkapatid na nagtungo sa unit. "What happened to you, Daniels?!" Napako ang mga paa ni Yna kasabay nang paghigit ng ina nang marinig ang sigaw ni Patricia. Kinakabahan niyang sinulyapan ang anak sa stroller. "Yna!" Mas lalong kumabog ang puso niya nang marinig ang hiyaw ng biyenan. Takot ang hakbang niya. "Anong nangyari?" Sa pagpasok ay naabutan niya si Patricia na hawak si Daniels. "Ikaw talagang babae ka!" Nagulat si Yna nang hablutin ni Hilda ang buhok niya. Nanlalaking mga mata niya tiningan ito. "Pinabayaan mo ang apo ko?" "Hi-hindi po, Ma," nagpatakan ang luha niya. Oo, madala siya nitong pagsabihan pero ngayon lang ito nagbuhat ng kamay sa kanya. "Anong nangyayari rito?" Naroon si Jaime na kunot na kunot ang noo. Agad siyang pabalyang binitawan ng biyenan na babae. Buti at nakapagbalanse pa siya para makatayo. "Hilda, ano naman 'to? Sa harap pa ng mga apo mo?" tanong nito at sinulyapan si Yna. "Ayos ka lang, Yna?" Umiiyak siyang tumango. "Papa, pinabayaan niya ang anak ko." Sugod ni Patricia. Napatingin naman si Perry sa ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD