KABANATA 16

1036 Words
Marahan ang bawat hakbang ni Yna nang lumabas ng kwarto. Nagkubli siya para pakinggan ang asawa na mahina ang boses habang nasa kusina. "Samantha," rinig niya ang boses nitong tila sinasaway ang babae. "May asawa na ako," kahit kinakabahan ay napangiti siya sa panindigan ng asawa. Tumalikod si Prim at gigil na hinawakan ang cellphone. "So, what?" "Engineer Prim, iyon ang gusto ko. Exciting 'di ba?" "Samantha-" "Isang tanong lang, Engineer. Do you like me or not?" Nakangiting dumekwatro si Samantha at tiningan ang sarili sa salamin. "Kapag hindi, maghahanap ako ng iba. And I'm telling you, kapag inayawan mo na ako. Hindi na ako babalik sa iyo." Natigilan si Prim. Dahil natahimik ang asawa ay sinilip ni Yna si Prim at kitang-kita niya ang mariin nitong paghawak sa silya. "Ano kaya ang sinabi ng babaeng iyon sa kanya?" na tanong niya sa sarili. "Engineer Prim, ako na mismo ang nanliligaw sa iyo. Kasi obviously, gusto kita, may asawa ka man o wala," patuloy ni Samantha. "Okay, ganito na lang. I'll give you one month to think. Kung gagawin mo akong kabit o hahayaan akong mapunta sa iba." "Goodnight, and dream of me." Isang malalim na hininga ang ginawa ni Prim nang mawala sa linya ang tuksong nilalaban niya ng husto. Alam niya sa sarili na kaunti na lang ay bibigay na siya. Makakalimutan na niyang may asawa siya. Tuluyan na siyang matutukso ni Samantha. Masisira na ang pamilya niya. Magkakagusto na siya sa iba. At makakagawa ng kasalanan. Naging dalawa ang kapit ni Prim sa silya at yumuko. Nahawakan naman ni Yna ang suot na singsing. "Huwag kang magpapatukso," aniya habang may luha. Kinaumagahan ay maagang pinainitan ni Yna ang anak na nasa stroller. "Yna." "Hoy, Yna," napatingin siya sa humarang. "Aling Rosie." "Aba, kanina pa kita tinatawag, ha?" "Pasensiya na po." "Hay," ngumiti ang kunyaring matandang nagtatampo. Yumuko ito kay Cattleya. "Mukhang may problema na naman ang Mommy mo, batang maganda," kausap nito sa anak niya. "Cattleya ho ang pangalan niya." Tiningala siya nito at ngumiti. "Napakaganda ng pangalan." "Yna?" Tumaas ang dalawang kilay niya. "Gusto mo bang magkape muna?" Nilinga niya ang convenience store. "Hay, halika na. Ako na ang magtutulak kay Cattleya," tumabi sa kanya si Rosie at itinulak ang stroller ng bata. "Heto." "Salamat ho," umupo sa tapat niyang silya ang matandang babae. "Napakaganda ng anak mo, manang-mana sa iyo." Tiningan ni Yna ang anak na tulog sa stroller at nasa gilid niya. "Sana nga ho, pisikal na anyo lang ang mamana niya sa akin." "O, anong ibig mong sabihin diyan?" tanong ni Rosie. "Sana ho, huwag siyang magmana ng mga ugali ko." "O, e, bakit? Ayaw mo ba siyang maging mabait?" "Huwag naman ho sobra na katulad ko at baka abusuhin lang din siya ng iba," malungkot na ngiti siya matapos sabihin iyon. "Huwag siyang tumulad sa akin na matiisin sa lahat ng bagay." "Minsan sa buhay, kailangan magtiis. Lalo na para sa pamilya, kaya hindi ka nag-iisa." Hinawakan pa ni Rosie ang kamay ni Yna. Ngumiti siya habang nangingilid ang mga luha. "Mahirap ho pala ang magkaroon ng pamilya?" "Oo naman kaya nga ako, piniling tumanda mag-isa. Sarili ko lang ang pinoproblema ko." "Ako ho kasi ayokong mag-isa." "Sabagay, may punto ka naman diyan." "Ang totoo ho, Aling Rosie. Takot akong mag-isa. Pakiramdam ko kahit mag-isa ako ay may laging nakabantay sa akin o nakatingin." Nagtatakang tumango naman si Rosie at makahulugang pinagmamasdan si Yna. "Maiba ako, kumusta ang asawa mo?" "May babaeng tumutukso sa kanya sa trabaho?" "Natutukso naman siya?" Dahan-dahang tumango si Yna. Inis na kumamot sa ulo ang matanda. "Hay, may anak na siya at lahat. Natutukso pa rin siya." "Aling Rosie, wala hong kasalanan ang asawa ko," dumukwang pa siya sa mesa para ipagtanggol ang asawa. "Iyong babae sa trabaho niya ang lapit nang lapit at tawag ng tawag sa kanya. Narinig ko mismo sa asawa ko na ayaw niya sa babae." "Yna, kung walang baga, hindi mag-aapoy. Kung natutukso na siya, ibig-sabihin lang no'n ay may interes pa rin siya sa ibang babae." Napatanaw siya sa babasaging salamin at napasandal sa kinauupuan. "Mahina ang mga lalake pagdating sa tukso, Yna." "At iyon ang mga sinasamantala ng mga wanna be kerida. Pero kung ipinapakita ng asawa mo na wala siyang interes. Hindi mag-aaksya ang babae na tuksuhin siya." "Aling Rosie, natatakot na baka tuluyang matukso ang asawa ko sa ibang babae." Natatarantang si Yna na humarap kay Rosie na ikinagulat nito ng bahagya. "Ano ho bang dapat kong gawin?" "Para hindi matukso ang asawa ko sa ibang babae?" "Para hindi niya ako ipagpalit sa iba." "Para hindi masira ang pamilya namin," naiiyak niyang patuloy habang hawak ang kamay ng matanda. "Mag-relax ka nga, Yna. Bakit ba ganiyan ka katataranta, nakakatakot ka," hinawakan ni Rosie ang dibdib. "Aling Rosie, hindi ako puwedeng mag-relax. Nararamdaman ko ang panlalamig ng asawa ko." Tumulo na ang mga luha niya habang nanginginig ang kamay na hawak ang kamay ng matanda. "Hindi niya na ako gusto." "Ni ayaw niya ako makasiping." "Aling Rosie, anong gagawin ko para bumalik sa kin ang asawa mo?" "Bakit hindi mo siya ibalik sa nakaraan?" Napakunotnoo siya. "Iyong itsura mo, gawin mong dalaga ulit. Huwag kang magpaksubsob sa trabaho." Naalala niya ang biyenan na babae. "Mag-ayos ka, akitin mo ang asawa mo. Gawin mo ang mga ginagawa niya noon. Ang kailangan niya lang ay ma-distract siya sa panunukso ng babaeng iyon sa kanya." Matagal siyang napatitig kung saan. Inalala ang mga dating panahon na magkasintahan pa lang sila. "Mag-make up ka." "Magdamit ng maganda." "Mag-ayos ng buhok." "Maligo at magbango." "Pagkatapos ay akitin mo." "Sa ganoon, hindi na maghanap ng iba ang asawa mo. Heto," tinanggap niya ang ibinibigay nitong papel. "Iyan ang contact number ko. Puwede mo akong tawagan kahit anong oras. Kapag kailangan mo ng kausap at tips para sa asawa mo." "Salamat ho, Aling Rosie." Nasa labas si Rosie habang kinakawayan ang kapitbahay na palayo. "Good morning, Miss Rosie." Napalingon ang maganda. At agad na kumislap ang mata nito. "Dok, kayo pala! Good morning din." Tumanaw si Matthew sa malayo. "Sino ho ang kinakawayan niyo?" "A, si Yna." Dahan-dahan tumango si Matthew at naalala ang babaeng nakita niya na kinakausap ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD