"So-sorry," mahinang wika ni Prim.
Sinalubong ni Yna ang mata ng asawa habang may pilit na ngiti. "A-ayos lang."
Hinawakan siya ng asawa para igiya na bumaba. "Linisin mo na 'yan."
Alangan ang nasa labi niya nang bumaba at pinanonood ang pagtungga nito ng baso bago humarap sa kanya.
"Ma-mauna na ako sa kwarto," kita niya ang kaba sa mata ng asawa. Pilit ang maliit niyang pagtango at ngiti.
"Sige, susunod na 'ko. Liligpitin ko lang 'to."
Sinundan ng tingin ni Yna ang lumabas na asawa, nang makaalis ito ay doon lang lumungkot ang mukha niya.
At napatingin sa kalat sa sahig.
Pinunasan niya ang luha bago nagsimulang magligpit.
"Tsk. Tsk. Tsk."
Huminto ang kamay niya sa narinig na palatak. "Yna. Yna. Yna."
Naroon na naman ang boses. Agad siyang napatingin sa paligid. "Palayo na nang palayo ang asawa mo. Para ng isang bangkay ang pagsasama niyo, palamig na nang palamig-"
Mabilis na tumayo ang galit na si Yna.
"Hindi totoo 'yan!"
"O, talaga? Nasaan siya ngayon?"
Rinig pa niya ang pagtawa ng boses.
"Pagod lang siya," paniniwala niya.
"Gabi-gabi na siyang pagod, Yna. Iyon ang palagi niyang rason na pilit mong pinaniwalaaan?"
"Dahil iyon ang totoo- teka, sino ka ba?"
Napalinga-linga si Yna sa paligid. "At bakit pati sa bahay namin na kakapasok ka-"
"Yna, hindi lang ako nasa bahay niyo. Ganoon na rin sa utak mo, Yna. Kung pakikinggan mo ako, maibabalik natin ang asawa mo."
"Hindi ako naniniwala sa iyo-"
"At kanino ka maniniwala?"
"Sa asawa mo?"
Natigilan si Yna. "Ako lang ang kakampi mo-"
May luha niyang kinuha ang tinidor at itinaas. "Kung kakampi kita, magpapakita ka sa akin. Bakit mo ginugulo ang buhay ko?"
"Hindi kita ginugulo, tinutulungan kita-"
"Sige nga, kung tinutulungan mo 'ko. Magpakita ka!"
Nanatili niyang hawak ang kutsilyo at paikot-ikot sa kusina kung makikita niya ngayon ang may-ari ng boses na iyon ay masasaktan talaga ito sa kanya.
Dahil sa pakikialam sa buhay niya.
"Tumingin ka sa salamin at makikita mo ako."
Natigilan si Yna at suminghot. Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto. Nilinga niya ang kama, napangiti sya nang makita ang tulog na anak.
Dahan-dahan niyang inilipat ang mga matang kumurap nang makita ang nakatalikod na asawa.
Nawala ang ngiti niya.
Marahan siyang naglakad papasok ng banyo. Isinarado niya iyon at seryosong humarap sa salamin.
Pinagmasdan niya ang sarili na puno ng kolorete ang mukha. Dahan-dahan niyang itinaas ang palad at ipunas sa mata.
Nagkalat ang maskara, eyeliner at ang eye shadow niya, pinagmasdan niya ang sarili at napangiti.
Pinunasan niyang ang labing pulang-pula. Umabot ang mantsang kulay pula sa pisngi niya.
Napatingin siya sa suot na damit. Dahan-dahan niyang ibinaba ang terante ng suot-suot.
Nahulog iyon sa sahig.
Pinagkakatitigan ni Yna ang hubad na katawan sa salamin.
"Ako ang nakikita mo," hindi na siya nagulat nang marinig ang boses na iyon.
"Ako, ikaw, Yna."
Dahan-dahan niyang inalis ang tali ng buhok. "Paano nagbago ang asawa ko nang ganoon kabilis?" tanong niya kasabay nang mga luha.
"Iyon ang kailangan nating malaman."
"Paano kung may babae nga siya?"
"Anong gagawin ko?"
Nagtuluan ang mga luha ni Yna habang seryoso pa rin ang mukha nakatitig sa salamin.
"Simple lang, hahayaan mo ako sa buhay mo."
"Anong magagawa mo para sa akin?"
"Ako ang magiging matapang para sa iyo."
Napangiti siya. "Parang gusto ko 'yan."
Pumikit ang yumukong si Yna at tumungp. Tumahimik ang loob ng banyo bago siya nagmulat.
Ngumisi siya nang mapatitig sa salamin.
"Hmmm," kanta niya nang kunin ang gunting at muling humarap sa salamin.
Sinipat-sipat niya iyon ng tingin. Kinuha ang dulo ng buhok at itinapat doon.
Gugupitin na niya ang buhok nang may kumatok.
"Yna."
Tila natauhan si Yna, napatingin siya sa salamin. At nang makita ang gunting ay agad niya iyong binitawan habang kinakaban.
"Yna."
"Anong ginagawa ko?" tanong niya sa sarili.
Mas natataranta siya nang marinig ang malakas na katok sa pinto. "Yna, naiyak si Cattleya," boses iyon ni Prim.
"Nandyan na!" mabilis siyang lumabas.
Napakunotnoo si Prim nang makita ang tarantang asawa. Nilampasan siya nito at kinuha ang anak na umiiyak.
"Nandito na si Mommy," tumulo ang luha ni Yna habang inalog-alog ang anak.
Napailing na lang si Prim at pumasok sa banyo. Natigilan siya nang makita ang gunting.
Muli niyang nilinga si Yna, nakatalikod ito. Bumaba ang mata niya sa mga binti nitong nanginginig.
Kinuha niya ang gunting habang hawak ang gunting. Kinakababahan niyang ibinalik ang gunting kung saan.
Humiga na si Yna, katabi ang anak.
"Cattleya, anak," mahinang kausap niya rito. "Pagpasensyahan mo na si Mama, ha?"
"Lagi akong may pagkukulang sa iyo."
Huminto si Prim sa tapat ng kama. Rinig niya ang asawang nakatalikod. "Pero pangako, bibigyan kita ng buong pamilya."
Kumurap ang mata niya. "Kahit mahirap. Ibibigay ko sa iyo iyon. Ang pamilyang hindi ako nagkaroon. Pangako, ibibigay ko iyon sa iyo."