KABANATA 10

1046 Words
May awang ang labi ni Yna nang balingan ng tingin ang babaeng posturang-posturang na nakaabrisyete sa asawa niya. Natataranta niyang binalikan si Prim. Nag-ipon agad ang mga luha niya. Ito kaya ang inhiyerang madalas nitong kasama mag-overtime? Awtomatikong nagpatakan ang mga luha niya. Pinunasan niya agad iyon at lumapit sa asawa. Hinila niya si Prim palayo sa babae. "Sino ka?" sumisinghot-singhot niyang tanong. "Chill, Miss Borromeo," kaswal nitong sagot at nakangiting humalukipkip. "Chill?" inis niyang ulit. Nilapitan niya ito pero pinigilan siya sa braso ni Prim. May luha niya itong tiningala. "Ano bang ginagawa mo?" "Anong? Anong ginagawa ko? Ikaw, anong ginagawa mo?" mariin ang bawat bigkas niya sa mga salita habang nanginginig ang laman sa galit. Napatingin si Prim sa ilang katrabaho na kalalabas ng cafeteria at nakatingin sa kanila. Don't make a scene here," gigil pero mahina nitong wika kay Yna habang mahigpit ang pagkakapit sa braso ng asawa. "E, bakit siya nakakapit sa iyo?" kasing-hina at diin niyang tugon habang nakatingala siya rito. Sinulyapan nito si Samantha. "Misis Borromeo," malumanay nitong tawag. Sinisinok-sinok siyang bumaling dito. Hinawakan ng babae ang kamay niya. "Ako si Samantha, engineer din dito sa firm. Magkaibigan at close na close kami ni Engineer Prim. Nahilo lang ako and he was there para alalayan ako-" "At tingin mo, maniniwala ako sa iyo?" malakas siyang bumitaw sa pagkakapit dito. "Halika nga, Yna." Hinablot siya sa braso ng namumula sa galit na si Prim nang mas dumami pa ang mga katrabaho na pinanood sila. Sinipa pa nito ang nahulog na food container. Naiwan namang nakangiti si Samantha. "Ano ba, Prim?" "Nasasaktan ako," hila-hila siya nito palabas ng kompanya. At nang makababa sa ilang baitang na hagdan ay basta na lang siya nitong binitawan. Muntik na siyang mawalan ng balanse pero tinibayan niya ang mga binti. Hindi siya makapaniwalang tiningan ito. Ito ang kauna-unahang beses na hilahin at balyahin siya ng asawa sa tagal na nilang kasal. "Kaya mo na akong saktan ngayon?" tanong ni Yna. "Oo, kasi mali na ang ginawa mo." Kumurap ang mga mata niya. Gigil itong lumapit sa kanya. "Nakita mo? Pinagtitinginan tayo ng mga katrabaho ko-" "Hindi tayo pagtitinginan ng mga katrabaho mo. Kung hindi nakaangkla ang babaeng iyon sa iyo-" "She's just my workmate-" "Siya rin ang kasama mo sa overtime mo, hindi ba?" masakita at may luha niyang tanong. Lumayo ang pikon na pikon na si Prim sa asawa at hingal na hingal sa pagpapaliwanag. "Oo siya pero wala kaming ginawa-" "At tingin mo, maniniwala ako sa iyo, Prim?" iyak na tanong ni Yna. Sumeryoso ang asawa niya at para g pagod siyang pinagmamasdan. "Hindi ka maniniwala kahit sabihin kong wala kaming ginagawa?" "Oo, dahil alam ko ang mga ganoong babae at hindi sila mapagkakatiwalaan-" "Fine!" Nagulat pa siya nang sumigaw si Prim. "Kahit naman pala hindi ko gawin. Hindi mo paniniwalaan. Ano pang saysay ng faithfulness ko sa iyo?" "Diyan ka na. Huwag kang susunod sa loob para gumawa ng eksena," seryosong bilin nito bago umalis. "Prim," iyak niyang tawag, nang tumunog ang cellphone niya. "Ano ka ba naman, Yna?" "Naiyak na itong anak mo. Umuwi ka na," bungad ng nakakabinging boses ng biyenan. Impit ang iyak niya nang marinig ang anak. "O-oho, Mama. Pauwi na." Sumakay siya sa taxi at doon ibinuhos ang mga luha. Nang makarating sa unit ang nabungaran niya agad ay mga kalat. Rinig niya ang palahaw ng anak kaya nagmamadali siyang pumasok. "Cattleya," nasa crib ito at nakatayo. Agad niya itong kinarga. "Nasaan ang Lola mo? Bakit ikaw lang ang mag-isa rito?" tanong niya sa kargang anak. "O, nandyan ka na pala." Nilinga ni Yna si Hilda na may dala-dala pang unan at patungo sa sofa. "Iniwan niyo ho si Cattleya rito?" "Oo, e. Hindi ako makatulog, iyak nang iyak 'yan. At-" natigilan ang biyenan sa pagpapaliwanag nang tila may napagtanto. "Bakit kailangan ko magpaliwanag sa iyong babae ka?" "Binabayaran mo ba ako sa pag-aalaga ng anak mo?" "Responsibilidad ko bang alagaan siya habang ang ina niya ay wala?" "Aba, aba, Yna. Sumasama na yata ang ugali mo," mahabang litanya nito at umupo sa sofa. Huminga na lang siya at bumaling sa anak. "Doon na tayo sa loob ng kwarto," naglakad na siya at bago pa makapasok sa loob ng kwarto ay nagbilin pa si Hilda. "Igawa mo ako ng meryenda. Darating din si Patricia, damihan mo na." "Oho," napipilitan niyang tugon. Nang makapasok sa kwarto at napasandal sa pinto. Pinagmamasdan niya ang anak at napangiti na lang. "Namiss mo si Mama?" kausap niya rito bago naglakad at nagtungo sa gitna. Niyakap niya ang anak at hinawakan ang likod. "Hmmm...." "Hmmm," simulang kanta niya sa tahimik na kwarto habang malumanay na sinasayaw ang anak. Pumatak ang luha niya nang maalala ang asawa. "Hmm.." "Hmmm," patuloy niya habang inaalala ang pananakit at pananalita ni Prim. Mahirap tanggapin na parang isang kisap ng mga mata ay nagbago nang ganoon ang asawa niya. Noon ay hindi naman niya nakita sa imahinasyon na puwede siyang kaladkarin nito. "Hmmm," kanta niya habang may luha. "Hmmm," nanlalaking mga mata na natigilan si Yna. "Hmmm," hawak niya ang likod ng ulo ni Cattleya nang marinig ang boses na iyon. "Hmmm," patuloy na lullaby ng babaeng boses na hindi niya alam kung saan galing. Tensyonadong umikot ang mga mata niya sa paligid ng kwarto hanggang sa kisame. "Hmmm-" "Sino 'yan?" putol niya. "Yna, ako 'to." Muling nandidilat ang mga mata niya na nagpalinga-linga habang hawak nang mahigpit ang anak. "Sino ka?" "Hindi mo pa rin ba ako tinatatak diyan sa isip mo?" "Sino ka nga?" "Ako ang kakampi mo. Si Ysa." "Ysa?" "Oo ang nag-iisa." "Nasaan ka? Bakit hindi kita nakikita?" "Makikita mo rin ako. Basta itatak mo lang ako sa isip mo. Nag-away na naman ba kayo ng asawa mo? Dapat kasi noong nakita mo 'yong babae niya sinabunutan mo na agad." Umiling-iling ang pawis na pawis si Yna habang malikot pa rin ang mga mata. "Hindi ko puwedeng gawin 'yon-" "Anong hindi puwede? Kapag sila ayos lang manakit. Kapag ikaw, hindi? Patas ba 'yon, Yna?" "Pati iyang tamad pero matakaw mong biyenan. Sobra-sobra na ang pang-aapi niyan sa iyo. Gusto mo tulungan kita?" Abot-abot ang tahip ng dibdib ni Yna. "Ang gagawin mo lang ay pakinggan ang boses ako at magbabago ang buhay mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD