KABANATA 5

922 Words
Humarang si Jaime kay Patricia. "Anong masakit apo ko?" tanong ni Hilda kay Daniels. "Kasalanan 'yan ni Yna. Pinabayaan niya anak ko," paninisi ng sister-in-law. "Ate, hindi naman sa ganoon-" "Tumigil ka na. Huwag ka nang sumagot," singhal sa kanya ng biyenan na babae. "Mali ho bang magpaliwanag ako?" tanong niya. Natahimik ang mga ito. "Lolo, hindi naman po maaksidente si Daniels kung sinundo kami ni Mama, e." Napatingin ang lahat kay Perry. Inosenteng tumayo ito at tiningala si Jaime. "Atsaka, makulit po talaga si Daniel's." "Tumigil ka nga," gigil na tinakpan ni Patricia ang bibig ng anak. "Iyan ba ang itinuro sa iyo ni Yna para hindi siya sisihin?" gigil na tanong nito sa anak. "Hindi po. Narinig ko kayo ni Papa na nag-aaway. Ang sabi niya, hindi namin kailangan ng Yaya para sa amin dahil nandyan ka naman raw-" "Tumigil ka na. Halika na nga, umuwi na tayo!" singhal ng napahiyang sister-in-law. Hinablot basta nito si Daniels sa ina. Ganoon na rin si Perry at lumabas ng bahay. Lihim ang paghinga ni Yna. "Sige na, pumasok ka na. Pagpasensyahan mo na ang mag-iinang 'yon," paumanhin ng biyenan na lalake. Pigil niya ang luha nang tumango. "Salamat po, Papa." Itinulak niya ang stroller ni Cattleya. Sinulyapan pa niya ang biyenan na inirapan at inismiran siya. "Ipasok mo na 'to," utos ni Jaime sa asawa. "Hay, bwsit," irap ni Hilda at tumalima sa utos nito. Napaupo si Yna sa kama at pinunasan ang mga luha. Napahawak pa siya sa tiyan, halos nakalimutan na niyang mag-almusal para lang masunod ang mga utos ng biyenan. Pinunasan niya ang mga luha at ibinaba sa crib ang tulog ng anak bago lumabas ng kwarto. Walang tao sa sala, kalat ang mga naroon na isa-isa niyang pinulot. Rinig niya ang ilang ingay sa kusina. "Papa, ako na po riyan," nagmamadali siyang lumapit sa biyenan na nagluluto. "Okay lang. Ako na." "Pero galing po kayo sa trabaho." "Hindi naman ako pagod." Pinagmamasdan ni Yna ang nakatalikod na biyenan na lalake. Noon pa man ay alam niyang mana si Prim sa ama. Inilagay na nito ang inilutong ulam sa mesa bago siya sinulyapan. "Sabayan mo na 'ko." Napangiti siya nang makita na dalawang plato ang inilapag nito sa mesa. Umupo siya ay nagsimulang kumain. Hindi niya namalayan ang pagtulo ng luha. Natigilan si Jaime at napatingin sa kaharap na manugang. "Bakit? Manghang ba?" Umiiyak siyang umiling habang puno ang bibig. "Masaya lang ho ako na may mag-alok ng pagkain sa akin ngayon. Salamat, Papa." Tumango lang ang biyenan. Nagpatuloy siya sa pagsubo ng pagkain habang may luha pa rin. "Aba, nakain na kayo. Hindi niyo man lang ako tinawag," singit ni Hilda na hinampas pa ang mesa. Nasulyapan ni Yna ang biyenan. "O, bakit ka umiiyak?" Pinunasan niya ang luha. "Wala po, Mama." "Baka dinadamdam mo ang sinabi at ginawa namin sa iyo kanina. Aba, Yna, sinong yayakapin ka pagkatapos mong pabayaan ang bata?" tanong nito. Nang umupo ang biyenan ay agad siyang tumayo at binigyan ito ng plato. Inaasikaso niya rin ito sa pagkain. "Pasensiya na ho ulit." Narinig niya ang iyak ng anak kaya nagmamadali siyang pumasok sa kwarto. Naroon ang tumutunog niyang cellphone. Binuhat niya si Cattleya bago sinagot ang tawag. "Hello, Honey?" "You've already spent twenty thousand this morning?" bungad ni Prim. "Kasi Prim- sandali lang, anak. Kausap ko ang Daddy mo," kausap niya sa anak na patuloy sa pag-iyak. Ibinaba niya ang cellphone at ni-loud speaker bago hinele ang anak. "Prim, nakabasag ka si Daniels sa grocery-" "Bakit? Nasaan si Ate?" "Pinakiusapan niya kasi akong daanan ang mga bata no'ng nagpunta ako sa grocery store." Rinig niya ang gigil na paghinga ng asawa. "Ayos lang naman na ang lahat." "Sige na. Patulugin mo na si Cattleya." "Pasensiya na ulit." Natahimik ang linya. "I love you." Napakurap ang mata niya sa narinig. "Mahal kita, Yna," ulit ni Prim. Ngumiti siya habang mangiyak-iyak. "Mahal din kita." Dahan-dahan naman niyang ibinaba ang bata bago muling lumabas ng kwarto. "Yna!" sigaw ng biyenan mula sa pinto ng bahay. Napakunotnoo siya. "Mama?" Natigilan siya nang lumapit ito na hawak ang cellphone at itinulak siya sa balikat na ikinaupo niya sa sahig. "Sumbungera ka talaga. Bakit sinabi mo pa sa asawa mo ang nangyari?" Tumingala siya rito. "Gusto mong mag-away ang magkapatid? Para ikaw ang bida?" "Hindi, Mama." Pilit siyang tumayo at hinarap ang biyenan na dilat na dilat ang mga mata sa galit. "Nagtanong si Prim kaya sinabi ko ang nangyari-" natigilan siya nang itulak ng daliri nito ang ulo niya. "Sana pinagtakpan mo na lang si Patricia. Anong klase kang hipag?" Hingal na hingal itong itinutulak ang ulo niya na gulo-gulo na ang buhok. "Pasensiya na, Mama." Napadikit na siya sa pader. Nang tumunog ang cellphone ng hinihingal na si Hilda. "O, hello? Patricia?" Napatingin agad siya sa biyenan. "Ano? Nag-away kayong magkapatid? Sabi na nga ba-" galit na bumaling ito sa kanya at nang itaas ang kamay ay agad siyang yumuko. "Sige, sige. Ako nang bahala kay Primitibo. Ako na ang magpapaliwanag," kausap nito sa anak bago lumayo. Hinawi ni Yna ang mga nagsabit na buhok at sinundan ng tingin ang biyenan. Pinunasan niya ang mga luha at sinulyapan ang mesa kung nasaan ang mga pinagkainan ng mga ito. Bumalik na siguro ang biyenan sa pawnshop. May mga luha siyang nagtungo roon at niligpit ang mga gamit doon. Natigilan din siya. At napaisip. Kung sasabihin niya ba sa asawa ang ginagawa ng biyenan? Paniwalaaan kaya siya nito? Ilalayo kaya siya ni Primitibo sa mga taong inaabuso siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD