"Tingin mo ay may kabit ang asawa mo?"
Tumango si Yna sa may-edad na si Rosie. "Bigla na lang ho kasi siyang nanlamig. Hindi ko alam kung bakit," paliwanag niya habang magkakaharap sila sa mesa.
"Nag-away ba kayo?"
"Hindi naman ho kami nagkakaroon ng malalaking away noon. Ngayon na lang nang makita ko ang babaeng nakakapit sa kanya."
Tiningan niya ang mga kamay na magkadaupan. "Sobra ho ba ang iniisip ko na baka may relasyon sila?"
Hinawakan ni Rosie ang kamay niya kaya sinalubong niya ang mata nito.
"Magtiwala ka sa kutob mo madalas tama iyan," sagot nito.
"Mas maniwala ho ako sa kutob ko kaysa sa asawa ko?"
Natigilan ito. "Alam mo kasi Yna, sa matagal niyo nang mag-asawa. Ikaw lang ang mismong makakaalam niyan. Tingin mo ba kaya lang lokohin ng asawa mo?"
Napatitig siya kung saan. At nang maalala ang mga mata ni Prim na puno ng galit. Ganoon na rin ang madalas nitong pagtulak sa kanya ay nalunok niya ang laway.
"Kilala mo ang asawa mo. Kabiyak siya ng puso mo. Mararamdaman mo kung nagsisinungaling siya sa iyo o hindi."
"Kaya nga ako, hindi ako nag-asawa."
"Hindi kayo nag-asawa?" ulit niya.
Pinagkrus ni Rosie ang mga binti at humalukipkip. "Hindi. Dahil ayoko nang mga ganiyang problema."
Napangiti siya nang maliit. "Basta, Yna. Kapag may problema ka, puwede mo akong lapitan."
"Salamat ho. Kayo na lang ang kakausapin ko kaysa ang boses na naririnig ko na hindi ko alam kung saan galing," tumungga si Yna ng tubig habang nakangiti at nakatanaw sa babasaging salamin ng convenience store.
Napakunotnoo naman si Rosie. "Boses?"
"Oho. Boses."
"Saan mo naririnig?"
"Sa kwarto, sa kusina, at hanggang sa lumabas sinusundan ako ng boses na iyon."
"Sino 'yon?"
"Wala rin ho akong ideya kung sino."
Tumayo na si Yna at nginitian ang bagong kaibigan. "Mauna na ho ako, Miss Rosie."
Tumango at ngumiti ito.
Kahit papaano ay nabawasan ang dala-dala niya nang lumabas ng convenience store.
Sana lang pagbalik niya ay hindi iyon magbago.
Kapapasok lang niya ng pinto nang marinig ang boses ng biyenan na lalake.
"Hindi tama ang ginagawa mo, Prim."
"Papa, wala nga po akong babae," narinig niya ang inis na boses ng asawa.
Naglakad siya at mula sa sala ay tinanaw niya ang kusina kung saan nag-uusap nang masinsinan ang mag-ama.
"E, bakit ganoon na langa ng reaksyon ni Yna?"
"Hindi ko ho alam, Papa. Nagiging paranoid lang siya."
Napahinga siya nang malalim sa narinig.
"Ina siya ng anak mo at dapat pinoprotektahan mo siyang hindi masaktan. Asawa mo siya, siya lang dapat ang mamahalin mo," patuloy ng biyenan na lalake.
"Mamahalin ko pa ba 'yong taong sumisira sa akin sa mga magulang ko?"
"Prim-"
"Papa, totoo naman, e. I'm trying to be a faithful husband. Umiiwas ako sa tukso pero ito pa rin ang ibinibintang niya. Sinisiraan pa niya ako sa inyo."
Tumayo na si Prim at nakasalubong si Yna. "Prim-" umalis ito sa harap niya at lumabas ng bahay.
"Prim!" umiiyak na tawag niya.
"Hayaan mo na muna siya Yna," bilin ng biyenan at sa kwarto naman pumasok.
Naiwan siyang nag-iisa sa sala habang may luha. "Ikaw talagang lokaret ka sa salot ka talaga sa buhay namin," mahina ang gigil na wika ni Mercedes nang lapitan siya at hawakan sa tenga.
"Mama," daing niya habang pigil-pigil ito.
"Letse ka. Nag-aaway ang mag-ama dahil sa kalokahan mo."
"Mama!" Inalis niya ang kamay nito. "Hindi ba dapat isa kayo sa nagpapayo sa tamang gawin ng anak niyo para maayos ang pamilya niya?"
"At tinuturan mo pa ako?"
"Hoy, babae! Nang pakasalan ka ni Prim, hindi na maayos ang pamilya niya. Mag-asawa naman ba siya ng tulad mo!"
Natahimik si Yna habang may luha. Pinagmamasdan niya ang biyenan na babae na nanulis ang nguso habang nandidilat ang mga mata.
"Noon pinakasalan ka niya, sigurado akong hindi siya magkakaroon ng maayos na pamilya."
"Alam mo kung bakit?"
Gamot ang hintuturo ay tinulak nito ang ulo niyang tumabingi. Naglagalagan din ang hibla ng buhok niya.
"Dahil nagpakasal siya sa tulad mo!"
"Sa tulad mong babaeng walang kwenta!"
"Ni hindi nga namin alam kung saan kang galing impyerno!"
"Kaya hindi ako magtataka kung iwan at ipagpalit ka ng asawa mo!"
"Dahil wala kang kwentang babae!"
"Nanay ka lang ng anak niya!"
"Pagkatapos, wala na!"
"Wala ka nang halaga!"
"Hindi ka naman bagay maging asawa ng anak ko. Ang bagay sa iyo maging kasambahay!"
"Taga-kudkud ng inidoro!"
"Napakarami kong pangarap sa anak ko!"
"Napakarami rin babae na dapat niyang pagpiliaan!"
"Iyong maganda, edukada at mayaman. In short, ka- level namin. Kaya nga hindi ako pumunta sa kasal niyo dahil hindi ko maaatim na itatali ang anak ko sa tulad mong basura!"
"Kaya hindi ako magtataka na palitan ka niya kasi wala kang kwenta!"
Hingal na hingal sa haba ng sinabi si Mercedes, ganoon na rin sa galit. Sandali pa nitong pinagmamasdan ang nakayukong manugang.
"Kaya ang masasabi ko lang sa iyo, deserve!"
"Diyan ka nga!" Itinulak pa nito si Yna.
Nang marining ni Yna ang pagsarado ng pinto ay dahan-dahan niyang itinaas ang mukha.
Narinig niya ang iyak ng anak kaya nagpunas siya ng luha. Naabutan niya ito na gumagapang sa kama.
""Cattleya!" Kinarga niya agad ito.
"Shh.. nandito si Mommy. Hindi ka iiwan ni Mommy," bulong niya sa tenga ng anak habang inalo-alo.
"Hindi kita sasaktan katulad nang ginagawa nila sa akin."
"Nandito lang ako."
Patuloy ang mga luha niya habang nakatitig kung saan. Ang buong akala niya ay nabawasan na ang sakit sa kalooban niya.
Mas nagdagdagan pa.
Buhat sa sinabi ng biyenan sa katotohanan na hindi pa rin siya tanggap nito.
Kahit kapirasong pinto ay hindi nito binuksan para sa kanya.
At halos langgam lang din ang tingin nito sa kanya kahit na ginagawa na niya ang lahat para lang magustuhan ito.
Bakit ba hindi siya matanggap nito?
Dahil ganito lang siya?
"Nandito na si Mama," kausap niya sa anak na patuloy ang pag-iyak.
"Kaya ni Mama 'to, lalakasan ko para sa iyo."
Niyakap niya ang anak kasabay nang pagpikit. Tumulo ang masasagana niyang luha.
Ang akala niya noon ay wala nang mas hihirap pa sa pagiging ina.
Ganoon din pala ang pagiging asawa.
At maging ang pamilya.