"B-bakit?" tanong niya nang tumalikod si Prim. Muli nitong kinuha ang baso ng alak at tumalikod.
"Bakit, Prim? Kinakausap kita!"
Galit itong humarap. "Huwag kang sumigaw," gigil nitong pagbabawal habang nandidilat ang mga mata.
"Natutulog ang anak natin. Hindi mo ba nakikita?" dagdag pa nito.
Tiningan ni Yna ang daliri nito na dinuduro siya. "May problema ba?"
"Bakit ba parang nag-iba ka nang ganito kabilis, Prim?"
"Hindi ka naman ganito."
"Hindi mo naman ako ganiyang tingan noon."
"Ni hindi mo ko pinagbubuhatan kahit ng daliri mo."
"Ano bang nangyari sa iyo?" Umiiyak niyang tanong.
Nakita niyang natigilan ito. "Sino ba ang dahilan nang pagbabago mo?"
Kumunotnoo ito. "Sino bang tinutukoy mo?"
"Iyong babae sa kompanya mo, 'yong nakapalupot ang braso sa iyo-"
"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo, katrabaho ko lang siya."
Parang babaeng umirap si Prim at tumalikod. Humakbang na ito pero humarang ang umiiyak na si Yna.
"Katrabaho?"
"Bakit nakakapit sa iyo?"
"Bakit hinayaan mo?"
"Alam mo, Yna. You're over reacting. Wala kaming ginagawang masama."
"Sana nga, Prim."
Seryoso niya itong pinagmamasdan habang pigil-pigil pa ang maraming luha.
"Sana nga, hindi siya ang dahilan kung bakit parang pagod ka sa trabaho. Sana hindi siya ang dahilan kung bakit hindi mo matanggap ang halik at yakap ko."
Mabilis siyang lumabas ng kwarto. Naabutan pa niya sa pinto ang biyenan at hipag. Pinilig niya na lang ang ulo at mabilis na lumabas ng unit.
Nang makalabas ng condominium building ay tiningala niya ang bintana ng unit nila.
Mabilis ang paglalakad niya habang papunta sa hindi niya alam. Balisa siya sa bawat hakbang.
"Ano? Nanlalamig na ang asawa mo?"
Napako ang mga paa ni Yna nang marinig na naman ang boses na iyon. Nagpalinga-linga siya habang mabilis ang pagtulo ng pawis.
"Sinabi ko naman kasi sa iyo, tutulungan kita. Para hindi ka na lokohin ng asawa mo-"
"Hindi niya 'ko niloloko," sagot niya habang hindi alam kung saan ipapaling ang mukha.
"E, ano pang tawag sa ginagawa niya? Nanlalamig siya dahil mayroon na siyang kinalokokahang iba-"
"Hindi totoo 'yan," ipinagpatuloy niya ang mabilis na paglalakad.
"Makinig ka sa akin, Yna. Hindi kita ipapahamak. Sa halip, tutulungan kita, pakinggan mo lang ako."
"Tama na," malakas niyang sambit at muling huminto.
Napatingin siya sa nakasalubong na nagulat at napatingin sa kanya. "Sinong kausap niya?" narinig niyang tanong nito habang may nakakatakot na tingin sa kanya.
Muli niyang ipinagpatuloy ang paglalakad. "Yna, hindi ako ang kalaban mo. Sa akin ka makinig, siguradong makakapaghiganti ka."
"Tutulungan kitang maging sa iyo ang asawa mo. At ang babaeng lumalapit sa kanya ay mawawala sa landas niyong mag-asawa."
"Ganoon na rin ang biyenan mo. Ibibigay natin ang deserve ng impakta mong biyenan."
Tinakpan ni Yna ang dalawang tenga. Nabibingi siya sa naririnig na boses.
"Tama na."
"Tumigil ka na."
"Ayoko na kitang marinig."
"Araw-araw mo akong maririnig sa tuwiang problemado ka. Nandito ako, ako ang maririnig mo."
"Tama na!" Mabilis siyang tumakbo sa kalsada.
"Yna, tutulungan kita," patuloy ang boses na iyon. Pawis na pawis niyang binalingan ang lugar kung saan siya galing dahil pakiramdam niya ay sinusundan siya ng boses na iyon.
Hanggang sa madapa siya.
Umiiyak niyang tinakpan ang tenga.
"Thank you, Doc."
Ngumiti si Matthew sa cashier ng convenience store nang ibigay niya ang bayad.
Sa paglinga niya ay napakunotnoo siya nang makita ang isang babae sa labas ng convenience store.
Paikot-ikot ito habang hawak ang kamay. Pawis na pawis at tila balisa. Takip-takip nito ang tenga habang tila may kinakausap.
Nagtungo si Matthew sa babasaging salamin. At doon niya nakita na wala itong kausap.
"Miss, ayos ka lang?"
Natigilan si Yna nang may lumapit na lalake. "Are you okay?"
"O-oo."
"May problema ba?" Sinipat siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa bago humakbang.
Pero takot siyang umatras. "A-ayos lang ako."
Tumango si Matthew habang pinagmamasdan ang babaeng balisang-balisa.
Napakurap si Yna nang may iaabot itong bote ng tubig. Dahan-dahan niyang sinalubong ang mga mata ng estranghero.
"Baka nauuhaw ka."
"Hi-hindi. Salamat na lang. Puwede mo na akong iwan," sagot niya.
Napatango na lang si Matthew. Nakita pa niya ang paghawak nito sa tiyan.
"Alis na, Mister. Ayos lang ako."
Dahan-dahan siyang tumango at tumalikod. Iilan pa lang ang hakbang na nagagawa niya nang muling lumingon. Nakangiwi ang babae habang hawak ang tiyan na pumasok sa convenience store.
Umupo roon si Yna at napayuko sa mesa.
"Yna?"
Marahan siyang nagtaas ng mukha at napaiyak siya nang makita ang biyenan na lalake.
"Papa."
Agad siyang yumakap dito. "Anong nangyari? Bakit ka nandito?"
Hindi siya makasagot habang nakayakap sa tila isang taong may malasakit siya sa knaya sa bahay na iyon.
"Heto, uminom ka muna."
Inilagay ng biyenan ng bote ng tubig sa mesa. Kinuha naman niya iyon at nagmamadaling tinungga dahil kanina pa siya nauuhaw.
"Ano bang nangyari?"
"Nag-away na naman ba kayong mag-asawa?"
Pumatak ang luha niya. "Papa, may kulang ho ba sa akin?"
"May pagkukulang ho ba ako?"
"Kakausapin ko si Prim pagbalik ko sa bahay. Sa ngayon, umuwi muna tayo."
"Puwede ho bang dito muna ako?"
Natahimik ang biyenan. "Kung iyon ang gusto mo, pero bago magdilim umuwi ka na."
Tumayo na ito bago nag-iwan ng pera sa ibabaw ng mesa. "Kapag nagutom ka."
"Salamat, Papa."
Sinundan niya na lang ito ng tingin hanggang sa makalabas ng convenience store.
"Miss, ayos ka lang ba?"
Napatingin siya sa may-edad na babaeng lumapit. "Mukha kang problemado, iha?"
Umupo ito sa silyang kaharap niya. "Away mag-asawa ba?"
Nahihiya siyang tumango. "Ako si Rosie, dito lang ang bahay ko. Lagi kitang nakikitang dumadaan, tulak-tulak ang stroller ng baby mo."
Tiningan niya ang nakalahad nitong palad. "Makipag-kaibigan ka naman para hindi ka nag-iisa."
Ito na mismo ang kumuha sa kamay ni Yna at pinag-shakehands. "Ano bang problema niyong mag-asawa?"
"Narinig ko kayo ng biyenan mo. Buti sa asawa mo lang ikaw may problema. Sa biyenan mo bang babae, wala?"
"Kilala niyo ho si Mama?"
"Oo, iyong laging nakasimangot na babae."
Napangiti siya. "Hay, mukhang problema mo rin ang matandang iyon. Sabagay, nakikita ko lang iyon ay problemado ko na rin. Ikaw pang kasa-kasama mo."
Nakangiti si Yna habang nakatitig sa bagong kakilala.