"Bakit ho siya?" hindi niya maiwasang magtanong. "Hindi ko nga alam," lumapit ang bumulong na matanda sa kanya. "Iyong asawa kasi ni Yna, nanlalamig na. Aba, imbes na magpasalamat na binuhat ni Yna ang nanay niyang kabigat-bigat." "Galit pa," dagdag ni Rosie. Napahinga si Matthew. Hindi niya alam kung bakit nagtatanong siya sa buhay ng iba. "Maybe we shouldn't be talking about their marriage, Aling Rosie." "Oo nga, Dok," kumamot si Rosie. "Pasensiya na at wala akong mahingahan ng problema. Awang-awa kasi ako kay Yna." Tumango na lang siya. "Sige na, Dok. Mamili na kayo ng bibilhin niyo." Tumalikod na si Rosie, si Matthew naman sa batang nasa stroller. Napangiti siya sa nang mapagmasdan ang maamo nitong mukha. Dumukwang siya rito ay hinawakan ang baba. "Hello, Cattleya." Huminto

