"Nice to meet you, Tita Mercedes." Napatingin si Mercedes kay Prim. "M-mama, si Samantha. Isa rin siyang engineer sa Prim." "Hi, Tita. I heard what happened, okay lang po ba kayo?" bumeso pa sa dalawang pisngi si Samantha. Naguguluhan man ay nakangiti si Mercedes. "Medyo, ayos na." Bumaba ang atensyon nito sa dala-dala ng inhiyera. "O, I brought you some fruits and a bouquet of flowers." "Salamat naman, iha. Nag-abala ka pa." "Your welcome, Tita. Magkaibigan kami ni Engineer Prim. Kung sinong mga importante sa kanya, importante rin sa akin." Matigas na nalunok ni Prim ang laway habang tuwid ang tingin sa kawalan. "Ganoon ba?" "Salamat, iha," kinuha ni Mercedes ang mga bitbit ni Samantha. "Prim?" "Papa?" gulat na bulalas ni Prim at napatingin sa ama. Napakurap siya nang makitan

