KABANATA 17

1039 Words
"Yna?" ulit ni Matthew nang makaharap si Rosie sa counter at ibinigay niya ang biniling kape. "Oho, Dok. Siguradong nakikita niyo na siya, siya 'yong maliit lang ng babae tapos hanggang balikat ang buhok, maputi at medyo singkit ang mata," detelyadong paglalarawan ng matanda. Naalala niya ang babaeng nakita niya sa labas ng convenience store na eksakto sa paglalarawan nito. "Tingin ko nga ho, Miss Rosie. Nakita ko na siya, siya ba 'yong mukha laging problemado?" "Natumpak po!" "Excuse me," napatingin si Matthew sa nasa likuran na namimili. Kaya nginitian na lang niya ang matanda.."Mauna na ho ako." "Sige, Dok. Ingat kayo." Nang lumabas ay tinanaw niya ang direksyon kung saan naroon ang mga condominium. "Ito ba ang ulam?" tanong ni Mercedes na papungas-pungas pa nang pumasok sa kusina. "Oho, Mama," nagmamadaling inalis ni Yna ang pagkakatali ng apron nang mapatong sa mesa ang inilutong ulam. Agad siyang humakbang. "O, saan ka pupunta?" "M-may gagawin lang po-" "Ipaghain mo muna ako," kaswal nitong hinila ang silya bago umupo. Nanatili siyang nakahinto nang muling tingan ng biyenan. "Bilis, nagugutom na ako." Wala siyang nagawa kung 'di ipaghain ito. Nagmamadali niyang ipinatong ang mga kailangan ng biyenan bago natatarantang lumabas ng kusina. Napailing na lang si Mercedes. "Lokaret talaga ang babaeng iyon," aniya at pinilig pa ang ulo. Pumasok si Yna sa kwarto, may kinuha siyang kahon sa ibabaw ng closet niya. Ipinatong niya iyon sa sahig at binuksan. Napangiti siya nang makita ang laman. Ang ilang make-up niya noong dalaga pa siya. "Puwede pa siguro ito," kinuha niya iyon nang nakangiti bago buong pag-asang tumitig sa sahig. "Mamahalin ako ulit ng asawa ako," kausap niya sa sarili. Sumakay sa elevator ang seryosong si Prim para umakyat sa palapag kung nasaan sa opisina. Pasarado na iyon nang may pumigil. Nalunok niya ang laway nang makita si Samantha. Ngumiti ito na talagang nagpakurba nang malaki nitong labing pulang-pula dahil sa lipstick. "Puwedeng makisabay, Engineer?" kasing lagkit ng tingin nito ang boses. Nilahad lang ni Prim ang palad dahil parang nanunuyo ang lalamunan niya. Napapikit siya nang maamoy ang managing buhok nito na sadyang sinalimpad. "Good morning, Engineer. Ang tahimik mo Yaya, kagabi naman sumasagot ka pa," puna ni Samantha na ilang espasyo lang ang layo sa kanya. "Ang init," muli nitong sinalimpad ang buhok. Binuksan ang ilang butones ng polo, sumilip doon ang dibdib nito. Sinulyapan nito si Prim na nanatiling diretso ang tingin. Napangiti ang inhinyera. "Aray!" sadya itong nagpawala ng balanse at lumapit sa suit ni Prim. Nagkatinginan ang dalawa. "Sorry,," kumagat pa sa sariling labi ang inhiyera. "Nahihilo ako, kulang yata ako sa tulog kakaisip sa iyo." "Puwedeng paalalay?" dahan-dahan itong umabrisyete kay Prim na hindi sumasagot. Diniretso ni Prim ang tingin habang abot-abot ang tensyon. "Hay, Engineer Prim. Alam mo bang pangarap ko 'to?'" "A-ang alin?" sa wakas ay may lumabas na sa bibig niya. Humilig si Samantha sa balikat niya at ikinadikit ang sarili sa kanya. "Iyong ganito, sa umaga sabay tayong papasok pagkatapos ng isang mainit na gabi sa pagitan natin-" "Samantha," agad siyang bumitaw dito. "Why?" natatawang tanong ng inhiyera nang humarap sa kanya. "Hi-hindi mo dapat sinasabi ang mga ganiyan-" "Bakit hindi, Engineer Prim? Tayong dalawa lang naman dito. In fact, we can do what we really want here inside the elevator." Lumapit si Samantha kay Prim at hinawakan ang pagitan ng suit nito. "What do you think?" "It's exciting, right?" ikinataas nito ang malaking dibdib na hindi niya maiwasang tingan. "You like this, Engineer?" "Patatagalin mo pa ba talaga ng isang buwan ang parehong paghihintay natin sa isa't-isa?" Pinalandas ni Samantha ang daliri nito sa kanto ng mukha niya hanggang sa suit na niluluwagan nito. "Naiinip na ako, Engineer Prim. Madamong nasasayang na oras na puwede nating i-enjoy." Natigilan ang inhiyera nang hawakan ni Prim ang kamay niya. Hindi naman iyon galit at dahan-dahang ibinaba. "What, Engineer?" "May CCTV itong elevator." "E, di doon tayo sa walang CCTV." "Please, Samantha. Umagang-umaga, huwag tayong gumawa ng kasalanan." "O, e, di, sa tanghali na lang? Game ka?" na sabik pa ang mukha nito na ikinailing ni Prim. "Magtrabaho na lang tayo. Hindi ba't marami tayong deadline?" Nauna na siyang lumabas ng elevator. Ito naman ay patakbong sumunod sa kanya. Nakangiting umabrisyete sa kanya papasok na hindi na niya nagawang tanggalin. Maghapon silang magkadikit ni Samantha sa trabaho. Nang umuwi ay maganda ang ngiti sa labi niya. Binuksan niya ang pinto ng condominium. At napatingin sa naghihintay. Suot ay isang manipis na damit pantulog. "Yna?" tanong niya nang buskan ang switch ng ilaw. Doon niya nakita ang asawa na posturang-posturang pa kahit malalim na ang gabi. Bumaba ang tingin niya sa suot-suot nito. "Ano ba 'yang damit mo?" Lumapit si Yna ay kinuha ang bag ni Prim na hindi gulat ang mayroon kung di pagtataka. Akmang kukunin na niya ang bag. Nang lukot pa rin ang noong iniwas ni Prim. "Anong ginagawa mo?" Alangan niyang sinalubong ang tingin nito. "Wala." "Anong wala?" "Bakit ganiyan ang itsura mo?" "Iyang pananamit mo." "Nababaliw ka na ba-" "Hindi," putol ni Yna na hinawakan pa ang dulo ng damit pantulog. "Nagbihis ako at nag-ayos para sa iyo-" "Para sa akin?" "Oo." Dismayado itong umiling at dire-diresto sa loob. "Sandali, akin na 'yang bag mo." Kinuha niya iyon at ngiting-ngiti humarap. "Ipaghahanda kita ng pagkain." Nilahad lang ni Prim ang dalawang palad na parang napipilitang pagbigyan siya. Nakangiti siyang nagtungo sa kusina. "Honey, halika na rito." Napatingin ito sa kanya nang ipag-usod ng silya. Nang makaupo ay nilagyan niya ito ng pagkain sa plato. Tubig, at kulang na lang ay literal niyang subuan ang napipilitang asawa. Habang kumakain si Prim ay naalala ni Yna ang payo ni Rosie. Tiningan niya ang kandungan nito bago dahan-dahang umupo. Kumapit siya sa batok ng asawa na huminto sa pagnguya. "Anong ginagawa mo?" "Wala lang. Ilang araw na kitang namiss kaya gusto kong ganito kalapit sa iyo." Nagtitimping pumikit si Prim bago nagmulat. "Paano ako makakain?" "E, di, susubuan kita," sabik na kinuha ni Yna ang tinidor bago muling humarap sa asawa. "A," inutusan niya itong buksan. "Ayoko." "Sige na." Natutuwa niyang hinawakan ang magkabila pisngi nito. Pero galit na iniwas ng asawa ang mukha at tinagib ang hawak niya. Tulala siyang napatingin sa sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD