*CHAPTER 24* Basa pa rin ‘yung buhok ko, at pati na rin ang balat ko kaya giniginaw na ako. Wala naman kaming kumot para panlaban sa lamig, kaya niyakap ko na lang ‘yung sarili ko. Dahil sa lamig hindi ko na makontrol ang pangangatog ng katawan ko kaya napadasal na ako na sana tumila na ‘yung ulan, pero lalo pa atang lumakas. Panay ang paspas ng malakas na hangin na nagpapasayaw sa nakasabit na kurtina sa bintana. Dahil sa kawalan ng tabing, pumapasok na sa loob ng tree house ang anggi ng tubig ulan. Sa gitna ng panginginig ko, naramdaman ko ‘yung pagkilos ni Cedrick. "Huwag kang kikilos," sabi ko sa kanya. "Pero Alli, nangangatog ka na." "A-anong gagawin mo?" Hindi niya sinagot ang tanong ko at sa halip ay bigla na lang niya ‘kong niyakap. "Para hindi ka ginawin," sabi niya at naram

