Nasa pinto si Yna para hintayin si Prim. Hating-gabi na at hindi pa rin ito nabalik.
Akma siyang hahakbang nang magbukas ang pinto. "Prim," natutuwa niyang bulalas.
Dire-diresto ito kaya hinawakan niya sa braso. "Mag-usap naman tayo, o?"
Dahan-dahan sinalubong nito ang mata niya. "Gusto mo ba na nag-aaway kami ni Papa-"
"Syempre, hindi. Alam mong ayaw ko nakakita ng nag-aaway. Lalo na kung pamilya ko."
Kinuha ni Prim ang kamay niya at ibinitaw. "Pwes, iyon ang ginagaw mo-"
"Prim, nakita ako ni Papa sa convenience store. Tinanong niya ako at nagsabi ako ng totoo. May mali ba roon?"
Dismayado itong umiling at binitawan ang kamay ni Yna. Nang aalis na ito ay mabilis niyang niyakap sa likod.
"Please, Prim. Ayusin na natin 'to."
"Ayoko nang ganito tayo."
"Ayoko na ganito ang pamilya natin."
"Please, Prim."
Marahang tiningan ni Primitibo ang kamay ni Yna na nasa tiyan at mahigpit ang pagkakayakap.
"Kung nagkamali ako, sorry."
"Sorry kung naghinala ako."
"Sorry kung naisip ko na puwede mo akong lokohin."
Sabay-sabay ang patak ng luha ni Yna habang pakiramdam niya ay ayaw na niyang bumitaw sa asawa.
Huminga nang malalim si Prim at hinawakan ang kamay niya. Dahan-dahan itong humarap.
"Wala akong ginagawang masama."
"Umiiwas ako sa tusko, iyon ang ginagawa ko."
Habang pinagmamasdan ni Yna ang asawa ay gusto niyang itanong kung natutukso pa rin ito sa ibang babae.
Dapat na hindi na.
Dahil may asawa na siya.
Pero para hindi na humaba ang away at tuluyang mawala ang asawa ay tumango siya.
Nilunok at kinimkim niya ang mga tanong pa rito.
"Na-naiintindihan ko, Prim. I'm sorry."
"Matulog na tayo."
Tumango siya at tiningan ang kamay nila na parang napilitan lang na hawakan nito.
Nang makapasok sa kwarto at umakyat sa kama ay binitawan na iyon ni Prim. Seryoso itong humiga at tumalikod. Sinulyapan niya muna ang anak na nasa crib bago humiga sa tabi nito.
Yumakap siya mula sa likuran.
"Prim?"
"Hm?" tila napilitan nitong tugon.
"Salamat, ha?"
"Para saan?'
"Ako ang laging pinipili mo."
Nagbalik sa alalala ni Yna ang ilang beses na pagpili sa kanya ng asawa kahit na ayaw ng ina nito.
Mas hinigpitan niya ang yakap dito.
"Naniniwala ako na kahit anong mangyari. Ako pa rin ang pipiliin mo, kami ng anak natin."
"Kaya sorry kung nagduda ako."
Hinalikan pa ni Yna ang balikat ni Prim nang ilang beses. Banayad niyang itinaas ang ulo. Humarap naman ang asawa.
Hinalikan niya ito sa labi. "Mahal kita, asawa ko."
Kumurap lang ang mata nito. Muli niyang hinalikan si Prim, lumalalim iyon hanggang siya na ang ihiga nito.
Napangiti siya habang hinahalikan siya nito sa leeg.
Nakapikit si Prim habang hinalikan ang asawa. Gusto niyang nakalimutan ang lahat ang iniisip.
Hinalikan niya ito sa labi at nang marinig niya ang impit na ungol nito sa halik niya ay natigilan siya.
Ang mukha ng inhinyerang Samantha ang nakita niya sa mukha ni Yna.
Gulat siyang napatitig dito.
Nagmulat si Yna ay ngumiti. "Engineer."
Mabiis na lumayo at bumaba ng kama si Primitibo. Napabangon naman siya.
"Bakit?"
"Anong problema?"
"Prim-"
"Wala," ni hindi siya malingon.
"Prim-"
"Matulog ka na, Yna!"
Natahimik si Yna. Pinanood na lang niya ang pagpasok nito sa banyo. Habang siya ay impit ang pag-iyak.
Nang humiga ay pinagmamasdan niya ang bintana. "Hindi na yata ako mahal ng asawa ko," aniya.
"Kahit yata sumiping ay hindi na niya kaya."
"Bakit?"
"Paanong nangyari ang lahat ng ito?"
"Bakit ganito kabilis?" sunod-sunod na tanong niya sa sarili habang umiiyak.
Mabilis na naghilamos ng mukha ni Primitibo at pinagkatitigan ang sarili sa salamin. "Prim, wake up."
"Hindi mo puwedeng maisip nang maisip ang babaeng iyon," tinampal pa niya ang sarili.
Nang tumunog ang cellphone niya.
Engineer Samantha calling.
Napapikit siya nang mariin.
Pinagmamasdan niya iyon bago hindi na na napigilan ang sariling sagutin.
"Hello, Engineer?" bungad ng boses.
Boses pa lang ay napahinga na siya nang malalim. "Hello?"
"Y-yes, I'm here."
"May pinasa ako na ilang documents sa laptop mo for the project."
Lumabas na siya ng banyo at nagtungo sa working table. Umupo at kinutkut iyon.
"Nakita mo?"
Nakangiti si Samantha habang nakatanaw sa ibaba ng kanyang condominium unit.
May hawak na baso ng wine ang inhiyera habang naka lingerie.
"Nakita mo, Engineer Prim?" inartehan pa niya ang boses.
"Yes, I got it."
Sinulyapan ni Samantha ang sariling laptop. "Can you open the last file?"
"Okay," sagot naman ni Primitibo.
Tumahimik ang linya ay nalunok ni Primitibo ang laway nang makita ang ilang sexy picture ng inhiyera.
"What can you say?" malagkit na tanong nito.
"Maganda ba?"
"I can send you more."
"Sa iyo ko lang iyan pinasa."
"Engineer Prim," ikinatapat ni Samantha ang bibig sa cellphone habang nakaakit ang boses. "Hindi pa rin nagbabago ang offer ko."
"At kaya kitang mas bigyan ng maraming litrato o puwedeng makita mo ito ng personal."
Hindi makuhang sumagot ni Primitibo habang nakatitig sa mga litrato.
"Hindi ako sumama sa ibang engineer kanina. Hinahanap kita, maaga ka raw umuwi."
"Ayokong isipin na dahil ayaw mo akong makitang may kasamang iba kaya ka umuwi ng maaga."
"Tsk, tsk, tsk. My Engineer Prim. Kung ayaw mo akong ma-add to cart ng iba. I-check out mo na ako at hindi ka magsisisi dahil magandang product ako."
Mabilis na isinarado ni Primitibo ang laptop nang makita ang paggalaw ng asawa. Binitbit niya iyon habang hawak pa rin ang cellphone na hindi niya kayang ibaba.
"Yes, Engineer Michael. Sa labas lang ako at walang signal dito," sadyang ipininarinig niya iyon sa asawa nang lumabas.
Natawa naman ang maarteng si Samantha sa kabilang linya. "Engineer Michael?" ulit nito.
Nagtungo si Primitibo sa kusina. "Gising ang asawa ko at baka anong isipin na kausap kita."
"Okay, okay, My Engineer Prim. Kahit anong itawag mo sa akin okay lang."
"Hindi ako magrereklamo. Michael o kahit anong pangalan ng lalake. Basta baby kapag tayo lang dalawa, ha?"
"Samantha, ano bang gusto mo?" natanong ni Primitibo kahit alam na niya ang sagot.
Baka lang akala niya iyon o baka pinagtitripan lang siya ng magandang inhinyera.
"Obviously, ikaw, Prim."