KABANATA 25

756 Words

Pagod ang bawat hakbang ni Yna sa hagdan. Wala siyang emosyon nang magbukas ang pinto. Naabutan niya roon ang ilang nagkalat na gamit. Sinulyapan niya ang anak na tulog niyang bitbit. "Dalhin na muna kita sa kwarto. Para makatulog ka na," pumasok siya sa loob at maingat na ibinaba si Cattleya sa crib. Pinagmamasdan ni Yna ang anak habang nakangiti. Napangiti siya nang mapait nang maalala ang ama nito. "Cattleya, bakit ganoon ang Papa mo?" "Bakit hindi siya naniniwala sa akin?" Pinunasan niya ang tumulong luha. "Hay, ang dami kong dapat na gawin. Kaysa ang umiyak dito," kinumutan niya ang anak. "Matulog ka na at pagod na si Mama sa kaiiyak." Muli siyang lumabas ng kwarto. Nagtungo siya sa sala at pinulot ang ibang unan na nasa sahig. Hanggang sa natigilan siya. Napatitig siya sa so

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD